CHAPTER 25

27.6K 789 23
                                    


Luke's POV:

Nakatayo lamang ako dito sa mismong veranda ng kwarto namin ni Abby.

Nagsindi ako ng sigarilyo at linagok ang alak na nasa baso.

Kinuha ko ang phone ko ang kinontact ang isa sa mga tauhan ko.

"Anong balita?"

"Boss mukhang nakatunog si Corazon nagtatago na."

Napangisi ako.

"Dapat lang na magtago siya dahil hindi ko siya titigilan."

"May balita na ba kayo sa mag ina ko?"

"Boss meron na po. Kompirmado nakatira siya sa bahay ng kaibigan niya yung Mindy."



"Ano?!! Anak ng bakit ngayon mo lang sinabi tara na at puntahan natin. Hindi na ako makakatagal pa."



"Sige boss Pauwi na kami."


"Ang babagal niyo!  Magkita nalang tayo dun. Mag dadrive ako." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi pa nito dahil nataranta na ako. Gusto kong makita si Abby. Mababaliw na ako kapag tumagal pa to.


Kinuha ko ang pulang long sleeve  at nagpantalon lang ako. Kagad akong tumakbo papunta sa sasakyan ko at pinaharurot ito. Tingin ako ng tingin sa oras ala syete na ng gabi sana naman gising pa si Abby. Kahit naman madaling araw pa ay hindi na ako makakapag hintay pa at gigisingin ko siya.


Pinabilis ko pa ang pagpapatakbo na alam kong bawal dahil may speed limit lamang ang high way na to ngunit who cares? Wala akong pakialam. Papatayin ko kahit sino pang humarang.


Tumawag si Hernan at sinabi ang eksaktong address ng mismong bahay kung nasan si Abby.



Kinakabahan ako kapag si Abby ang naiisip ko. Siya lang ang nakakagawa sakin nito binubuhay niya ang lahat ng ugat ko sa katawan kaya takot na takot akong mawala siya.



Nakarating na ako sa bahay at kagad na nag doorbell.


Pinagbuksan ako ng isang lalaki. Nakasimangot pa ito kaya nang init ang ulo ko.


"Anong kailangan mo? Wala si Mindy dito." Marahil ay kuya niya to.


"Wala akong pakialam sa babaeng yun. Ang asawa ko ang pinunta ko dito." Nagiinit na ang ulo ko at alam kong ganon din sakanya.


May narinig naman akong tinig mula sa loob kaya kagad akong pumasok ngunit hinarangan niya ako.


"Hanggang jan ka lang."

"Anong sabi mo?" Sabay tutok ng baril ko sa panga niya.


Tumalim ang titig niya sakin at ganun din ako sakanya.


"Tsk akala mo takot ako sa baril mo?"

"Subukan mo pumuputok to lalo na pag nagagalit." Sabi ko sakanya dahilan para mainis siya lalo.


"Oh my god kuya William! What? Mr. Esteban?" gulat kami pareho sa presensiya ni Mindy. Itinulak ko ang lalaki at pumasok ako.


"Asan si Abby?" Lumambot ang matigas kong boses.


"Buhay ka?" Hindi padin makakamoveon hindi niya ako sinasagot.



"Mindy asan si Abby please."


"Luke?"


Ang boses na yun.

Isang magandang boses na matagal ko ng gustong marinig.

Hinanap ko kagad kung san nagmumula ito.


"Abby!"

Tumakbo siya sakin at niyakap niya ako. Binuhat ko siya habang nakayakap. Umiiyak siya na parang bata.

"Luke akala ko iniwan mo na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Luke akala ko iniwan mo na ako."



Hindi siya tumitigil sa pagluha.



"Shhhhh sorry hindi agad ako nakabalik. Nawala ang ala ala ko. Patawarin mo ko Abby." Niyakap ko ito ng mahigpit. Sobrang namiss ko ang babaeng to siya lang ang nagpapasaya sakin.





"Okay kana? Bumalik na ba?"




"Bumalik na. Hindi mo ako pinapatulog gabi gabi kakaisip sayo. Kahit sa panaginip ko nandun ka."




"Luke." Umiyak nanaman siya habang magkayakap kami.




"Mahal na mahal kita Abby. Sabi ko sayo hahanapin kita."




Abby's POV:

Grabe hindi ako makapaniwalang hinanap niya parin ako kahit na nawala pa ang ala ala niya.



Mas lalo ko tuloy minahal itong lalaking to.



"Luke may sasabihin ako sayo."




"Ako din Abby may itatanong ako sayo."



Maya maya pa ay may umiyak na. Iyak sanggol. Dali dali akong tumakbo sa may stroller at kinuha ang munti kong prinsesa si Alaura.



Hinabol ako ni Luke.


"Abby? Siya na ba?"



Dahan dahan itong naglakad papunta sa buhat kong napakagandang si Alaura.




"Oo Luke nagkaanak tayo, nagbunga at si Alaura yun."




Ngayon ko lamang nakita ang pagpatak sa mga mata ni Luke habang hinahawakan si Alaura.





"Hi my princess." ginagalaw galaw ng daliri nito ang maliit na kamay ng anak namin.




"Napakaganda niya Abby. Napakaganda ng anak natin."




"Hehe Oo kamukha mo nga eh."




Napangiti si Luke dito at binuhat dahan dahan. 1 month palang si Alaura at kitang kita na ang kagandahan nito.




"Salamat Abby mahal na mahal ko kayo ng anak natin."



Pagkasabi ay hinalikan niya sa noo ang anak namin at hinalikan niya ako.





"Ehem..."





"Nakakaiyak na tama na yan. Buti naman at happy ending na akala namin mababaliw na tong si Abby kakahanap sayo Luke." Sabi ni Mindy.






Natawa nalang ako dahil sa kaibigan kong to. At masaya ako dahil dininig ng diyos ang dasal kong nakita at maubo ang pamilya namin ni Luke.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon