N/N:
Matagal na akong hindi nalagi sa wattpad at nagbasa pero nung nabasa ko ang akda ni itsmoodymind na The Jerk and the Transgender doon ko narealize na kung gaano kasaya magbasa at magsulat ulit. In all fairness, ngayon na lang ulit ako na in love sa isang character na hindi ko naman gawa. HAHAHA! By the way, medyo naging busy lang ako dahil sa graduate school na ganap pero ito na hehehe.
Dedicated ang chapter na ito kay itsmoodymind! More power author and paki-update na rin ang story ni Lasallian Architect sa His Untamed Brat. All the ❤ .
The Secret Agent: 3
"Baby come and take me away.."
MAGNUS:
Matagal kong tinignan ang mukha ng lalaking nasa harap ko at hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong may iba sa itsura nito. I know na matagal akong nasa ospital and I didn't know what happened after kong mabaril pero I have been an agent for so many years at alam ko kung ano ang totoo at hindi totoo.
"Nikko?" Tanong kong muli sa lalaking nasa harapan ko at ngumiti ito sa akin at kumbinsido na ako na hindi si Nikko ang taong kaharap ko ngayon.
"Bakit?" Ani nito sabay abot sa kamay ko ng maliit na envelope. Ito na ba ang sagot sa mga nangyari sa labas?
"Sino ka ba talaga? Alam kong hindi ikaw si Nikko Francisco." Giit ko pero tumawa lang ito ng mahina at tsaka tumingin sa akin. "Si Nikko 'to! Nasobrahan ka na yata sa gamot kaya ka nakalimot!"
Natawa ako ng pagak bago ako tumingin sa mga mata niya at seryoso na itong nakatingin sa akin, "Gusto mo talaga malaman huh? Ako si Rico Francisco at kakambal ako ni Nikko, tatay mo ang may gawa kung bakit naging ganito ang pamilya namin!" Sumbat nito sabay hawak sa braso ko ng sobrang diin.
"Tutulungan kita sa tatay ko, oras na siguro para matuto na siya sa mga ginawa niyang kasalanan. At pinapangako ko sa'yo na babalik ang pamilya na nawala sa inyo ni Nikko basta tulungan mo lang ako."
Unti-unting gumaan ang pagkakahawak nito sa braso ko at ngumiti ako. Ngayon kailangan naman akong gumawa ng tama para kay Nikko. Gagawin ko 'to para sumaya kahit hindi ko matanggap na nasa piling na siya ng iba.
"Sino ka ba sa buhay ng kakambal ko? Ang sinabi lang sa'kin ng tatay mo ang tungkol sa DOS at kung sino si Ahron Dela Fuente." Nagtatakang tanong nito at umiling ako.
"'Wag mo nang alamin kung sino ako. Pagkalabas mo sa kwarto ko pumunta ka sa information at itanong kung kalian ako lalabas at sabihin mo 'yon kay Ahron Dela Fuente ng personal." Utos ko rito sabay tayo niya dahil mukhang naintindihan nito na hindi ko sasagutin ang mga tanong niya.
"Sige mauuna na ako, Magnus." Aniya sabay bukas ng pintuan. Hinarang ko ang balab na dapat para sa'yo Dela Fuente.. 'wag mo akong bibiguin.
BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...