Season 1: Prologue

74.3K 1.1K 228
                                    

N/N: 


This is the last installment to the Dela Fuente Brothers Series.  Maraming maraming salamat sa halos isa't-kalahating taong pagsuporta sa series na 'to.  Naka-recover na ba kayo kay Howard Dela Fuente?   If yes, oras na simulan ang kwento ng Secret Agent na si Ahron Dela Fuente. 


Dedicated ang chapter na ito sa mga naging parte ng aking teaching career, pati rin sa mga present mula sa kwento ni Howard na nag-antay ng matagal para sa kwentong ito..  :) 


Prologue:


"Light still shining in the room, you left me here.."


AHRON:


Hapon na at marami pa rin ang tao sa opisina kung saan ako nagtatrabaho, maingay dahil sa mga kapwa kong agent na nagkekwentuhan. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang parte ako ng isa sa pinakapopular na crime agency ng bansa. Trabaho namin ang mang-raid, mang-obserba sa mga kahina-hinalang tao, at siyempre ang manghalungkat ng mga records at files tungkol sa isang tao.


I was bullied noong high school pa ako at ayon ang naging rason kung bakit gusto kong ipagtanggol ang ibang tao. Kuya Howard warned me na hindi naman ako dapat pumasok rito dahil mapanganib raw. Who cares? I love taking risk.


Kakaupo ko lang sa cubicle ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Kuya Howard sa cellphone ko. Agad ko itong sinagot at bumungad na naman sa'kin ang malamig na boses nito.


"Ahron, I'll have an event by 8:00 p.m. sabi ng bagong secretary kong si Rain. I need men para magsupervise ng security. " Aniya at napatingin ako sa mga nasa opisina, marami-rami namang nandirito at mayroon pa kami sa kabilang kwarto.


"I'll tell them, marami namang mauutusan rito dahil 5:00 p.m. na. Text me the location of the event." Balik ko rito habang binibilang ang mga tao na pwedeng ipadala doon.


"Thank you, little brother! Gonna drop the call, I'm driving." Hindi na ako sumagot dahil ibinaba na nito ang tawag. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa tawag niya sa'king little brother ewan ko ba! Hindi na ako 'little' kung tutuusin nga eh kaya ko nang gumawa ng bata kung gugustuhin ko.


Ilang sandali pa ay natanggap ko na ang text message kung saan gaganapin nang event na sinasabi niya. Kuya Howard was proclaimed the New Juggernaut of the business realm at one of the hottest bachelors of the country.


Ayaw ko man, tumayo na muli ako sa upuan at sinimulan ang paglalakad papunta sa opisina ng head agent namin na si Lorenz. Medyo malayo na ang agwat ng edad namin dahil nasa mid-30s na siya pero hindi mo naman mahahalata ito sa pangangatawan at itsura niya.


Bago ako pumasok sa pintuan ay nakita ko sa malayo ang pigura ng taong karibal ko sa opisinang 'to bilang Best Agent. I've never been so competitive in my life simula noong nagkasagupaan kaming dalawa pagdating sa dami ng successful operations.

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon