CHAPTER 31

26K 659 27
                                    


Abby's POV:

Ilang linggo din ang lumipas...


Masaya akong nilalaro ang anak kong si Alaura na nasa stroller. Nililibot ko siya ngayon sa likod ng mansion kung saan napapalibutan ito ng ibat ibang uri ng mga bulaklak.



"Alaura anak nakikita mo ba ang mga pulang rosas na to? Kasing ganda mo to anak." Sabi ko kahit na alam kong hindi pa niya ito naiintindihan.




"Lalaki kang isang maganda, mabait at matalinong bata." Nasilayan ko naman ang pagngiti sa mga labi nito na akala mo ay naiintindihan ang mga sinasabi ko.




"Señorita Abby?" Napalingon ako kay Mildred isa sa mga katulong dito sa mansion.



"Señorita may naghahanap po sainyo."


"Huh? Sino naman?"



"Nako Señorita isang maganda pong babae at isang di naman kagwapuhan na lalaki."



"Ah ganon ba, sige pakibantayan muna si Alaura ha."



"Ah e sandali lang po Señorita?"


"Ano yon?"


"Mahigpit po na ipinagbilin ng Señorito na wag pong tatanggap ng ano mang bisita. Lalo na po kayo."




"Bakit naman hindi Mildred? Sino ba ang mga bisita ko?"



Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng mag tuloy tuloy ang sinasabi niyang bisita ko.


"Nako mam sino po ba kayo? Bawal pong tumanggap ng bisita ang Señorita." Nagaalalang sabi ng katulong na sumunod dito.



"Kamusta Abby?"



"Anong ginagawa mo dito?"



"Bakit ka nagagalit? Masama bang bumisita? Ganito pala ang bahay ni Luke mala palasiyo. Bagay ako dito."



"Haha anong pinagsasabi mo Stela?" Si Stela ang bisitang di ko inaasahan.



"Bakit? Natatakot ka bang makuha namin ng anak ko ang asawa mo?"




"Alam mo nahihibang kana talaga."


"Oo Abby. Marahil ay nahihibang na ako at kagagawan to ng asawa mo!" sa malakas na sigaw niya ay umiyak ang anak kong si Alaura.




Kagad ko itong pinuntahan sa stroller niya at kinarga siya.



"Shhh tahan na baby wag kana umiyak ha andito lang ako."



"Oh siya pala ang anak niyo ni Luke. Maganda siya halatang nagmana sa Tatay." Sabi ni Stela.



"Ano ba kasing kailangan mo? Hindi mo ba nakikita? Hindi ka welcome dito. Natatakot na sayo ang anak ko kaya pwede ba umalis kana." Sabi ko.



"Teka lang Abby. Baka nakakalimutan mong may anak din sakin yang asawa mo. Buntis ako sa asawa mo!" Rinig ng mga kasambahay ang pagsigaw ni Stela na akala mo siya ang may ari ng buong mansion.



"Mahiya ka sa sarili mo. Hindi kaba tinataasan ng balahibo sa mga ginagawa mo? Look at your self." Sabi ko.



"Ikaw ang tumingin sa sarili mo. Dumating ka lang ulit inagaw mo na ang lalaking pinakamamahal ko! Asan kaba ng mga oras na nasa panganib siya? Asan kaba ng mawalan siya ng malay? Asan ka ng mga araw na magkasakit siya? Wala! Ako Abby kaya kong isakripisyo lahat lahat! Eh ikaw? Nandito sa mansion niya? Nagpapakasarap sa mga salapi niya? Habang siya hirap na hirap at walang maalala!" Gustong gusto ko ng sampalin ang babaeng nasa harapan ko ngayon.



"Wala kang alam Stela. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko at pinagdadaanan naming mag asawa. Bakit sino kaba at kumakabet ka? May anak kayo? Asan ang proweba mo? Wag mo akong makwesyon kwesyon wala kang kaalam alam. Labas kana sa mundo naming mag asawa!"




"Palayasin niyo na ang baliw na yan." utos ko sa mga maid. Tumawag nadin sila ng mga guard para paalisin si Stela.




"Sandali! Hindi ako susuko hanggang hindi kinikilala ni Luke ang anak niya sakin! Romano magsalita ka." Romano ang pangalan ng lalaking kasama nito.




"Totoo ang sinasabi ni Stela. Nagkabunga ang relasiyon nila ng asawa mo." Sabi nito.




Kumunot ang noo ko.


"Magiisang buwan na akong buntis Abby. Magkakaanak na sakin ang asawa mo!"




"Mga sinungaling! Hindi ako naniniwala hanggat hindi yan mismo nanggaling sa asawa ko!" Galit na sabi ko.




"Alam mo wala akong pakialam kung maniwala ka man o hindi! Si Luke ang kailangan ko!"




"Lumayas kang malandi ka!" Pagtataboy ko dito. Tinangay naman siya ng mga guard kahit na nagpupumiglas ka.





"Tandaan mo to Abby, hindi makakatakas si Luke sa katotohanang nagbunga ang pagmamahalan namin."




"Tara na Stela. Hindi makakabuti to sa anak mo." Sabi naman ng kasama niya bago napapayag itong umalis ng kusa.



Ng makaalis na sila ay inilapag ko muna ang baby ko sa stroller at napaupo ako sa upuan.



"Señorita wag po kayong basta basta maniniwala. Hindi kami naniniwala sa babaeng yun. Alam namin kung gano ka kamahal ng Señorito." Sabi ni Mildred habang binibigyan ako ng isang basong malamig na tubig.





"Salamat Mildred. Iwan niyo na muna kami ng anak ko. Gusto ko munang mapagisa."



Mabuti nalang at umalis din ako.



Diyos ko alam kong masama ang magduda pero sana hindi totoo ang mga sinasabi ni Stela.


Kinuha ko si Alaura sa stroller at kinarga ko.



"Mahal tayo ng papa mo anak. Wag ka mag alala maniniwala lang ako sa papa mo. Walang pwedeng sumira satin. Mahal na mahal ko kayo."





****

Kinagabihan.



"Luke ano ba! Tama na yang pagbabasag mo!"




"Ugggggh! Hindi talaga titigil yang babaeng yan sa panggugulo satin."




"Wala naman siyang ginawa saming Mag ina mo."




"Alam ko yun Abby. Pero hindi siya titigil hanggat hindi tayo nasisira."




"Luke? Tapatin mo nga ako. May namagitan nga ba sainyo ni Stela at bakit ganyan nalang siya maka react?"





Tumingin sakin si Luke at seryoso to.



"Pinagdududahan mo ako?"




"Hindi naman sa ganon."



"Ganon yon Abby. Ganon narin yun!"




"Wag mo akong sigawan!" Sabi ko.



"I'm sorry. Nadala lang ako ng emosiyon ko. But Abby please you're my Wife I need you to believe in me."




Huminga naman ako ng malalim.




"Hay sorry din Luke, kung iniisip mong nagdududa ako."




"It's okay my Wife. I love you." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.




"I don't wanna lose you again and again."




"I love you too."



Pinagsaluhan naming mag asawa ang isang mainit na halik.





Tama nga kailangan ko lang maniwala ka asawa ko. Kailangan din niya ako para maniwala sakanya.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon