Kabanata7Her POV
Nagising ako sa panaginip ko. At nagulat ako dahil nasa isang kwarto ako pero di ko naman ito kwarto. Napatayo ako bigla. Tinignan ko pa kung may sinusuot pa ba ako at meron naman. Damit ko ito kanina pa. At mas nagulat ako ng bumukas ang pinto ang pumasok ang isang lalaking nakapants lang at walang saplot sa taas. So hot! Napatitig nalang ako sa abs ng lalaking ito habang may hawak na tray. Pumula ang pisngi ko dahil sa init at napapaypay nalang ang mga kamay ko sa mukha ko.
"Where am I?" I asked him. Obviously di ko alam kung nasaan ako at bakit siya ang kasama ko.
"You're in my condo. Nawalan ka ng malay kanina sa Resto" kaswal na sagot niya.
"Pwede namang sa hospital mo nalang ako dinala!" demanding na sabi ko.
"You have high fever. I volunteer myself on taking care of you" he said while looking at my eyes. Umiwas ako ng tingin. Naku! Pa-fall ang mga matang iyan.
"T-Thank you" nahihiyang sabi ko
"Oh! Nag-tha-thank you pala ang isang tulad mo" gulat na natatawang sabi niya.
"Edi wag!" sabi ko tsaka ko kinuha ang hawak niyang tray.
"Easy there, milady. Ako na ang magpapakain sayo" malambing ang boses na sabi niya.
"I can manage. Wag mo nga akong ibabysit kasi di naman ako baby!" Pagalit na sabi ko.
"May sakit ka na nga, nag-iingay ka pa. Ibang klase ka talaga" manghang sabi niya
"Ibang klase talaga ako" proud na sabi ko
"Kaya nga gustong gusto kita eh" mahinang sabi niya pero di ko maintindihan sa sobrang hina.
"Ano sabi mo?" Tanong ko dahil di ko naman narinig ng maayos yung sinabi niya.
"Kumain ka na tsaka ka uminom ng gamot at magpahinga. Babantayan kita" sabi niya. Napakabossy talaga ng isang ito. Pero sinunod ko naman yung sinabi niya. Pagkatapos kong makainom ng gamot, unti-unti na naman akong hinihila ng antok.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hinahabol ko na ang aking hininga. That's my first kiss and someone stole it! Hinahanap ko kung sino yung humalik sa akin kanina. Hawak ko ang labi ko ng mapahinto ako dahil may nakatayo sa harapan ko. Dahan dahan akong lumingon at nakita kong si Carlo ito. May naglalarong ngiti sa kanyang labi. I just thought of something. Hindi kaya siya yung... No! Hindi pwede!
"We meet again, Yena. Sabi ko na nga ba, hinahanap mo ako 'no?" Mapanuyang sabi niya. Umirap na lamang ako.
"Sorry not sorry. Di ako naghahanap ng mga mahahangin tulad mo" sabi ko sabay taboy ko sa kanya. Nakakainis! Masyado siyang mahangin sa sarili niya. Lumayo na lamang ako sa kanya and as usual nagcatcall na naman siya.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko ng dinala ako ng mga paa ko sa garden. Bakit ako napadpad ulit dito? Nagulat na lamang ako ng may humapit ulit sa bewang at napasubsob ako sa dibdib ng kung sinong lalaki man ito. Kumalabog ang puso ko. Siya na ba yung kanina?
Dali-dali akong nag-angat ng tingin and to my surprise, si Vladi iyon! Gulat ang ekspresyon ko ng bigla niya akong tinulak palayo na parang kinamumuhian niya.
"Go away" sabi lang niya tsaka pumunta sa pinakadulo ng garden.
Paalis na ako nang makasalubong ko si Tifanny na papunta sa garden. Dahil sa curious ako, bumalik ako paloob sa garden at pasimpleng tinignan kung saan siya pupunta. And to my surprise nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Vladi at may sinabi na hindi ko naintindihan. Bakas sa mukha ni Vladi ang galit niya kay Tifanny. Nagulat ako lalo nang makita kong lumuhod na si Tifanny na humihikbi habang hawak niya pa rin ang dalawang kamay ni Vladi. Napatuptop pa ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Bigla nalang nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Vladi. May sinabi pa siya tsaka niya inalis ang pagkakahawak ng kamay ni Tifanny sa kanyang mga kamay tsaka umalis. Lumakas pa ang pag iyak ni Tifanny na halos rinig ko na mula dito sa kinatatayuan ko hanggang sa kinaroroonan niya. Palapit naman ng palapit si Vladi sa pinagtataguan ko kaya mas lalo akong nagtago. May naramdaman akong gumagapang sa paa ko tsaka gumagat.
"Aray!" Tili ko habang kinakapa kung ano man ang gumapang at kumagat sa paa ko upang alisin, lumulundag at nagpaikot-ikot pa ako sa kinatatayuan ko, at dahil doon naramdaman ko pa ang matulis na bagay na nakatusok sa paa ko. Nakita ko nalang na nasa likod ko si Vladi. Hinapit niya ang bewang ko tsaka tinakpan niya ang bibig ko para matigil ang malakas na tili ko.
"Shut up or I'll kiss you" parang kidlat ang pagkasabi niya tsaka niya ako binuhat. Bridal style. Dinala niya lang ako sa clinic. Dali-daling dumalo ang nurse na nadatnan namin at nagpacute pa muna kay Vladi bago ako ginamot.
So much pain. Ang sakit ng paa ko. Inantok na lamang ako bigla ng may tinurok sila sa akin.
"Di kita iiwan" he said before I close my eyes.
Nagising ako ng pinagpapawisan. Napatayo ako bigla at sinuri kung nasaan ako. Naalala ko nandito pa pala ako sa condo niya. Hinanap ko siya pero wala siya dito sa loob. Sinabi niya sa akin noon na di niya ako iiwan tapos bigla nalang siyang mawawala. Hanggang ngayon, sinabi niyang babantayan niya ako tapos magigising nalang ako na wala na siya dito sa tabi ko. Wala talaga siyang isang salita. Sinungaling.
Nag ayos na lamang ako ng sarili ko. Nakita ko pa ang bag kong nasa table malapit sa kama na nagtulugan ko. Lumabas ako sa kwarto at nakita kong walang tao sa sala. Tinignan ko ang oras. It's already 8pm! Nagulat ako sa oras kaya naisipan kong umalis na lamang.
Saktong pagbukas ko sa pinto upang makalabas ay siyang pagbukas rin niya sa pinto upang makaloob.
"Aalis na ako" sabi ko na aakmang lumakad sa tabi niya pero hinarangan niya ako kaya tumingin ako sa kanya.
"I said ako ang mag aalaga sayo. Babantayan kita. Bakit ngayon aalis ka na? May sakit ka pa" sabi niya agad sa akin. Nakita kong may hawak siyang nakapaperbag na mukhang pagkain ang laman.
"Sinabi mo lang naman. Di mo naman ginawa. Tsaka ano ngayon kung aalis na ako? Umalis ka rin naman ng di nagpapaalam ah. Atleast ako nagpapaalam. At oo may sakit ako pero di ako baldado para hindi makauwi. Kaya tumabi ka dahil uuwi na ako" at dahil doon pinadaan niya ako para makalakad. Nagtaxi na lamang ako dahil nasa building pa yung sasakyan ko. Pagdating ko sa bahay si kuya at lola lang ang nadatnan ko.
Matamlay at nanghihina akong lumakad pataas ng hagdanan. Nagkasalubong kami ni lola at nakita niyang nanghihina ako. Lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko.
"Apo! Inaapoy ka ng lagnat! Francis, tulungan mo ako dito at ipunta natin sa hospital ang kapatid mo!" Nagulat ako sa sinabi ni lola.
"Lola ayoko na ng hospital. Kaya ko pa naman. Matutulog nalang ako sa kwarto" may kasiguraduhang sabi ko.
"Kumain ka muna bago uminom ng gamot tsaka ka magpahinga" maalam na sabi ni lola. Sinunod ko siya para di na mag-alala pa. Binantayan pa ako ni Kuya bago ako makatulog.
Nakakapagod na ang pagiging pagod. Ayoko na.
YOU ARE READING
I'll Never Forget You
Teen FictionI hate him. I loved him. Now I hate him again. Will history repeats itself?