N/N:
I am really trying my best to finish this story.. and hopefully I will before July or mid-July para may masulat pa ako na isa pa. Comment naman kayo guys if okay yung flow ng kwento mula Season 2 Prologue. 'Ya boi has no time to read hahahaha (pero binabasa ko naman yung important details).
Dedicated ang chapter na ito kay user07349656, thank you sa pagkulit sa akin mag-update! Worth mentioning din sila pj_dokz11 and karm2kram (thank you sa pag-marathon).
The Secret Agent: 5
"I could spend my life with you."
MANUEL DEL FIERO:
Kitang-kita ko ang pagtigas ng mga ugat ko sa braso ng makita ko sa cellphone ng isang kong tauhan ang pagkikita ng magkakambal na Francisco. Kapag hindi ka nga naman minamalas! Akala ko napunta na sa kung saang lupalop ng lupa ang Nikko Francisco na 'yan.
"Sir, ano po ang gusto niyong gawin 'don sa kambal? Yung Rico?" Tanong ni Roy na siyang kumuha ng picture.
"Hindi na natin siya mapapauwi doon sa bodega kung saan siya tumutuloy dahil sigurado ako na ipu-putak na 'yan ng hayop na si Nikko." Sigaw ko dito sabay alis niya. Napaupo na lang ako sa isang sofa na sobrang baho.
After all whatI have been through kasama sina Lorenz at Gerardo. Iisa lang naman ang gusto ko sa laban na 'to, ang anak ko. Magnus suffered a lot when he was a teen dahil sa kanyang mental health.
I am not a very expressive father at hindi halata na siya lang naman ang tanging tao na pino-protektahan ko. Alam ko simula naman na Ahron's weakness is Nikko Francisco kaya the time when Gerardo died ay agad kong pinakuha ang pamilya ni Nikko. Para maipalit kay Magnus in due time. Gustong kong gumanti, gusto ko silang patayin pero hindi pwede.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinontak si Carl na siyang nagbabantay sa mga magulang ni Nikko sa ibang bansa.
"Napatawag ka boss?" Agad na sabi nito pagsagot ng telepono.
Hindi na ako makapaghitay makuha ang anak ko. Kaya oras na para akong gumawa ng aksyon.
"Hubaran niyo ng damit ang tatay ni Franciso, siguraduhin niyong duguan ang damit bago niyo ipadala sa bahay nina Ahron Dela Fuente." Utos ko dito.
Makalipas ang ilang minuto pang pag-uusap, umupo ako sa mabahong sofa at inisip na ito ang tamang panahon para makuha ang anak ko at mailigtas siya.
AHRON:
Gabi na nung makauwi si Nikko kasama ang kakambal niya at ang asawa nito. Medyo iba ang pinta ng mukha ni Nikko kaya hindi ko ito masyadong kinakausap habang nasa hapag kainan kami.
BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...