CHAPTER 16

25.4K 705 16
                                    

Abby:

Kagigising ko lang ng marinig kong nagkakagulo ang mga tao sa loob ng mansion.





Bumaba ako sa pagtataka. Hindi ko alam kung bakit ang ingay ingay.







Pagkababa ko ay may nakita akong dalawang lalaking nakaitim na uniporme hindi ko sila kilala.






"Kayo po ba si Mam Abby Salazar?" Tanong ng isang lalaki. Ang mga katulong ay nag bubulungan. Ang iba naman ay nagtatrabaho na ngunit ang nakakapagtaka ay malulungkot ang mga mata nila na ibang iba sa kahapon.







"Oo ako nga po bakit po? Anong kailangan nila?"






"Kayo nalang po ba ang kamag anak ni Mr. Esteban?"






Bigla na lamang akong kinabahang bigla sa narinig ko.





"Bakit? Anong nangyare? Ilang araw na siyang hindi tumatawag sakin."







"Mam wag po kayong mabibigla. Naaksidente ang private plane ni Mr. Esteban at bumagsak to sa kagubatan. Napag alaman po naming uuwi siya dito kahapon ngunit may nagreport na naaksidente siya sa batangas."







Nanghina ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.






"Ako ang fiance niya. Wala dito ang mga magulang niya. Asan siya? Asang hospital siya nakaconfine?" Tarantang tanong ko.






"Mam wag po kayong mabibigla. Hindi pa po kami sigurado kung buhay pa si Mr. Esteban. Halos lamunin na ng apoy ang buong eroplano."






Napaluhod ako sa sinabi ng lalaki sa harapan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko sa mga oras na yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang nasasaktan na ako hindi ko kakayanin Kung mawawala si Esteban sakin.







"Pasensiya na po Ms. Salazar, ginagawa na po namin ang lahat ng aming mga makakaya pati ang mga tauhan ko.






Iyak lamang ako ng iyak. Naalala ko nalang ang mga masayang ala ala naming dalawa. Kaya pala hindi ako mapakali kagabi at bigla bigla nalang akong kinabahan. Diyos ko wag naman Sana.






"Sasama ako. Sasama ako sa paghahanap sakanya."







"Mam hindi na po kailangan kami na po ang bahala."






"Sinabi ng sasama ako eh!"






Tumayo ako at Itinulak ko ang isang lalaki na nagmamatigas na isama ako. Gusto kong hanapin si Luke. Umaasa akong ligtas siya.






Maya maya pa ay biglang nag ring ang phone ng lalaki at sinagot niya ito.






Mas lalo akong kinabahan ka sinabi nito sakin pagkatapos ng tawag.







"Ms. Salazar tatagan niyo po ang loob niyo."






"Bakit?" Nanghihina na ako pero Pilit parin akong tumayo.







"Wag po kayong mabibigla, may natagpuan na pong isang katawan na tumilapon sunog ito at may posibilidad na ito ang Fiance niyo."







"Hindi hindi hindi."






Umiiling iling lamang ako habang umaatras. Patuloy ang pag agos ng mga luha ko habang nakahawak ako sa sumasakit na ulo ko.







"Hindi Totoo yan, hindi totoo yan!"





Sumisigaw na ako. Ayokong maniwala. Hindi ako maniniwala hanggat hindi nakikita ng dalawang mata ko.






"Ipagdasal nalang po natin na hindi siya si Mr. Esteban. Pero hindi po ako nangangako dahil malaki ang posibilidad Mam."







"Tama na! Sinungaling ka hindi ako naniniwala! Hindi Totoo ang lahat ng to." Humahagulgol na sabi ko.






Ang mga kasambahay at maging mga tauhan ni Luke ay malungkot ang mga mata at nakayuko lamang. Ang ilan naman ay nagpapahid na ng kaniya kanyang mga luha.







"Magpakatatag po kayo Ms. Salazar. Bukas po pupunta ulit kami sa batangas para patuloy na maghanap."







"Sasama ako."






"Hindi po maaari delikado din ang daan."







"Sasama ako!" galit na galit na Sabi ko. Wala siyang nagawa kundi ang umoo sakin.






Hindi ako papayag na wala man lang gawin. Alam kong buhay kapa Luke at hahanapin kita.







Umaasa akong buhay kapa.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon