LAST CHAPTER

44.5K 982 87
                                    

Abby's POV:


Naging masaya na ang pagsasama namin ni Luke. Hindi naman naging hadlang si Catherine dahil masaya na ito kasama si Steve ang kapatid ni Luke.





Hindi ko pa nga lang nakakausap ito at maging ang asawa ko ay ganon din. Kaya ako na ang gumawa ng paraan.




****

"Hello Steve san na kayo?" kausap ko ang kapatid ni Luke sa phone.




"Malapit na kami, si Luke?"




"Kasama niya si Alaura nasa salas sila naglalaro." Sabi ko.




Mabilis na lumipas ang panahon at isang taon na si Alaura. Namana niya ang magagandang mata ng kanyang Ama na gustong gusto ko.




"Okay see you magpapark na kami dito sa labas." Sabi ni Steve.




Nagmamadali na akong inayos ang hapagkainan para sa mga bisita namin. Wala namang kaalam alam si Luke at akala nito ay kami lang ang kakain.




Maya maya pa ay nagdoorbell na.




Kagad na lumabas si Mildred para pagbuksan ito ng gate.




Mabuti nalang at nakapag ayos ako at nakapagluto ng maaga.




Pumasok na sa loob ang magkasintahan.




"Hi!" unang bati ni Steve, kasama niya ang isang matangkad na babae. Kahawig nito si Miranda Kerr at akala ko'y isang modelo.





Nag angat na ng tingin ang asawa ko na kanina lamang ay busy sa pakikipag laro kay Alaura.





Kagad niya itong binuhat at lumapit samin.





"Wow ito na ba si Alaura? Ang ganda ng anak niyo." Sabi ni Steve.





Tumango naman si Luke.




"Hi." Unang bati ni Catherine.





"Hi." Sagot ni Luke.




Sa loob ng maraming taon ay ito na ulit ang pagkakataong nagkausap ang dalawa.





Maya maya pa ay may lumabas na batang lalaki sa mismong likuran ni Catherine. Hindi ko napansin yon dahil kanina pa pala ito nagtatago.





Napatingin kaming lahat dito. Mestizo ito at napakagwapo.




"Mommy who are they?" Tanong nito.




"Hi baby. This is Tito Luke and his wife Tita Abby. And of course Alaura your cousin." Sabi nito.





Tansiya ko ay nasa walong taong gulang na ito.


"By the way this is Yohan our son." Sabi ni Steve.





"Wow ang gwapo naman ni Yohan." Sabi ko.




Gustong gustong makipaglaro ni Yohan kay Alaura kaya naman sinamahan namin sila ni Steve at para makapag usap nadin sina Luke at Catherine.





****

"Kamusta naman ang may bahay ni Luke?" Masayang tanong sakin ni Steve.




"Masaya syempre." Sagot ko.




Masaya naman kasi talaga akong si Luke ang napangasawa ko.




Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon