Chapter 6 - Vincent's PoV

215 14 3
                                    

Nagising ako ng 6:00am at kasalukuyan akong nagbibihis dahil galing lang sa paligo. Marami pang oras. Maaga pa lang ay umalis na ako. Binilinan pa ako ng mommy ko na kung pwede, papuntahin na si Paris dito. Bakit ba kasi gusto ng mommy ko na maraming tao? T_T

Pumunta na ako kina Wendy. Nakarating ako dun ng saktong 8am. Traffic kaya natagalan ako sa byahe. Buti na lang at maaga pa lang ay umalis na ako sa bahay.

Pinapasok muna ako ni Wendy sa bahay. Hinanap ko nga si tita Pia, yung mommy nya. Iyun pala ay maagang umalis sa bahay dahil sa  trabaho. Naiwan silang dalawa sa bahay, pwere pa sa mga maid nila. Saktong sakto. Sinabi kong isama na si Paris dahil gusto rin kako syang makilala ng mommy ko.

"Wendy, alam mo ba nung nalaman nila na pupunta ka sa amin, bigla silang hindi pumasok sa trabaho at hindi pumunta sa lakad ang daddy at kuya ko?"

"Oh? Ganun ba sila kainteresado sa akin? Tsss. Anu ba mga pinagkukwento mo sa kanila tungkol sa akin?"

"Ewan ko ba sa mommy ko. Sa kanya lang ako nag-kukwento eh."

"Ahh.. Ok."

"Ok." sabi ni Paris.

Haha. Naki-'OK' na lang si Paris. Siguro nagpaparamdam na 'Isali nyo naman ako sa usapan nyo' or what. XD

Nakarating na kami sa bahay. Parang walang tao nung pumasok kami. Dumaan yung isang maid at tinanong ko kung nasaan yung mga tao. 

"Nasa pool po sila, nagsi-swimming." sagot nung maid.

"Pool? Sana sinabi mo kanina para nakapagdala kami ni Paris ng pang-swimming" sabi ni Wendy sa akin.

"Wag na lang kayo mag-swimming. Halika at pumunta tayo sa may pool." Tapos naglakad na kami papunta sa may pool.

"Eh. Sayang naman. Gusto ko ring mag-swimming" tapos nag-sad face si Wendy.

"Pag-uwi na lang natin, ate. Night swimming tayo nina mommy." sabi ni Paris kaya biglang lumigaya yung mukha ni Wendy.

"Magandang ideya yan Paris."

Lumingon sa akin si Paris at kinindatan ako. Wow. Sya na! Kilala na nga nya talaga yung ate nya at alam na alam na nya kung papaano yun pasayahin.

Nakarating na kami sa may pool. Hala. Sigawan habang naguusap. Tsk. Nakakahiya naman. Pero tinatawan na lang namin sila kasi ang gulo nila sa pool. 

Nandun nga silang lahat sa pool. Sina mommy, daddy, kuya Mav, si Roma na naka goggles pa, at si Paul.

"Everyone! Heto na kami!" sigaw ko. Tumahimik at naglingunan naman sila. "Sya si Wendy." tapos kumaway si Wendy. "At ang kapatid nya na si Paris." tapos ngumiti at yumuko si Paris.

"Hi Wendy!" Sabay-sabay nilang bati.

Umahon sa pool si Paul. Tiningnan ko si Wendy. Napayuko sya na namula. Ewan. Kasi naman pala. Naka-topless si Paul. Eh kasing ganda pa ng katawan ko. Tsk. XD

"Uy pare! Pinagpalit mo na talaga ako! Buti na lang sa maganda! Kung hindi, magmumukmok talaga ako." tapos tumawa.

"Anung 'pinagpalit' yang pinagsasasabi mo?" tapos binulungan ko si Paul. "Magpatuyo ka muna at magsuot ng shirt 'tol"

"Ayoko nga. Masanay sya ha!" tapos bigalang nag-ehem si Wendy at lumingon kay Paul.

"Hi." Sabi lang nya. Haha. Mukahang pilit. Si Paul naman parang nang-iinis lang eh. Lumapit pang lalo kay Wendy.

"Hi Wendy. Ang ganda mo pala. I'm paul. Nice to meet you."

Hahahaha. Medyo nahahalata na ang pamumula ni Wendy kaya inawat ko na si Paul. Loko-loko yun. Tsk. Haha. :D

Love Me Do [UPDATED!!! Chapter 24!!!] =DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon