The Secret Agent: 2

8.7K 327 60
                                    

N/N: 


Hey!  One month long talaga bago ako nag-update ulit eh no?  Ayan medyo nakakarecover na ulit ako and vacation na rin from work ngayon.  HAHAHA!  Tanong ko lang kung after nitong kay Ahron gusto niyo ng special chapters sa mga kwento ng Dela Fuente Brothers?  Survey talaga 'to kasi feel ko matatapos ko si Ahron (hindi pwedeng hindi).  


Dedicated ang chapter na ito kay nardnard19, thanks sa mga good comments mo last chapter!  Sa mga gusto ng dedication comment lang kayo, nauubusan na ako ng list HAHAHAHA.  Balik na kayo readers ready na ako #totoonato. 



The Secret Agent: 2


"Maybe you could be mine again.."


MAGNUS:


I don't even know where I am and what happened to me. Ilang araw na pabalik-balik lang ang pagtulog at pagmulat ko. Marami ang mga taong tinitignan ang nakalagay sa kamay ko at doon ko nalaman na nakaratay pala ako sa ospital.


"You're conscious, how are you feeling?" Tanong ng nurse sa akin pero kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.


Sobrang tuyot ng lalamunan ko pero pinilit ko na magsalita, "Si Nikko..." tumango lang na parang ewan ang nurse sabay labas nito.


Unti-unti ay bumabalik ang memorya ko pero hindi ko yata nakita na nag-inject ang nurse ng pampatulog. Hindi ako pwedeng makatulog, kailangan ko ng malaman kung ano ang nangyari kay Nikko.


NIKKO:


"Bakit sa tingin mo makikita ko pa si Rico kung sasama ako sa'yo papuntang Maynila?" Tanong ni Lisa sa aking habang nasa hapag kainan kami at kumakain.


"Wala na ang mga magulang ko dito pero alam kong mas matutulungan tayo ng kakilala ko sa Maynila." Ani ko sabay isip nab aka alam na ni Ahron ang lahat ng nangyayari sa magulang ko.


Hindi ko akalain na kakainin ko rin pala ang pride ko dahil sa pag-alis ko sa puder niya..


Hindi ko na mabilang ang gabi na iniisip ko kung bakit ba hindi na lang ako nakinig kay Ahron. Nagkakamali na lang ako palagi at pinagdududahan ang gusto niya para sa'kin. Napakabobo mo naman kasi Nikko.. Kahit kalian.


"Ano? Kung makakatawag ako sa Maynila, sasama ka ba Lisa?" Seryoso kong taong dito at bago ito sumagot ay hinimas muna nito ang tiyan.


"Sige na payag na ako, Nikko. Pero sana lang walang mangyaring masama sa akin at sa magiging pamangkin mo.." Anito at tsaka kinuha ang cellphone nya sa bulsa at iniabot sa akin.


"Tawagan mo na siya, Nikko. Kung sino man yang kaibigan mo."


Tumayo na ako at iniwanan ang pagkain ko sa lamesa. Lumabas ako ng pintuan ng bahay sabay dial sa number ni Ahron sa cellphone na hawak ko. Ilang ring ang narinig ko bago ko marinig ang boses nito.

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon