Chapter13

0 0 0
                                    

Kabanata14

Her POV

Nagising ako na wala ng tao sa tabi ko. Bumangon ako upang tignan kung nasaan na siya at nakita kong galing siya sa banyo at kakaligo lang niya. Nagtungo na rin ako sa banyo upang makaligo at makauwi na sa bahay. Pagkatapos kong maligo, kumuha nalang ako ng clean white shirt at shorts sa closet niya. Sinuot koi yon at lumabas na ng kwarto. Nakita kong si Vladi ang nagluluto at wala pa sila Lola Lena at Shelsie sa kusina.

"Goodmorning" he greeted me. I smiled. "Goodmorning" I greeted him too.

Tinulungan ko nalang siya sa pagpreprepare ng breakfast. He cooked bacon, egg, pancakes, fried rice, and bread dipped in egg. Naglagay ako ng mga baso, plato, kutsara at tinidor sa mesa. Nagpaalam rin ako kay Vladi na gigisingin ko lang sila. Nagkasalubong pa kami ni Lola Lena sa hagdanan, she greeted me goodmorning and I greeted her too. Nagpunta nalang ako sa kwarto ni Shelsie para gisingin siya. I knocked before I enter. Nakita kong nakahiga pa lang siya pero nanonood ng Korean Dramas sa laptop sa tabi niya.

"Oh! Goodmorning ate ganda" she greeted me with full smile.

"Goodmorning Shelsie, breakfast is ready. Your brother cooked it" I said at dali-dali naman siyang bumangon. Hinawakan niya ang kamay ko at excited na lumabas sa kwarto.

"First time kong makakatikim ng luto niya!" maligayang sabi niya habang pababa kami sa hagdanan.

Kumain kami ng breakfast at tsaka nagpaalam akong aalis na dahil mag-aayos pa ako para sa trabaho. Inihatid naman ako ng sasakyan nila. Sinabi ko rin na sa trabaho nalang kami magkikita ni Vladi.

Pagdating ko sa bahay naligo ulit ako, nagbihis ako ng pants at shirt. Someone texted me.

Unknown number:

See you there! Take care darling

Alam ko na kung sino 'to. Sinave ko nalang ang number ni Vladi tsaka lumabas na sa kwarto ko. Nagpaalam na ako kay Lola Benita bago ako sumakay sa sasakyan ko. Nagpunta ako sa site kung saan on-going ang pagpapatayo ng dreamhouse ko. Di ko naman alam kung sino titira diyan dahil ako lang naman ang nagdesign ng bahay. Pagkababa ko ng kotse sinalubong agad ako ng boyfriend ko na may dalang flowers. Full smile pa akong lumapit sa kanya.

"I miss you" he said sabay bigay ng bulaklak. Tumawa lang ako. "Magkasama lang tayo kanina, grabe ka" natatawa pa ring sabi ko sabay tanggap ng bulaklak. Inamoy ko pa ito, the flowers smells so nice. Nilagay ko nalang ito sa loob ng sasakyan ko.

"Gusto ko bawat Segundo kasama kita" sabi niya. Ngumiti nalang ako pero deep inside kinikilig na ako. Kinikilig pa rin ako nang lumapit kami sa site para tignan kung ano na ang ginagawa ng mga trabahador. Ilang oras pa ang nakalipas at magtatanghali na. He decided that we should eat in a restaurant near the site. Habang papunta kami sa kotse niya, hinawakan niya na naman ang kanyang ulo. Napaupo agad siya sa lupa, nakita iyon ng mga trabahador kaya itinayo nila agad si Vladi.

"Manong! Bring him to his car. Ipupunta ko siya sa hospital" natatarantang sabi ko tsaka binuksan ang passenger sit. Pinaharurot ko ng mabilis ang kanyang sasakyan.

"Vladi! Wake up" nanlalabo ang aking paningin dulot ng luha na bumabara sa aking mga mata.

Pagdating ko sa hospital, wala na siyang malay. Ipinunta naman siya sa hindi ko alam na kwarto rito sa hospital, pinagbawalan ako ng mga nurse na pumasok dahil hindi daw pwede. I called Lola Lena and she said na papunta na raw siya, isinama niya na rin si Shelsie. Pagdating naman nila Lola Lena, ipinaliwanag ko kung anong nangyari, at sinabi kong ganito na naman ang nangyari sa kanya kahapon. Nanahimik nalang sila sabay upo. Nanahimik nalang rin ako tsaka umupo. We stayed there for almost an hour. Umiiyak pa rin ako kaya lumapit sa akin si Shelsie.

"Ate ganda, stop crying. Kuya might see crying, baka sabihin niya pinaiyak kita" sabi ng bata sa akin. Tama siya, I should stop crying. I wiped my own tears. I smiled like nothing happened.

Lumabas ang doctor kung saan ipinasok si Vladi kanina. Lumapit kaming tatlo sa doctor pero si Lola Lena lang ang pinapunta niya sa kanyang opisina upang makapag usap sila. Inilipat na rin si Vladi sa isang kwarto. Nagtungo kami doon ni Shelsie at nakita kong nakahiga si Vladi sa kama na natutulog. Unang lumapit si Shelsie sa kanya.

"Kuya, di ako yung nagpaiyak kay ate ganda. It's you! Umiiyak siya kanina dahil sayo" pagpapaliwanag niya sa kuya niyang walang malay at tulog na tulog sa ngayon. Umupo nalang si Shelsie sa tabing upuan ng kama, lumapit na rin ako doon.

"Vladi, please wake up.." I whispered in the wind, wishing he can hear it.

I don't want to lose him again. Not now.

I'll Never Forget YouWhere stories live. Discover now