CHAPTER 22

22.3K 564 25
                                    

Abby POV:

"Ikuha mo nga ako ng juice na malamig." Utos sakin ng mama ni Luke.





"Ahm Senyora ano pong juice?"





"Bobo kaba? Ikaw na muchacha ka wala ka ng ginawang tama sa bahay na to!"





"Senyora paumanhin po. Tinatanong ko lang po kung anong flavor." Sabi ko.






"Abat sumasagot kapa ha! Halika nga dito!"




Tumayo ito at kinaladkad sabu-sabunot ang aking buhok.





"Senyora tama na po nasasaktan na ako."




"Ikaw na babae ka kung inaakala mo na mapipikot mo ang anak ko nagkakamali ka!"






"Aray tama na po!"





"Teka sandali? Oh my god! Nagdadalang tao ka?!"





Namutla ito.




Hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi naman ako buntis.




"Tumayo ka ng maayos!"




Sinunod ko ito.




Kinapa niya ang tiyan ko at pati balakang ko.





"Nagiiba ang pangangatawan mo. Buntis ka?"





"Hindi ko po alam."





"Sumama ka sakin magpapacheckup tayo."





Kinabahan ako sa sinabi niya. Kung buntis man ako ay masaya ako ngunit ano ito bakit parang may masamang mangyayare.





"Magbihis ka muchacha! Aalamanin natin kung may laman talaga yan."






Limang buwan na at hindi padin natatagpuan si Luke. Hindi ko alam ang gagawin ko wala na akong kakampi. Ang mga katulong naman ay takot din sa ina ni Luke.






****

Nagbihis na nga ako at kagad kaming umalis ng ina ni Luke kasama ang driver ni Luke.





Habang tinatahak ang daan ay may kung anong kaba talaga akong nararamdaman at may bumubulong sakin na wag tumuloy.





"Senyora. Wag na po tayong tumuloy. Ayos lang naman po ako."





"Bwiset talaga." Bulong nito ngunit Hindi ko narinig.






"Senyora natatakot po ako." naluluha na ako hindi ko gusto to dahil kinukutuban na ako.





"Manahimik ka. Manong Berto pakibilisan na nga at nagmamadali kami." Sabi nito.





"Manong Berto tama na po wag na tayong tumuloy." sabi ko habang humahagulgol sa iyak.





"Walang hiya kang babae ka! Sinong nagsabing may karapatan kang suwayin ako?!" Galit na Galit ang mama ni Luke.





Kita ko man ang lungkot sa matandang lalaking nagmamaneho si Manong Berto ay walang magawa to kundi sumunod na lang sa pinag uutos ng ina ni Luke.






Nakarating kami ng Hospital at kinaladkad pa ako ng ina ni Luke.





"Good morning mam ano pong maipaglilingkod ko?" Sabi ng isang nurse.





"Hi I'm Corazon Esteban. Is Doctora Mendoza arrived? I have a appointment." Sabi nito.





"Okay mam tatawagan ko po kung nasa office na."





"Okay thank you."





Maya maya pa ay binaba na ng nurse ang phone.




"Yes mam nandiyan na po siya sa taas."





"Okay thanks"





At hinila na ako ng mama ni Luke sa elevator.





Nakarating kami ng 8 floor na mismong opisina ni Doctora Mendoza.





Pag bukas ay bumungad samin ang may kaidaran ng doctora.





"Hi doctora Mendoza."





"Hi Mrs. Esteban what can I do for you?"




"Yes doctora I have a favor."






Mahaba haba pang usapan yun bago ako kuhaan ng dugo at ihi. Chineck mismo ni Doctora Mendoza ito at nagsalita.


"Can we talk Mrs. Esteban?"





Iniwan ako ng dalawa mismo sa loob at lumabas saglit.




Ng makabalik ay...





"Sige Mrs. Esteban ako ng bahala sakanya. You can leave now."




"Sandali po iiwan niyo ako?" Sabi ko.





"Bakit? May babalikan ka paba sa mansion? Hanggang dito nalang Abby bye."





"Senyora! Wag niyo po akong iwan!"





Hawak hawak ako ng dalawang nurse na lalaki, nagpumiglas man ako ay hindi ko kinaya ang lakas nila. Kagad namang may itinurok sakin.





"Bitawan niyo ako!"





"Bitawan niyo ko!"





Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo.




Unti unting nanlalabo ang mga mata ko kahit na labanan ko ito.




Malabo na ang kapaligiran.





Inaantok ako.




Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nandilim na ang paningin ko.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon