CHAPTER 33

27.5K 687 26
                                    


Abbys POV:




"Luke hindi mo kailangang gawin yon." Sabi ko habang sinusundan ito papasok ng kuwarto. May maliit na refrigerator sa loob at kagad itong kumuha ng isang bote ng alak.






"She deserves it. Walang sino man ang pwedeng manakit sayo." Sabay lagok nito sa alak na hawak niya.





"Hindi naman ako nasaktan diba? I'm okay."





Tahimik lang ito habang nilalagok ang alak.






"Ano iinom ka nalang Jan?" Inis na sabi ko.






Napabuntong hininga naman ito sabay tumingin sakin.






"I'm sorry my queen. Ayoko lang ng may manakit sayo. Hinding hindi ko mapapatawad kapag may nanakit sayo."






Hindi ko alam kung bakit over protective naman nitong asawa ko. E kayang kaya ko naman ang sarili ko.






"Okay lang ako, ayaw mo bang makita akong malakas bilang may bahay mo? I mean tulad ni Arturo hindi ko naman kailangan ng body guard luke. Kapag lumalabas ako, kaya ko naman ang sarili ko."







"Mahirap na Abby, hindi ko padin pababayaan na mag isa ka. Nahiwalay na tayo non at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag naulit pa yon."







"My God Luke, hindi naman ako baldado. Kaya ko naman ang sarili ko. Malakas akong babae Luke."






"I know my Queen. You're stronger. Pero gusto ko nasa tabi lang kita, masama bang protektahan ang pinakamamahal kong asawa?"







"Hindi naman sa ganon Luke, alam ko na nagaalala ka. Okay fine basta palagi ka lang din sa tabi ko."






"I'm here always for you."







"I love you Abby."






"I love you more Luke, at pwede bitawan mo na yang alak?"





Tumawa naman ito.





"Okay okay." Itinapon na nito ang laman sa sink malapit sa desk niya kung saan siya gumagawa ng paper works niya.







"Buti naman nagkakaintindihan tayo." Sabi ko.







"You're always the Boss." at hinila naman niya ang kamay ko palapit sakanya.






"Namiss ko ang asawa ko." Sabi nito habang inaamoy amoy ang buhok ko. Nakaupo naman ako sa lap niya at nakatingin lang sakanya.







"What?" tanong niya.






"May tanong ako?"






"Go ahead." Seryoso na itong nakatingin sakin.






"Bakit ang guwapo mo talaga? Halos lahat ata ng babae nagkakagusto sayo eh." Sabi ko. Ang seryoso namang mukha nito ay napalitan ng namumula dahil sa kapipigil sa tawa niya.






"Hoy wag mo nga akong tawanan jan." Sabi ko.






"Nagpapagwapo ako para sayo." Simpleng sagot niya.





"Jusko eh kahit naman hindi pa tayo guwapo kana talaga." Sabi ko.






"That's the point, guwapo talaga ako." Sabi nito.






"Ayan ka nanaman, baka lumaki na ang ulo mo niyan ah."






"Sanay na kasi ako my Queen. Ang hirap ngang maging gwapo pinag aayawan ka.'' Pabirong sabi nito.






Tumawa naman ako ng malakas. Ibang iba na ang Luke sa Luke na kanina, malambing ka ito at palabiro. Kumpara sa seryoso at nakakatakot na si Mr. Esteban.







"Luke may tatanong pa ako sayo. Ang daya mo kasi eh. Nabanggit sakin ni Aling Melba na may dati ka daw kasintahan. Bakit hindi mo sinabi sakin yon?"






Naalala ko ang sinabi sakin ni Aling Melba ang yaya ni Luke na noon daw ay may kasintahan itong nag ngangalang Catherine.






Nagiba bigla ang timpla ng mukha ni Luke ng marinig niya ang tanong ko.






"Wag mo sabihing galit ka?" Inis na tanong ko.






"Please I don't want to hear anything about her." Yun na lamang ang sabi niya at tumayo dahilan para mapatayo din ako.







"Okay I'm sorry." Sabi ko.






Ngayon nakakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko. Hindi ko na dapat kasi inungkat pa ang nakaraan.








Lumayo sakin si Luke at tumingin sa bintana habang malalim ang iniisip.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon