N/N:
Maga-apply ulit ako next week kaya alam niyo na. Salamat sa patuloy na pagbabasa ng kwentong 'to, alam ko minsan na medyo may pagkukulang ako dahil laging mabagal ang update ko pero nandyan pa rin kayo! Nays naman hahaha.
Dedicated ang chapter na ito kay MALECSKIE dahil may alam siya na hindi niyo alam HAHAHA joke! Mention ko na rin sina ArvieLopez01 at VenKhenKnight na naki-jamming sa tugtugan ko sa nakaraang chapter hahaha!
The Secret Agent: 9
"I love you dangerously."
NIKKO:
Hindi ko inaasahan na ang medyo may kasikipang kwarto na ito ang kalalagyan ko at magsisilbing kulungan ko. Naisahan nga ng gagong Magnus si Ahron pero umaasa ako sa sinabi niyang susunod siya. Maski ako ay nalinlang noong unang gabi na natulog ako, pagkagising ko noong umaga ay nakatali na ang mga kamay ko at nakaupo sa isang monobloc.
Halos dalawang araw na akong nasa kwarto at walang araw na hindi ako nakatanggap ng suntok sa sikmura o kaya ay tadyak. Tama nga si Ahron na 'wag akong masyadong magtitiwala kay Magnus. Traydor siya sa agency na pinapasukan nilang dalawa ni Ahron!
"Putang inang tali 'to ayaw matanggal." Singhal ko dahil kagabi ko pa sinusubukang kalagin ang makapal na tali na nakabuhol sa mga kamay ko.
Sa dalawang araw na 'yon doon ko lang nare-realize ang mga bagay-bagay na nangyari sa'kin simula noong mahuli ako ni Ahron sa motel. Doon ko napagtanto na mayroon akong pakiramdam na kakaiba sa kanya.
Naging masaya ako sa sandaling panahon na nakasama ko siya.
Dinaig niya pa si Rain o si Giselle at kahit na sino pang babaeng makikilala ko. Noong naging kaibigan ko si Rain doon ko nakita n wala namang masama sa pagiging bakla lalo pa't kung nirerepesto mo ang sarili mo. Pero sa'ming dalawa ni Ahron na alam kong lalaki rin, sino ang bakla?
At nasa gitna ako ng pag-iisip ng biglang pumasok sa pintuan ang isa sa mga tauhan ni Magnus ang pumasok sa pinto. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt na may tatak na parang pang kulto.
"Ikaw pala yung kinatatakutan nila boss na makaputak sa mga autoridad!" Ani noong lalaki, may pumasok pang isa at hinawakan ang braso noong nagsalita.
"Siya nga, tol! Isang buhay lang naman pero napakalaking gulo ang ginagawa." Umismid ako sa sinabi niya.
Lumapit ang naunang nagsalita sa may mukha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya.
"Tarantado ka, tignan ko lang kung hindi ka lumuha ng dugo kapag nararamdaman mong malapit ka ng mamatay."
BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...