CHAPTER 28

25.8K 640 17
                                    

Abby's POV:

"Luke hindi nga kasi pwede meron ako."




Panay ang pangungulit sakin nito.

"Abby simula ng bumalik ako hindi pa tayo nag sisiping."


"Luke meron nga kasi ako diba masama yon? Baka makasama satin."




"Okay lang ngayon lang naman eh. Pagbigyan mo na ako honey moon naman natin ngayon eh."



Napagdesisyunan namin na sa resort mismo ng batangas mag honey moon para makapagpasalamat nadin kami sa mga tumulong kay Luke. Ang anak naman namin ay iniwan namin sa pangangalaga ng mga magulang ni Mindy.



"Ayoko nakakadiri."



"Ayaw mo non first time nating gagawin to." Eto nanaman ang mga kalokohan niya.



"Ako Oo. Ikaw nga jan ang dami mo ng naging babae non kaasar ka." Alam ko yun dahil sobrang inistalk ko talaga siya.



"Hey hindi na natin dapat pagusapan yan. Wala namang kwenta yung mga yon. Ikaw lang ang minahal ko."



"Ewan ko sayo." Naiinis nanaman ako haha.


"Sige na pagbigyan mo na ang gwapo mong asawa."



"Okay sige. Pero ngayon lang Ahh at wag na nating ulitin."


Tuwang tuwa ang loko ng pumayag ako. Halatang hindi na nakapagpigil at kaagad akong hinalik halikan.



May nangyare samin ng gabing yun. Kakaiba dahil meron ako. Sobrang disgusting man ay ginusto ko din naman to.


Kinaumagahan ay maaga kaming lumabas ng resort.


Pupuntahan na namin ang mismong lugar kung saan iniligtas ang buhay ni Luke.




Ilang oras din ang biyahe mahigit 2 oras.


Ng makarating ay nagbayad ng malaking halaga si Luke sa tricycle driver para ipagmaneho kami hanggang bahay nila Stela.



Ng makarating kami ay Inayos ko na ang sarili ko at nakangiti ng maluwag. Pareho pa kaming nakaputi ng asawa ko. Gusto ko kasing magkatulad kami ng kulay para malinis tignan. Dala ng init ng panahon ay nakashades kami at naka hat ako na kulay pula. Halatang bakasyunista kami ng asawa ko.




"Tao po." Kumatok ako sa loob at kagad na may nagbukas na magandang babae.



"Anong kailangan mo?"


Magsasalita pa lang ako ngunit bigla biglang sumigaw ito at tumakbo sa asawa ko.



"Luke nagbalik ka!"


Niyakap niya si Luke ng kay higpit.


"Alam mo bang araw araw kitang hinihintay?"


Sabi nito habang hawak hawak niya ang mukha ng asawa ko.



"Sandali Stela. Narito ako para magpasalamat ng buo sainyo. Kasama ko ang asawa ko."



Hinila ako ni Luke at hinigpitan ang hawak sa bewang ko.


"Ah h-hi." Sabi ko.




"Siya ba ang asawa mo?" Tanong ni Stela.


"Oo siya si Abby Esteban. My lovely wife." Buong pagmamaliki ni Luke.



"Wala ang ina dito." Biglang sabi ni Stela.


"Kuya Zeth?" May lumabas na lalaki na tansiya ko ay nasa high school palang.



"Juan kamusta?"


"Kuya okay lang. Ikaw Kamusta kana? Sino siya? Ang Ganda Ganda mo naman." Sabi sakin nito. Sa totoo lang ay kamukha ko daw si Haley Bennett at parang pinagbiyak daw kami. Mas maputi nga lang sakin yun dahil hindi naman siya pinoy.

Maliit ang mga mata ko na katulad ng sakanya, Matangos at maliit Lang Talaga ang ilong ko at macheeks ang mga pisnge ko.




"Ate ang Ganda niyo parang kayo po si Haley Bennett yung artista." Sabi nung lalaki. Natuwa ako dahil don pang ilan na kasi siya sa mga nagsasabi nun.



"She's my wife Abby." Pakilala sakin ni Luke.


"Kuya Luke ang Ganda niya Talaga Sana makahanap rin ako ng katulad niya." nakakataba naman ng puso ang mga sinasabi ng batang lalaki na to.



"Juan tama na nga yan." Sabi ni Stela.


"Wala ang inay dito nasa palengke."


"Ganun ba nako sayang naman. Ah Stela salamat ah iniligtas niyo si Luke. Kung wala siya mangungulila talaga kami ng anak ko." Sabi ko.


"May anak kayo?"



"Ah oo hindi nga lang namin masama kasi honey moon namin ngayon eh."


Hindi na nagsalita ito at nakasimangot na tumingin sakin. Ang asawa ko naman ay nagpasiya ng umalis dahil wala naman din ang ina ni Stela.



"Teka wag muna kayong umalis. Hintayin niyo si Inay. Ahh kung okay lang Sana dito nalang kayo mag hapunan." Alok ni Stela.



"Thanks but it's okay we need to go." Agad na sabi ni Luke.


"Luke? Ano ba naman? Nagmamagandang loob na nga eh, ah Sige Stela dito na muna kami Maraming salamat ha."



"Talaga? Nako Sige tara na at Pumasok na kayo sa loob." Masayang sabi nito.




Itutuloy.....

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon