N/N:
Can't write to wattpad right now.. Why? Oh, 'cause I'm dead! HAHAHAHA. I'm back, gusto ko lang ipaalam sa inyo kung bakit ako nawala ng ilang buwan. Hindi sa dahil tinatamad ako at medyo busy ako sa work, the main reason ay nawalan ako ng inspiration nung ginagawa ko 'to last May. And gladly, kahit papano nakahinga din ako at nakaisip ng mga dapat mangyari pa rito sa kwento na 'to. Ayan pa lang ang masasabi ko pero thanks pa rin sa lahat nang nagbabasa, kahit minsan inaabot na ako ng two weeks without checking my account at umaabot na ako sa 2k na notifs. HAHAHA, love you all. <3
Dedicated ang chapter na ito kay itsmelunaboi na nagpa-alala sa'kin na kailangan ko na talagang mag-update. HAHAHA mention ko na rin sina lnhsgirls at sa reader ko na inaamag na si Jacob_OOOO hahahaha.
The Secret Agent: 12
"Now I know I have met an angel in person."
MANUEL DEL FIERO:
Amoy usok ng sigarilyo ang maliit na kwarto na isang paupahan kung saan ako nagtatago. Hindi ko alam kung na ang nangyari sa anak ko. Ilang araw na akong hindi nakakaligo at nagtyatyaga ako sa pagkain ng delatang sardinas. Hindi ako makabili ng pagkain dahil naka-track ang buong pera ko na nasa bangko samantalang ang perang hawak ko ay nasa bahay namin.
Mabaho at amoy lalaki ang buong paligid nang dumating ang isa sa mga tauhan ko na inutusan ko na pumunta kung saan nagkukuta ang angkan ni Nikko Francisco. Dalawa kaming nakaupo sa bakal na single bed na kama na hindi mo alam kung anong maitatawag.
"Boss may nakatakas na dalawa pero nakuha namin ang nanay at tatay ni Francisco. Kasalukuyang nasa biyahe na 'to papunta sa ibang bansa kasabay ng mga natitirang smuggled goods natin." Ani ni Ben na isa sa loyal naming tauhan nina Gerardo.
"Okay na 'yon pero siguraduhin niyong hindi lulusot yan dahil ang pamilya niya na lang ang hawak natin laban sa kanila, subukan mong loobin ang bahay namin at kunin mo ang safety deposit box na nasa kwarto ko. Alam kong hindi susuko si Dela Fuente na hanapin at patayin ako." Seryoso kong wika at tumango lang ito.
"Pero boss paano kung bumalik ng DOS si Magnus?" Malamang tanong nito sa akin at napatawa na lang ako ng pilit.
"Sa tingin mo ba tatanggapin pa rin nang DOS si Magnus? Alam kong may sakit sa utak ang anak ko pero hindi siya tanga." Balik ko dito at napatango na lang siya.
Naglapag ito ng sigarilyo sa maliit na lalagyan na nasa tabi lang rin ng kamang inuupuan namin. "Sige na po, boss! Pasensya na sa nasabi ko kay Magnus." Tumango na lang ako sa pagpapaalam nito lumabas na ito ng pinto.
AHRON:
Madilim pa ang buong opisina ng DOS noong dumating ako. Ito ang ikalawang araw ng pagiging Head Agent ko. Ngayon natatawa na lang ako na sa sobrang daling panahon ang pangarap kong magtayo ng security agency ay nawawala na dahil baka soon ay ako na ang mag-may ari nito.. kung ibebenta ni Magnus.
BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
Storie d'amoreThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...