The Secret Agent: 4

6.8K 235 37
                                    

N/N: 


Hindi ko naman siyempreng hindi i-address kung bakit ang tagal kong walang update?  LOL.  Sobrang busy ko talaga sa work after July 2018 last year.  HAHAHA ayun naman lagi rason ko tsaka idagdag na natin ang medyo matagal na writer's block; medyo nag-hiatus yata utak ko sa pagsusulat kaya wala talaga.  Isa pa, sira ang laptop kong ginagamit pangsulat kaya ayan.. buti ngayon bumubukas na siya ulit kaya #thankyouLord. 


Dedicated ang chapter na 'to for all of you readers na napaka-patient mag-antay ng update ng kwentong ito.  Akala ko hindi ko na matatapos 'to eh HAHAHA.  Hello sa mga kapwa ko PUPian at Lasallian! 


The Secret Agent: 4


"You need to calm down."


AHRON:


Matapos ang usapan namin ni Rico ukol sa paglabas ni Magnus ng ospital ay agad akong napaisip kung tama ba ang gagawin ko. Yes, it feels like checkmate pero paano ko gagawin ng walang nasasaktan kahit isa?


"You are thinking too much, Sir Ahron." Ani King ng makabalik ito sa training ng DOS. Kinuha nito ang folder sa harap ko bago ko marinig ang mahinang pagsinghal nito.


"What?" Iritable kong tanong dito tsaka ito tumawa ng malakas, "Sir, Manuel Del Fiero is one of the most wanted guy in the country. Start thinking of possible allies na pwede nating hingan ng tulong, DOS is not the one who's in-charge of giving them justice dahil taga-huli lang tayo."


"Many of our country's bounty hunter are looking for him too dahil naglabas ang government ng pabuya. Pero you're right, taga-hanap lang tayo so we still need to do our work." Ani ko sabay tingin sa monitor ng computer ng kaharap ko.


"I guess kailangan ko munang puntahan si Del Fiero to ask kung ano ang maitutulong niya sa pagtunton sa tatay niya at kung saang bansa dinala ang mga magulang ni Nikko at Rico." Dagdag ko at tsaka ako tumayo sa kinauupuan ko.


"If you must." Makahulugang sagot ni King matapos kong tumalikod sa kanya.


--


Pagpasok ko ng kwarto ni Magnus ay naamoy ko ang natural na amoy ng ospital. Nakita ko ang ka-buoan ng katawan ni Magnus na nakahiga at tulog. Nakita kong dumilat ang mga mata nito ng maramdaman niyang nakatayo ako sa harapan ng kama niya.


"Kumusta si Nikko?" Panimulang tanong nito na parang pabulong dahil sa gaspang ng boses nito.


"He's fine but his parents are not." Matigas na balik ko dito at kumunot ang noo niya. "How? What happened?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.


Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama niya bago ako sumagot, "After the incident with Gerardo, your father organized a plan para gumanti sa ginawa ko sa business niyo at sa pamilya mo. At ito ay ang kunin ang mga magulang ni Nikko at isabay ito sa shipment ng drugs sa ibang bansa."

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon