CHAPTER 18

22.4K 520 14
                                    

Stela POV:


"Ate ate! Tara dito dali gising na yung gwapong lalaki." Pinuntahan ako ni Juan. Naglalaba kasi ako habang ang inay ay nasa palengke ulit at nagtatrabaho.




Dali dali kong tinakbo ang kinaroroonan nito.





Nakita ko siyang nakaupo na habang iniikot ang paningin sa buong paligid.






Napadpad sakin ang tingin nito. Kulay asul ang mga mata niya. Napaka amo ng mukha niya na kahit sino pang babae at tiyak na magkakagusto sakanya.






"Who are you?"





"Patay ate amerikano nga." Sabi ni Juan. Ako naman ay nakakaintindi din kahit papano. Nakapagtapos  naman ako ng nursing ngunit pagtuturo ng simpleng engles ang gusto ko.






"Where am I?" Hindi na ako nakapagsalita. Bawat salita nito ay lalo siyang gumagwapo.






"Ouch." Napahawak pa siya sa ulo niya na may benda."






"Ah Mr. Are you alright?"





"Sino kaba?" Jusko nagtatagalog naman pala siya.






"Ah ako nga pala si Stela at siya si Juan kapatid ko. Natagpuan ka namin ni Juan at inay sa palayan malapit dito sa bahay namin." Sabi ko.






"What?" Nakakunot na ang noo nito. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako.






"Ah e can you speak Tagalog?" Tanong kong muli. Kahit guro kasi ako ay aminado akong nagdudugo din ilong ko sa mga malalalim na engles.






Tumango naman ito.






"Ahm Mr. Ano nga palang pangalan mo?" Napatulala siya saglit matapos kong itanong yun.






"I-" Sabi nito.






Naghihintay kami ng kapatid ko sa isasagot niya.






"I- I don't know." Lumungkot ang mga mata niya na pilit inaalala ang lahat.






"Ate wala siyang maalala. Baka may Amnesia siya." Sabi ni Juan. Tama ang kapatid ko possible nga namang may amnesia ito.






"Kahit ano wala kang maalala?"






"Ughhh!" Napasigaw ito sa inis.






"I don't know! I don't know my fucking name!"






"Shhhhh okay kalma ka lang. Kumalma ka." Pagpapaamo ko sakanya. Marahil ay anak mayaman to dahil sa kutis porcelana niya.






"Okay kuya Zeth nalang ang itatawag ko sayo." Sabi naman ni Juan.






"Zeth?" Sabi nitong gwapong nasa harapan ko.






"Opo kuya Zeth. Yun na muna ang pangalan mo habang wala kapang naaalala. Wag ka mag alala kuya libre ka naman tumira at magpagaling dito. Diba ate Stela?" Sabi ni Juan.






"ah e Oo kung gusto niya." Nagkatitigan kami nito at agad kong tinanggal ang pahingin ko dito.






"Ate bakit ka namumula?"






Napatalikod nalang ako at nagtakip ng mukha. Hindi ko na kaya pang tignan ang lalaking to dahil nahuhulog na ako sakanya.






"Stela?" Tinawag niya ang pangalan ko?





"Ate tawag ka ni kuya Zeth."






"Hey Stela?"






Hindi padin ako lumilingon hanggang sa tumayo na pala ito at pumunta sa harap ko.






"I'm hungry." Sabi nito ng walang kahit anong emosiyon. Sa ngayon ay natutunaw na ako sa mga tingin niya.






"Uyy ate nagugutom na si Kuya Zeth magluto kana." Sabi ni Juan.






Sa taranta ay tumakbo ako paikot sa likod ng bahay dahil doon ang kusina namin. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagluluto habang  nakatanaw ako sa misteryosong lalaking ito na nakaupo sa upuan at kausap si Juan ang kapatid ko.







Hay Stela pakiusap tumigil kana. Wag mo ng tignan mahiya ka sa sarili mo kababae mong tao eh.






Sabi ko na lamang sa sarili ko at itinuon ang pansin sa niluluto ko.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon