N/N:
Actually the first choice para sa magiging portayer ni Ahron ay si Juancho Trivino kaso mahirap maghanap ng pics niya sa internet dahil hindi naman ganoon kadami ang pictures niya. Pero I think maganda naman kung si John Spainhour na lang ang gaganap, based kasi sa edad nila, Howard is 28 and Ahron is 27 so keri na. HAHAHA! :D
Gusto ko lang mag-thank you dahil nagkaroon na 'to ng ranking. Hehehehe! Salamat, guys! Anyway, dedicated ang chapter na ito kay Effantastos na author ng He's My Possessive Bestfriend na siyang bet na bet kong basahin.
The Secret Agent: 2
"Lucky for you that's what I like."
AHRON:
Dalawang araw simula noong raid at ngayong umaga ay pinapatawag kami ni Head Agent Lorenz para sa meeting ukol sa nakaraang operation na 'yon. Hanggang ngayon hindi pa rin buo ang pakiramdam ko sa palusot noong Beth at Nikko na 'yon. Malakas ang kutob ko na may itinatago silang dalawa.
Hati rin ako sa paniniwalang bakla 'yong Nikko dahil hindi naman halata sa kilos niya unang-una. I've seen a lot of gays at nilandi ko rin ang asawa ng kapatid kong si Ethan Race para maprotektahan siya laban sa totoong ama niya which sounds stupid! Pero ganoon ako ka-seryoso sa trabaho ko.
Pumasok na ako sa conference room at halos kumpleto na ang lahat ng kasama sa operation. Tumabi ako kay Agent Lopez na napatingin rin sa'kin nang makita ako.
"Balita ko hindi pa tapos ang mission na 'to, Agent Dela Fuente." Entrada niya nang makaupo ako sa upuan na kulay itim.
Napakunot ang noo ko, hindi pa ba sapat ang raid? "Bakit?" matipid kong sagot sa kanya at umismid ito sa tanong ko.
"They said that the sex den is just a part of this scheme. And we're now involved into something larger than what we thought." Paliwanag nito at napatango ako.
"Interesting."
Hindi na ito nagsalita pa at eksatong pumasok si Head Agent Lorenz at bumati, "Good morning, Agents." Aniya at tumayo rin kami para bumati.
"Take your seat." Utos agad nito pagkapunta sa upuan niya na nakalagay sa pinakadulo ng lamesa. Mas mataas rin ang upuan niya bilang reminder na siya ang pinakamataas ang rango.
Medyo may katagalan na rin ang DOS bilang secret security agency at marami na rin ang nag-quit sa nakalipas na 5 taon dahil raw kesyo nakabaon na ang isang paa mo sa hukay. I'm planning to build a security agency also in few years time.
Si Head Agent Lorenz ang naunang naupo, at doon ko napansin ang kakaibang itsura nito ngayon dahil malayo ito sa medyo easy go lucky niyang mukha. Seryoso ang awra nito at mapapansin mo ito sa mga mata niya.

BINABASA MO ANG
The Secret Agent (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Dela Fuente Brothers. He's tough, cold, and a dangerous foe. Pero paano kung sa pag-ikot ng tadhana ay makilala niya ang taong susubok sa kun...