CHAPTER 26

27.1K 711 12
                                    


Abby's POV:

Ang laking pasasalamat ko sa Diyos na hindi niya pinabayaan si Luke. Masaya ako at kompleto na kami.





Napagalaman kong buntis ako kay Luke noong mga panahong iniwan ako ni Corazon sa hospital. Mabuti na lamang at napakabait sakin ni Dra. Mendoza at hindi niya ako pinabayaan bagkus ay tinawagan niya ang kaibigan kong si Mindy para sabihin lahat ng sitwasyon ko. Mabuti na lamang at kabisado ko ang landline ng bahay nila.






Ilang buwan pa ang nakalipas ay lumaki na ang aking tiyan. Kasabay non ang pag asa ko padin na magbabalik si Luke dahil hindi ako naniniwalang wala na siya.





Mabait ang pamilya ni Mindy. Asikasong asikaso nila ako mula ng mabuntis ako. Maging ang aking anak na si Alaura ay hindi kinulang sa gamit dahil sa mga magulang ni Mindy.





Hanggang sa magkita kaming muli ni Luke at yun na ata ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko.






"Tahimik ka?" Tanong sakin ni Luke habang nakatanaw ako sa bintana. Niyakap niya ako patalikod at ang mukha naman ay isiniksik sa leeg ko.






"Wala masaya lang ako. Hay ang dami dami na kasing nangyare ng mawala ka. Mabuti na lang at nagbalik ka."






"Babalikan talaga kita. Kahit sa kabilang buhay pa ikaw at ikaw parin."






Natutulog ng mga oras na yun ang munti naming prinsesa.





"Ano nga palang nangyare sayo ng mawala ka? Sino namang tumulong sayo?"






Hindi ko pa pala ito natatanong at hindi rin ito nababanggit ni Luke.





"Sa kasuluk-sulukan ako ng batangas napadpad. Hindi ko alam ano ang nangyare basta nagising na lamang ako nasa maliit na bahay na ako at may tumulong sakin. Si Stela ang ina niya at ang kapatid niya."






"Mabuti naman at tinulungan ka nila. Tara puntahan natin sila gusto kong magpasalamat." Masayang sabi ko.






Bibihira nalang ang may ganong tao malaki ang utang na loob ko sakanila dahil di nila pinabayaan si Luke.







"Sigurado kaba?" Tanong ni Luke.






"Oo naman kailangan nating magpasalamat sakanila." Sabi ko.






"Kasi Abby sa totoo lang ayoko ng bumalik pa dun."





"Luke? Bakit? Hindi sapat na ikaw lang ang nagpasalamat dapat tayong dalawa."






"Umalis ako dun Abby. Hindi ako nagpasalamat."






"Nako mas lalong kailangan nating pumunta dun."






Kinulit ko siya hanggang sa pumayag na siya.





Alam kong mabubuti ang kumupkop kay Luke kaya ang laki ng pasasalamat ko sakanila.






Niyakap nanaman ako nito.






"Ang sarap mong mahalin." Sabi nito.





"Ang sarap mo namang magmahal." Sabi ko.






Iniharap niya ako sakanya.






"Abby Salazar?"





"Wow buong pangalan ko talaga?"






Lumuhod ito sa harapan ko.





"Will you marry me? Please marry me."





Nagulat ako dahil may hawak nanaman siyang singsing. Hindi ko alam kung ilang beses balak nitong magpoprose sakin.






Mas maganda ang sing sing na to at mas malaki kumpara sa engagement ring na binigay niya noon.






"Hey magsalita ka." Masungit nanaman ito at naiinip sa isasagot ko.






Hay Luke nagulat lang naman ako ang daming beses mo ng nag propose sakin.






"Abby naman."






"YES! YES YES YES YES! YES MR. ESTEBAN I will marry you." Kahit ilang beses ka pang mag propose yes padin ang isasagot ko Luke. Patay na patay Kaya ako sayo noon pa man stalker mo nga ako diba? Haha natawa nalang ako sa mga naiisip ko.







Isinuot na niya sakin to ay tumayo.






"Thank you. I love you so much Abby. Pakakasalan kita kahit saan pang mamahaling simbahan."
Sabi niya at siniil ako ng nag aalab na halik.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon