CHAPTER 14

507 7 4
                                        

[Cheska]

"Oh, Close your mouth." Sabi ni Sehun sakin  na ngayon ay nakatingin parin sakin. 

Nagulat nalang ako ng bigla nyang binawi ang iPad ko at tiningnan ang post ni Jimin. Napabuntong hininga sya. Alam nya ba na kami ni Jimin? Alam nya ba ang tungkol samin?

''Oo, alam ko naging kayo, Hanggang ngayon. Kaya nga ako umuwi dito para pag usapan ang plano ng parents natin at tungkol dito.'' sabi nya at sinauli nya na ang iPad ko at hinila ako palabas.

Medyo tumahimik kami at mukhang naiilang na akong makipag usap sa kanya. Nang biglang sinira ni Jin ang katahimikan.

''Hoy Cheska! Ay jusq! FAFS!'' Malandi talaga 'tong si Jin kahit kelan! Nakipag beso-beso sya kay Sehun. At yun din si Sehun.

''Wait, magkakilala pala kayo?'' Tanong ko sa kanilang dalawa na ngayon ay magkayakap parin.

''Hoy, baklitang malandi! Tinatanong pa kita! sumagot ka!'' Sabi ko sa kanya sabay hila papalayo kay Sehun.

''Oo! Magkakilala kami, bakit selos ka?'' sagot nya.

''Hindi no! Teka, ano bang ginagawa mo dito?'' tanong ko sa kanya.

''Ay, Oo nga pala, Nakita mo ba yung post ni----'' Bago pa nya ipinagpatuloy ang pagsabi nya, sinira ko na agad. Hayopak eh. Nawala na sana yun sa isip ko! Binalik pa! Hayopak lang talaga.

''Lamko na kaya tumahimik ka! Baka ano pa ang magawa ko sa inyong magbarkada eh.'' Sabi ko.

''Edi wow. Uuwi muna ako ah? Fafs! Punta ka sa bahay mamaya ah? Bibili ako ng Soju. See Yah! Wag mong isama si Cheska babosh!'' sabi nya sabay alis.

Nang nasigurado na namin na umalis na talaga si Jin, ipinagpatuloy na namin ang dapat pag usapan.

"Cheska, Noon pa man, Hindi ka mahal ni Jimin. Alam mo ba yun?" Sabi ni Sehun.

"Bago ko lang nalaman, Sinabihan kasi ako ni Jin.. Kanina" Sagot ko.

"Naging two timer pala si Jimin noh? Tapos Close Friend ko pa." Dagdag ko.

"Don't tell me your angry with my twin sister?" Patawang sabi niya. Gosh, He's so cute!

"No! Hindi noh! I understand naman, Baka marami akong pagkukulang kay Jimin kaya ganun." Sabi ko.

"So, agree kaba sa plano ng parents natin?" Tanong niya sakin.

Should I just agree? And let go of everything? Hindi lang kasi buhay ko at ni Jimin ang nakataya sa puso ko eh, Kundi kay Taehyung din mahal ko si Taehyung.

[SEHUN]

Right now, I know na nahihirapan si Cheska. Nahihirapan syang mag isip. Alam ko doubtful pa sya ngayon. Kaya nga ginawa koto sa kanya para makamove on sya kay Jimin.

I know it's not simple na e let go mo yung tao na mahal mo. It's just that mahal mo pa siya pero hindi na pwede.

Nakatulala lang siya ngayon. Nag iisip. Nahihirapan.

"Ches, don't think too much okay? You still have time to think. Hindi naman kita minamadali jan. Psh." Sabi ko.

"Eh kasi naman, ang seryoso mo eh. Di ba pwedeng ibalik muna natin yung mga kakulitan natin noon pleasee??" Tch, she's still cute.

"Sige ba. Alin ba? Marami kasi tayong kakulitan noon!" Sambit ko.

"Ahh! Alam ko na!  Do you remember nung nagpatimpla si Papa ng kape tapos nilagyan natin ng asin? Tapos galit na galit si Papa kay Manang Yaya? Ge na!" Sabi niya while hinila ako patungong kusina. As what I've said, wala syang pinagbago. She's still the Cheska I know.

The 3 Montefalco'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon