N/N:
FINALLY! I never thought na matatapos ko pa talaga 'to, akala ko forever na ako sa work na makakalimutan ko na ang mga kwentong ginawa ko. Minsan tuloy nagbabasa ako ng mga lumang comments sa mga istorya kong tapos na 'tas bigla kong mami-miss ang Wattpad and you.. my dear reader. As you know I lost a friend, dorshylover, sa mga ganitong panahon infairness nami-miss kita. Pero again.. one sweet day, poser. Also, my other friend xPANICx released his first book under PopFiction entitled: The Bathroom Love Affair ('wag kayo mag-alala BXB yan hahahaha). Available na sa mga bookstores near you! Charoth.
This chapter is dedicated for my readers (whether deleted this story or continues to read it up until today). Thank you very much for being with me for two years at umaasa kapag sinasabi kong comeback is real. Hahahahaha, can't wait to write another one na sumasalamin naman sa kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Lovelots <3
The Secret Agent: Finale
"I could watch you watch me forever."
Three Months After
AHRON:
After three months of waiting, dumating na rin ang parents ko galing ibang bansa. Nagsabay na sila ni Kuya Howard na kakagaling lang sa honeymoon nila ng asawa niyang si Rain sa States. Hindi ko aakalain na sa sobrang lihim ni Kuya Howard eh nagawa niya ng magpakasal ng hindi naming alam magkakapatid. Kaya tuloy ngayon eh dalawa naman kaming nag-aantay ni Kuya Howard dahil lumabas ang mag-bestfriend.
It makes me envy. Pero believing superstitions and shit, magiging sukob ang kasal kapag pinakasalan ko si Nikko.
Habang nag-uusap ang mommy at daddy ko at ang mga magulang ni Nikko, naisip ko bigla si Manuel Del Fiero at si Magnus. At least kahit papano natanggap na ni Manuel na nasa mabuti ng kalagayan si Magnus sa isang mental institution. Marami ring test ang inabot bago pagdesisyunan namin ng DOS at ni Manuel ang paglagak doon ni Magnus. As for Manuel naman, he'll be in jail and court trials. God knows how long?
"Hijo, wala ba kayong balak magpakasal ni Nikko?" Out of the blue na tanong ni Mommy sa akin.
Napangiti ako sa tanong dahil sino ba naman ang gustong humindi? Nakita ko na ang taong gusto ko makasama araw-araw. Ang taong aalagaan ko hanggang dulo. Tumikhim muna ako bago sumagot, "Mom, kakasal lang ni Kuya Howard. Stop pressuring me mas unahin mo si Paulo dahil ang tagal na nila ni Jade."
"I'm not pressuring you, anak. 'Di ba mas masarap yung alam mong may hawak ka na, balae?" Dagdag pa ni Mommy sabay tawa ng Nanay ni Nikko.
"Iba si Ahron, balae. Malaki ang pasasalamat namin sa anak mo dahil kung wala siya malamang hindi niyo na kami kausap ngayon." Madamdami nitong wika.
Fuck, I'm touched.
BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...