The Secret Agent: One Sweet Day

6.6K 196 25
                                    

N/N 


Wala sa imagination ko na ngayong taon mawawala ang isa sa mga matalik kong kaibigan na nakilala ko dito sa wattpad.  Grabe ka baks dorshylover bakit mo naman kami binigla?   Parang nung huli nating usap naghahanap ka pa ng Thai series na maganda.  Masakit na wala na akong mapagsasabihan ng mga ganap ko everyday, mga heartbreaks, etc.  Pero still, lahat naman ng nobela nandito pa rin sa Wattpad.  Kahit hindi mo nakilala ang Darren ng buhay mo I know na sobrang grateful mo dahil binigyan ka ni Lord ng masayang buhay.   Dedicated ang chapter na to sa'yo... kung andito ka sasabihan mo na naman ako ng kabaklaan.  Hahahaha!  Si Magnus ang nasa taas! 


I want to remind you din na I've been writing in Wattpad since college.  Back then, may mga bakasyon ako na wala talaga akong ginagawa bukod sa pagsusulat.  Ngayon kasi iba na talaga since sobrang demanding ng trabaho at kahit bakasyon wala talaga akong nagagawa.  Actually, busy pa rin kahit ngayong Christmas break pero sinisingit ko lang din ang pagsusulat because I want to start to write what I am feeling now as an adult (lol na-stuck ako masyado sa kwento ni Ahron).


The Secret Agent: One Sweet Day


"And I know eventually we'll be together."


MAGNUS:


Run... Magnus... Run


Alam kong nakita ko sila Rivera at Custodio. Hindi ako maaring magkamali.. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Andyan na sila! Mahuhuli na ako. Saana ko magtatago? Saan ako pupunta? Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko ang isang lalaki na matagal ko ng hinahanap.


Nikko?


Hindi siya si Nikko, Magnus! Pero hindi... si Nikko yan! Tumigil ako sa pagtakbo at doon ko nadama ang gutom, ilang araw na akong hindi kumakain. Bakit ba kasi ganun ang nangyari kay Manang Edith? Ako ba ang may gawa nun? Fuck, think Magnus, think!


"Magnus" Tawag ni Nikko sa harap ko.


"Nikko?" Nahihilo kong tanong dito. He smiled and then naramdaman ko na lang na may humila sa dalawa kong kamay at pinosasan ako.


Pagtingin ko sa likod, nakita ko si Custodio at Rivera. They caught me... nagpumiglas ako pero wala na akong magawa dahil hindi ko na talaga kaya.


Help me, Dad. Ayaw ko makulong... Help... Help


Isang galaw pa ng mga kamay ko ay parang nawalan na ako ng lakas at biglang dumilim.


AHRON:


Hapon na simula noong umalis sila Custodio, Rivera, at Rico. Nag-aantay lang kami ng resulta para makuha ng DOS si Magnus at maging pain para mahuli ang tatay niya at makuha ang magulang ng taong pinakamamahal ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa naming kagabi. Sino ba ang makakamove-on? Gusto kong maulit pero alam ko na trabaho muna ang kailangan kong tapusin.

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon