N/N:
Alam kong sawa na kayong makarinig ng sorry late UD kaya magse-share na langa ko ng insight about being a graduating student. Mahirap lang sa'kin ang mag-adjust kasi nasanay ako na kapag summer eh nagsusulat talaga ako at ayon ang focus ko, pero ngayon wala na akong kawala sa mga responsibilities na nakahain sa'kin, HAHAHAHA! #FeelingAdult. Pero 'wag kayong mag-alala dahil hindi naman nawawala sa isip ko ang mga nagbabasa nitong kwento na 'to. Ang gusto ko lang eh maintindihan niyo lang kung bakit medyo matagal ako magUD ngayon hahahaha. At kung magkakatrabaho ako by May, sana nagawa o natapos ko na ang una sa mga gusto kong mangyari sa kwentong 'to.
Sa dinami-dami ng daldal ko na alam kong sawa na kayo, pumunta na lang tayo sa dedication. Dedicated ang chapter na ito kay ditchie_s na nauna sa comment noong nakaraang chapter HAHAHA.
The Secret Agent: 5
"We'll get away with everything.."
NIKKO:
At totoo nga ang sinabi nitong si Ahron na kasabay nya na akong umuwi. Hindi uso ang mag-rason sa taong 'to dahil parang lagi ka niyang sosoplahin.
Nagpaalam ako kay Mereng na sabihin kay Rain na nasa bahay pa rin ako. Mabuti na lang rin at busy siya sa pagtatrabaho at sa pagpapanggap bilang Sophie.
"Bakit parang sumama pakiramdam mo?" Tanong nito habang nagda-drive.
Tumingin ako rito at parang may kung anong nakiliti sa'kin. Kitang-kita ko ang mukha nito na lalong nagiging ewan sa pakiramdam ko.
"Ah-ah wala! Nakakasuka lang 'yung air freshener mo." At totoo 'to.
Walang sabi-sabi, bigla niyang tinanggal ang air freshener sa tapat ng aircon at itinapon sa back seat ng sasakyan nya.
"Okay na?" Maikli niyang tugon at napatango na lang ako.
Ganito ba talaga 'tong tao na 'to? Sabagay mayaman siya eh. Minsan may mga tao talagang hindi pinapahalagahan ang kung anong meron sila.
Dahil sa traffic at dahil sa lakas ng aircon, unting-unting pumikit ang mata ko dala ng antok.
**
Dahan-dahang dumilat ang mga mata ko dahil sa liwanag ng araw. Naramdaman ko ang malambot na hinihigaan ko at mabangong simoy na malayo sa amoy ng looban kung saan ako nakatira.
Napabangon ako bigla at doon ko naisip na kasama ko si Ahron sa pagpunta rito. At naalala ko pa na nakatulog ako sa kotse..
Paano ako napunta sa higaan na 'to?
BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...