"Hello?" Sabi ni Vince. Naka-loud speaker yung call kaya naririnig naming pareho ni Athena.
"Hello!" Sabi ni Athena. Tapos tumawa sya.
"Wendy, parang iba yung boses mo sa phone." Sabi ni Vince na medyo confused.
"I-loudspeaker mo nga para marinig ko." Sabi nung kasama ni Vince. Si Paul nga siguro.
"Hello, Paul! Magkasama kayo ni Vince?" Sabi ko.
"Oo wendy!" Sabi nya sa akin. "Pare, hindi naman naiba yung boses ni Wendy ah." Sabi ni Paul kay Vince. Bumulong si Athena sa akin na sya naman daw ang magsasalita.
"Anong ginagawa nyo. Dyan?" Tanong ni Athena.
"Pare! Iba talaga." Sabi ni Vince. Natawa kami ni Athena. Mahinang tawa lang kasi baka mabuking agad kami eh. XD HOHO. "Wala lang. Tumatambay lang dito si Paul. Ikaw, anung ginagawa mo?"
"Wala rin lang, nakahiga, kausap kayo." Sagot ko.
"Ah. Bakit ka naman napatawag?" Tanong ni Paul.
"Wala akong magawa eh." Hoho. tinong sagot.
"Ah ok. Edi matulog ka na lang." Sabi naman ni Vince.
"Ayoko nga!" Sagot ni Athena. XD
"May kasama ka ano?" Sabi ni Vince.
"Oo. Kasi naiiba talaga yung boses." Sabi naman ni Paul.
"May kasama ako." Sabi ko.
"Hello! Kamusta kayo?" Sabi naman ni Athena.
"Sino ka?" tanong ni Vince.
"Ganyan ka na! Hindi mo na kilala yung boses ko?" Sabi ni Athena.
"Pare, kaboses ni Athena." Sabi ni Paul kay Vince.
"Teka, bakit mo ako kilala?" tanong ni Vince kay Athena.
"Hulaan nyo na lang kung sino sya." Sabi ko naman.
"Magpakilala na lang kamo sya." Sabi ni Paul.
"Sige na nga." Sabi ni Athena.
"Hi. I'm Athena. Athena Villafuerte."
"OWWSSS???" Sabi nilang dalawa. Tapos nagtawanan kami.
"Maniniwala yan. Wala naman silang sinabi tungkol sa iyo eh." bulong ko kay Athena.
"Oo nga. Ako nga si Athena! Ayaw nyong maniwala? Magpinsan kami ni Wendy. Liit ng mundo noh?"
"Weh? Ikaw ba talaga si Athena? Hindi parin ako naniniwala." Sabi ni Vince.
Kinuha ni Athena yung cellphone nya at nag txt kay Paul.
"Hi Vince at Paul. I'm with Wendy. Magpinsan kami. Ayaw nyo paring maniwala?"
"Huy. Ano? Hindi parin kayo naniniwala?" Tanong ko.
"Pare, nag-txt si Athena. Kasama daw nya si Wendy na pinsan nya." Sabi ni Paul kay Vince.
"Patingin nga." SILENCE then, "OO NGA!!!" Nagtawanan kami ni Athena. LOL. Nakakatawa talaga!!! HAHAHA.
"Paano kayo naging mag-pinsan?" tanong ni Paul.
"E kasi magpinsan kami. Iyun na yun." Sabi ko. "Tama!" Sabi ni Athena.
"Bakit kayo magkasama ngayon?" Tanong naman ni Vince.
"Actually, magkasama kami kasi, iisa ang bedroom namin, matutulog na nga kami eh." Sagot ni Athena. "Sige, Good night na sa inyong dalawa!"
"Good Night! And Sweet Dreams!" Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Love Me Do [UPDATED!!! Chapter 24!!!] =D
RomanceIf you love someone, then express it. But it's quite hard isn't it? Love Me Do is a story of a girl who falls in love with the guy who also loves her. But yeah, they can't express it. What do you think might happen to their relationship? . . . . . ...