CHAPTER 32

25.8K 758 40
                                    

Abby's POV:

Naputol ang pagyayakapan naming mag asawa ng kumatok si Mildred.


"Señorito mawalang galang na po."

Tumaas ang kilay ni Luke.



"Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Galit na sabi ng asawa ko.



"Paumanhin po. Ano po kasi. Ah e."


"What?!"


"Luke ang init ng ulo mo kumalma ka nga." Sabi ko.



Nanginginig naman sa takot si Mildred dahil alam niya kung pano magalit ang asawa ko.



"Nasa labas po ng gate si Stela. Nagwawala po gusto kayong makausap." pagkatapos ay huminga naman ito ng malalim ng masabi ang ibabalita niya.



"What the fuck? That bitch!" Galit na galit na sabi ni Luke.



"Luke kumalma ka."



Nag igting ang panga nito at napapailing nalang.


"Nasan ang magaling na si Arturo?!" Tanong nito kay Mildred.


"Nasa labas po Señorito, hindi po niya mapaalis yung babae nagpupumilit po talaga."



"Useless!" Galit na kinuha nito ang manipis na jacket at isinuot.


"Luke san ka pupunta?" Nagaalalang tanong ko.



"Dito ka lang Abby. Bantayan mo ang prinsesa natin. Ako na ang haharap sa babaeng yon."



"Pero Luke"



Hindi na niya ito pinakinggan at nagtuloy tuloy palabas ng mansion.



"Mildred bantayan mo si Alaura." Nataranta naman ito at tumango tango. Ako naman ay dali daling humabol sa asawa ko kahit na hindi ko kaagad to natanaw.



Paglabas ng mansion ay sinalubong agad ako ni Arturo ang kanang kamay ni Luke.


"Señorita hanggang dito nalang po kayo bawal po kayong lumabas sabi ni Boss."



"Palabasin mo ko." Pagpupumilit ko.



"Ako po ang malilintikan."



Hindi ko na pinatapos to at tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makalabas ng malaking gate.



"Señorita!" Humahabol pa ito ngunit wala na siyang nagawa dahil nakalabas nako.



Nakita kong nakayakap si Stela kay Luke.


"Luke sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis."


"Bitaw." Walang emosiyong sabi ni Luke.


"Ayoko! Sobrang namiss kita Luke."

"Bitaw."



"Luke? Bakit kaba ganyan sakin? Hindi ka naman ganyan noon."


Isang galit na galit na Luke na ang nasa harapan ko. Kitang kita ko ang pag kuyom ng kamao nito at pag igting ng panga nito.




"Luke itong batang nasa sinapupunan ko sayo to. Sayo to Luke wala ng iba." Pagpapatuloy ni Stela.



"Sabi ko bitawan mo ako!" Sobrang lakas ng pagsigaw nito kasabay ang pagbitaw ni Stela sa takot.



"Ano bang nangyayare sayo?" Sabi ni Stela.


Lumingon ito sa kinaroroonan ko.


"Ikaw! Ikaw ang may Kasalanan nito!"



Akmang tatakbo ito para sugurin ako ng hawakan ni Luke ang buhok nito.




"Walang sino man ang pwedeng manakit sa asawa ko!" Sabi nito at sinampal ng malakas si Stela kasabay non ang pagbagsak nito sa lupa.




"Luke nasasaktan ako!" Tila walang naririnig si Luke at kinaladkad lang ito papasok ng mansion hatak hatak ang buhok nito.




"Luke tama na yan!" Maging ako na asawa niya ay hindi siya napigilan, bagkus ay tumingin lang sakin to at sinenyasan si Arturo.



"Luke bakit mo ako sinasaktan ng ganito?!" Sabi ni Stela ng si Arturo na ang nakahawak sakanya.



"Mahal kita Luke. Magkakaanak na tayo."



"Sinungaling!" Sabi ni Luke.



"Luke tama na yan." Sabi ko habang nakahawak sa nagtitigasan niyang braso. Halata ang panggigigil nito sa galit at pagpipigil nito.



Binunot na siya ng baril.



"Luke anong ibig sabihin niyan?" Tanong ko.



Hindi sumagot ito at itinutok lang ang baril kay Stela.



"Isang tanong isang sagot, sino ang Ama ng batang yan?!"
Sabi ni Luke.




"Luke tama na yan!" Sabi ko.



"Ikaw ang Ama! Ikaw!"



Isang putok ang pinakawalan nito sa kalangitan. Napayuko naman ako sa gulat at lakas ng putok nito.



"Huling pagkakataon, kung gusto mo pang buhayin kita! Isang tanong isang sagot, sino ang Ama ng batang yan!" Isang Luke na galit na galit ang nakita ko. Hindi ko na siya nakilala. Nagaalab ang mga mata nito sa galit.




"Ikaw ang Ama!" Sabi ni Stela.



Ngumisi si Luke.



"Paalam Stela. Ang sinungaling na katulad mo dapat pinapatahimik."




Kakalabitin niya ang trigger ng baril. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.




"Ughhhhhhhhh!" Ipinutok nanaman niya ito sa langit.



Diyos ko ano bang nangyayare sa asawa ko?



"Tama na Luke! Nagmamakaawa ako. Ako ang Ama! Ako ang Ama!"



Nagtatatakbo si Romano. Siya ang kasama ni Stela kanina.




"Ako ba ay ginagago niyong dalawa?" Sabi ni Luke.



"Romano! Sinungaling ka! Si Luke ang Ama nito!" Galit na galit na sabi ni Stela.




"Tama na Stela! Hindi ko hahayaang malagay sa panganib ang anak natin dahil lang jan sa kahibangan mo!"



Tumulo na ang mga luha ni Stela.



"Umuwi na tayo ng batangas. Nag aalala na ang inay mo." Sabi ni Romano.




Napahilamos naman ng mukha si Luke na tila naguguluhan.




"Lumayas kayo sa harapan ko." Sabi ni Luke.




"Luke." Tila nagsusumamo si Stela sa pagmamahal ni Luke.




"Bakit hindi mo ako magawang mahalin Luke?" Sabi ni Stela.


"Gusto mo talagang malaman? Simple lang Stela, dahil hindi ikaw si Abby! Ngayon lumayas kana at wag mong ipapakita ang pagmumukha mo sakin kung ayaw mong patayin kita kahit buntis ka."





"Luke tama na yan!" Sabi ko.



"Wag na wag mong sisirain ang pamilya ko Stela. Hindi mo magugustuhan." Pagkasabi ni Luke ay hinila na niya ako papasok ng mansion.



Naiwang luhaan si Stela habang yakap yakap ni Romano.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon