The Secret Agent: 7

6.3K 253 46
                                    

N/N: 


I was reading Howard's story yesterday tapos naisip ko na nakakilig pala si Howard.   Bakit hindi naging ganun si Ahron?  Hanggang padala lang ng bulaklak.  HAHAHAHA!  Ang saya naman na unti-unti ng bumabalik ang mga nagbabasa nitong kwento na 'to.  Alam kong matagal akong walang update pero ngayon, pak!  Buti na lang bakasyon kami sa work (though malapit na bumalik).  Hopefully matapos ko na ang drafts and mai-publish lahat.  


Dedicated ang chapter na ito kay vinceyviolet dahil gusto mo 4 months ago ng mention or dedic.  Sama ko na rin dito sina yiskahmary (thanks sa unang pag-comment kahit patulog na ako), Rogiel24 - hopefully weekly na nga sana pero target ko talaga is every other day, danielflores881996  magandang asssumption.  :) 


The Secret Agent: 7


"Would you lie with me and just forget the world."


NIKKO:


Alam kong ginagawa ni Ahron ang lahat para sa magulang ko at naiisip ko na sobra na si Ahron sa pagtulong sa akin. Hindi naman sapat na mahal niya ako at mahal ko siya. Parang may kailangan akong gawin. Naisip ko kaninang tanghali kung ano ba ang estado ng relasyon namin ni Ahron.


Sa totoo lang nakikita ko sa mga mata ni Ahron ang kinang sa mata ni Rain noong tinanong ko siya tungkol kay Howard Dela Fuente. Tingin ko naman ay ganun din siya sa akin. Hindi ako tulad ni Rain na natapos ng pag-aaral at wala naman akong narating.


Kahit na! Alam ko naman na mahal ako ni Ahron.


Siguro oras na para magkaroon ng label ang relasyon namin. Alam kong hindi ito fairytale at baka hindi maligtas ng DOS ang mga magulang ko. Gusto ko lang maging sigurado kay Ahron na kahit anong mangyari ay kami pa rin hanggang dulo.


Noong una kong narinig kay Ahron ang top at bottom ay na-curious ako sa kung ano at paano ito ginagawa. Kaya ng dumalaw ako kila Mereng at tinanong kung paano ito gawin ay natawa siya. Ang ginawa ng bakla ay sinendan ako ng mga video na galing daw alter o kung ano mang account sa social media.


Pinanood ko ito noong gabi matapos naming makuha ang package na naglalaman ng taning laban sa mga magulang ko. At jusko, parang masakit ang magpa-bottom. Noong nililigawan ko si Giselle, alam ko naman na ako ang lalaki kaya ako ang lalaki sa relasyon. Pero ngayon na unti-unti kong nakukuha ang mga impormasyon tungkol sa same-sex na relasyon. Tinanong ako ni Mereng kung sino ang lalaki sa aming dalawa ni Ahron.


Importante ba yun? Parehas kaming lalaki ni Ahron at nararamdaman ko na hindi naman siya magpaparaya para maging babae sa relasyon. Hapon na at nag-iisip ako kung ano ang pwedeng gawin mamayang gabi para kay Ahron?


Pumunta ako sa kusina sa bahay nila Ahron at nakita ko na wala nga pala ang taga-linis dito na minsan lang pumunta dahl sinamay daw ang magkakapatid na Dela Fuente na maglinis at magluto.

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon