CHAPTER 15

26.5K 802 7
                                    


Ilang araw pa lamang ng umalis si Luke ay sobrang namimiss ko na siya.






Walang pasok at narito ako ngayon sa kuwarto at nagkukulong.






Hinihintay lamang ang tawag nito ngunit wala siyang paramdam.






Naisip ko namang baka busy siya at ayoko naman siyang abalahin kaya pinilit kong libangin ang sarili ko sa pagtatahi.






Mahilig ako mag cross stitch nong bata pa ako at ito nga ang pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraang araw.






Si Mindy naman ay umuwi ng bulacan dahil kasal ng tita niya kaya hindi ko maayang lumabas ng bahay. Ganon din ang kaibigan kong si Vince na magbabakasiyon pansamantala sa Pampanga ng 2 araw.







Walang pasok ngayon dahil sportfest pero hindi na ako pumunta dahil sa nakakatamad at wala naman akong kasama. Naisipan ko mang tawagan ang best friend kong si Tanya ay wala rin dahil busy ngayon to sa malaking book store na itinayo nila ng asawa niya sa Canada. Masasabi ko na sucessful na si Tanya hindi man nakatapos ay alam kong may balak siyang magtapos. Masaya ako para sa kaibigan ko.







Naupo nalang ako sa malambot na sofa habang ginagawa ang pag cocross stitch. Masaya ako at kahit papano ay may libangan ako. Hindi pa ako nakakababa dahil tinatapos ko pa ito kaya naman hinatiran ako ni Susan ang katulong namin ng makakain.







Mababait ang mga kasambahay dito. Hindi ko narinig na nagsalita sila ng masama sakin kaya ginagantihan ko rin sila ng kabaitan.








Ngayon ay magtatanghali na at napagpasiyahan kong bumaba dala ang aking tinatahi pupunta ako sa garden ng mansion at doon ko ito itutuloy.







Wala naman akong magawa kaya nakatuon lang ang atensiyon ko rito na halos na lampasan ko na ang araw ng pagkain. Hindi naman ako gutom dahil nalilibang ako. Lumapit sakin ang isa pang katulong ni Luke.







"Señorita kumain na po kayo. Magagalit po saamin ang Señorito kapag nalaman niyang nalipasan po kayo."







"Ha anong oras na ba?" Takang tanong ko.






"Mag a alas tres na po ng hapon Señorita."







"Ayy ganun ba nako nakalimutan ko hehe Sige Kakain na ako wag kana magalala. Sabayan niyo nadin ako wala kasi ang Señorito niyo nalulungkot ako."








"Ahm Kumain na po kasi kami Señorita pasensiya na po at hindi ka namin masasabayan."







Nalungkot ako sa sinabi nito kaya naman ako nalang ang kumain na magisa.






Bawat subo ko ay naaalala ko si Luke.





"Hay kumain na kaya siya?" Nag aalala man ay hindi ko nalang siya iniisip dahil alam kong mas lalo ko lamang siyang mamimiss.








Natapos akong kumain at ipinagpatuloy ko sa salas ang pag cocross stitch. Tinitignan ko ang phone ko ngunit wala padin kahit isang text man lang si Luke.







Hay Luke namimiss na kita kelan ka kaya tatawag o magtetext man lang?






"Haaaaaaaaay."








Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.








Sumapit na ang ala sais ng gabi at itinabi ko na muna ang tinatahi ko. Ngayon ay nagpasiya na lamang akong manood ng movie. Naalala ko tuloy noon nong manood kami ni Tanya ng A walk to remember. At gusto ko ulit mapanood yun hindi lamang para maiyak gustong gusto ko kasi ang palabas na yun.





Tinawag ko ang ilang mga kasambahay para samahan akong manood sa Movie Room. May malaki kasing kwarto dito na puro movie lang kumbaga pang movie marathon.







Natuwa naman sila dahil ngayon pa lamang daw sila makakanood doon. Maging ako ay natuwa dahil may makakasama na ako.







Ilang minuto pa ang lumipas at habang nagsisimula na ang palabas ay nababalisa ako. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong kinabahan. Hindi na ako nakanood ng maayos at panay ang tingin ko sa phone kung nagtxt ba o tumawag si Luke.








Ngunit walang Luke na nagparamdam.







Natapos ang panonood namin ng A walk to remember. Iniwan ko na sila doon dahil nagpaalam na manonood pa ng ibang palabas. Ako naman ay umakyat na sa kuwarto namin ni Luke.







Nahiga na ako sa malaki naming kama at niyayakap ko ngayon ang unan niya.







Pakiramdam ko ay katabi ko lamang siya dahil naaamoy ko ang manly scent niya sa unan na yakap ko. Mabango ito at mas lalo ko lang siyang namimiss.








Hay Luke bakit hindi ka padin nagpaparamdam? Mag aapat na araw na bukas.








Miss na miss na kita.







Napaiyak na lamang ako sa unan niya habang yakap to. Sobrang namimiss ko na si Luke.








Inisip ko na sana pala sumama nalang ako sakanya para alagaan siya. Iniisip ko ngayon Kung nakakakain ba siya sa tamang oras? O nakakatulog ba siya? O nakakapagpahinga pa ba siya?







Hay Luke sana umuwi kana miss na talaga kita.






Iyak na lamang ako ng iyak dahil sa sobrang pangungulila sakanya. Mahirap pala ang ganito.








Mahirap mawalay sa taong mahal mo.

Seducing Mr. Esteban ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon