CHAPTER 30

26.6K 683 27
                                    


Abby's POV:

"bakit kaba nadapa?" Tanong ni Stela habang ginagamot niya ang sugat ko. Si Luke naman ay seryosong nakatingin sakin at hawak hawak ang kamay ko.





"We're leaving. Sa ibang araw nalang tayo bumalik mahal." Sabi niya sakin.





Hindi ko pinansin yon at tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sakin.





"Aalis na agad kayo? Nako nagluto pa naman ako at wala pa ang inay eh." Sabi ni Stela.





"Hihintayin namin ang inay mo wag ka mag alala." Sabi ko at pilit na ngumiti kahit na ayoko na sa babaeng kaharap ko ngayon.





"Abby?" Tila ayaw na ni Luke magtagal pero gusto kong magtagal para malaman ang totoo.





"Mabuti naman. Tara kain na tayo at baka lumamig pa ang niluto ko. Juan mag hain kana." Utos nito sa kapatid niya.





Tumayo ako at kahit paika ika ay pinilit kong maglakad papunta sa hapagkainan.





"Abby sandali tutulungan na kita." Sabi ni Luke.





"No. I'm okay. Kaya ko." Sabi ko at iniwas ang kamay ko sakanya.





Nakatingin lamang si Stela samin at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.





Kagad namang tumabi sakin si Luke na tila hindi maramdamang ayoko muna siyang makita. Well alam ko namang napakaimposible non pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko at sobrang naiinis ako kay Luke.






"Ipagsasandok na kita Luke." Alok ni Stela ng matapos akong magsandok ng kanin para sa sarili ko.






"Hindi na kailangan." Sabi ni Luke.





"Ano kaba nahiya kapa eh palagi naman natin tong ginagawa dati." Sabi ni Stela.





Kaagad na umiinit ang tenga ko sa mga narinig ko at kusa kong kinuha mula sa kamay nito ang bowl na naglalaman ng kanin kaya nagulat ito.





"Ako na ang magsasandok para sa asawa ko." Sabi ko habang may pekeng ngiti sa mga labi. Ramdam kong pinaplastik o di totoo ang pakikisama sakin ni Stela ang hindi niya lang alam ay magaling akong maglaro ng apoy.







"Kumain kana mahal. Alam kong napagod ka kagabi haha!" Hindi ko na dapat pang sinabi yon pero naiinis na talaga ako. Ang akin ay akin lang.





Napangiti naman sakin si Luke at alam ko kung ano nanamang madumi ang nasa utak nito.




Kagad namang nakabawi ng tingin si Stela saming mag asawa. Alam kong may inililihim ito nababasa ko sa mga kinikilos niya.





"Luke oh eto kainin mo masarap yan." Isinubo agad ni Stela sa bibig ni Luke ang pagkain. Nagulat kami sa inasal nito.





Mukhang nakakatunog na ang babaeng to. Malandi talaga. Unti unti na tuloy lumalabas ang mga sungay ko.





Tumingin lang sakin si Luke na parang pinaparating na wala lang yon.





"May dumi ka mahal." Sabi ko ng makita kong may kanin sa gilid ng mga labi ng asawa ko.





"Huh?"




"Halika kukunin ko." Hinawakan ko ang batok ni Luke at kinuha ko ang butil ng kanin na yon na nasa gilid ng labi niya gamit ang mga labi ko.






Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon