CHAPTER 12

29.2K 835 17
                                    

"Nandiyan na pala kayo tara pasok kayo." Sabi ko kina Mindy at Vince. Pinuntahan nila ako sa mansion para sabay sabay kaming pupunta sa bahay ni Say.



"Wow Abby hindi ko alam malapalasyo pala ang bahay mo." Sabi ni Vince.




"Oo nga hehe nako napakaswerte mo talaga at nagayuma mo si Mr Esteban." Sabi naman ni Mindy at nagtawanan ang dalawa.



"Haha grabe kayo ah kung alam niyo lang kung gaano ka patay na patay sakin si Luke noh." Pagmamalaking sabi ko.



"Wow proud pa siya oh." Pang iinis pa ni Mindy. Maya maya pa ay bumaba na si Luke.





"Sino siya? Bakit ka nakahawak sa kamay niya?" Agad itong lumapit at hinila ako papalayo sa kaibigan kong si Vince.




Masama ang tingin ni Luke dito at alam kong ano mang oras ay sasaktan niya ito. Kaya nagsalita na ako.




"Ah siya si Vince at eto si Mindy mga kaibigan ko sila."




"Kaibigan?" Hinila ako ni Luke papalayo sakanila.




"Diba sinabi ko na sayo na ayokong nakikipagkaibigan ka sa lalaki? Ano to?"



Ang sungit nanaman niya. Tinubuan nanaman siya ng sungay.




"Ahm sandali lang mawalang galang na." Sabi ni Vince.



"Hindi kita kausap!" Sigaw na sabi ni Luke dito habang nanlilisik ang mga mata niya.




"Luke ano ba?! Kaibigan ko si Vince anong masama don?" Sabi ko. Hay ano ba naman kasing problema nito?




"Wag mong sagarin ang Pasensiya ko Abby. Hindi mo ako sinusunod."




"Ano ba kasing problema?"




"Seriously? Itatanong mo sakin yan?" Sabi nito.



Ngayon ay mukha na kaming Mag asawang nag aaway sa harap ng mga kaibigan ko.




"Oo dahil hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan."




"I'm jealous." mahina ngunit seryosong sabi nito.



Pinamulahan siya dahil don. Alam kong hindi niya ugali ang magselos.




Natawa naman ang kaibigan kong si Mindy.




Napatingin kaming lahat dito.



"Ahm Mr. Esteban, Patapusin niyo naman po kasi ang explanation ni Abby. Ang totoo po niyan ay bakla po si Vince." Sabi ni Mindy.




Kumunot ang noo ni Luke dito.




"Yes I'm gay." Sabi ni Vince habang natatawa.




Tumikhim si Luke.




"Ano nagseselos ka padin?" Sabi ko.




"I'm sorry nadala lang ako ng emosiyon ko." Sabi nito.




"Aysus ok lang po yan alam naman naming mahal mo si Abby e. At oo nga pala Abby totoo nga pala ang sinabi mo. Patay na patay nga talaga sayo si Mr. Esteban." Sabi ni Mindy.
What? Seryoso? Kailangan pa niyang iparinig kay Luke yon? Ugggggh nakakahiyaaaaaa!





Tumingin sakin si Luke at may kahulugan ang mga ngiti nito.



"Wala akong sinabing ganyan." Dahilan ko dito.




Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon