The Secret Agent: 1

32.2K 894 210
                                    

N/N: 


Medyo matagal akong natigil sa pagsusulat at puro aral ang ganap ko nitong mga nakaraang buwan kaya medyo nangangapa pa rin ako sa mga gagawin ko rito sa kwento ni Ahron at Nikko.  Actually bago pa ang kwento ni Howard may idea na ako sa kwento ni Ahron medyo hindi lang talaga ko ready non AHAHAH.   Btw, salamat sa pag-iintay niyo sa unang chapter ng kwentong ito, salamat rin sa pag-follow 8.7K na tayo mga bess!  


Dedicated ang chapter na ito sa unang nag-request na si flowerfairylovesyou, hope na maenjoy niyo ang chapter na 'to, si Nikko yung nasa multimedia sa taas!  Jx 


The Secret Agent: 1


"You're giving me chills."


NIKKO:


"Andyan na sila sa labas!" Ani noong babae na sana ay matitikman ko na ngayong gabi. Nagmadali itong kinuha mga pera na nakulimbat niya sa makalipas na limang oras na service nito.


Hindi ko rin inaasahan na darating ang mga hayop na pulis na 'to. Wala man lang sumigaw sa labas na nire-raid na pala kami. Nagmamadali kaming dalawa ng nakuha kong babae na regalo sa akin ni Boss para lumabas pero mukhang huli na ang lahat dahil kapag lumabas kami makikita agad kami na parehas nakahubad at walang ibang daan para makatakas.


"Nasubukan mo na bang mahuli dati?" Pambasag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Awkward lang para sa'kin dahil nakahubad na kaming dalawa at pahiga na kami sa maliit na kamang nakahanda sa kwarto.


"Oo pero magaling si Boss, agad kaming nakalabas ng kulungan. Pero ewan ko na lang ngayon, putang ina ka kasi hindi mo bilisan ang pagta-trabaho sa'kin! Eh 'di sana nakalabas pa ako. " Galit na paninisi nito sa'kin.


"Kasalanan ko bang first time ko lang?" Napalunok ako sa sagot ko, bakit ba ako nagsasabi ng kung ano-ano?


"Hahahahaha! Tangina birhen ka pa pala! Dinaig mo pa kaming mga puta!" Singhal pa nito at napapikit na lang ako.


Pero biglang parang nasa action movie kami ng biglang bumukas ang pintuan na nasa harap naming dalawa at iniluwa nito ang lalaking malaki ang katawan at nakasuot ng kulay itim.


Paktay na.


"TAAS KAMAY!" Sigaw nito at tsaka itinutok sa amin ang baril. Pucha naman! Walang hanggang malas ka talaga Nikko.


"Ikaw!" Dagdag na sigaw pa nito sabay tingin sa babaeng nasa tabi ko na sa totoo lang eh hindi ko rin naman kilala. Basta ang alam ko lang ay pare-parehas kaming nagtatrabaho kay boss.


"Magsuot ko na ng damit mo. Bilis!" Utos niya at tumalima rin ito at nang makita kong kinuha nito ang mga damit niya ay napakuha na rin ako ng briefs na suot ko pati ang basketball shorts na suot ko kanina.

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon