Chapter6

0 0 0
                                    

Kabanata6

Her POV

*Flashback*

Foundation Week ng school namin. Abala ang lahat sa mga booths na ipinapatayo nila. May abala sa pagtatayo ng tents. May abala naman kung ano ang maibebenta upang kumita. Every tent ay may natanggap na perang tulong sa puhunan nila galing sa school. Kailangang makabenta ng marami ang mga estudyante. Ibabalik rin ang puhunan na ito ngunit dapat itong magtimes 3 dahil ang perang malilikom ay itutulong ng school sa isang charity ng mga batang ulila na di na nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa paaralan.

Abala rin si Frenny dahil nagpapatayo rin siya ng tent. Magbebenta daw siya ng empanada, siomai, cakes at cupcakes. Marami naman siyang kasama. Isang lalaki at dalawang babae ang nakatoka sa empanada, isang babae naman ang nagbabantay sa siomai at sa cakes and cupcakes naman ay siya na daw mismo ang magbabantay at hinuhingi niya ang tulong ko doon dahil alam niyang mahilig akong magbake. Pumayag naman ako sa gusto niya pero sabi ko magbebake lang ako pero di ako magtitinda, siya rin naman daw kasi bibili ng ingredients. Dahil ang unang araw ng foundation week ay purong paghahanda pa lamang kaya tumulong nalang ako sa kanila.

Nang tumanghali na may lumapit sa akin, isang babaeng mahinhin. May ibinigay siyang isang naka-styro na mukhang lunch ang nasa loob nito at may nakadikit na sticky note dito.

Eat your lunch. Payatot.
-Vladi V.

Kinuha ko iyon at dali-dali ring umalis ang babae. Gusto ko pa sanang tanungin kung nasaan ang nagbigay nito sa kanya upang ihatid sa akin pero nakaalis naman na siya. Nagpunta nalang ako sa loob ng tent at umupo sa isang silya. Lumapit sa akin si Frenny na nagtataka.

"Si Vladi nagbigay" sabi ko habang nagkibit balikat. Parang wala lang kay Frenny iyon at nagpaalam siyang umalis na rin upang magpunta rin sa cafeteria. Hinintay ko na lamang siya at nung nakabalik na siya may dala siyang dalawang bottled water. Binigay niya lang sa akin yung isa at sa kanya yung isa. Kumain na kami at habang kumakain may lumapit sa tent namin.

"Babe ko! Tataba ka naman niyan!" Rinig kong asar ni Troy Delazus kay Frenny. Kilala ko ang taong ito. Siya yung napakakulit na laging nang-aasar kay Frenny. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"Shut up, Troy. Umalis ka dito kung ayaw mong tamaan" banta ni Frenny sa kanya.

"Natamaan na nga ako sayo eh" he chuckled. Natawa nalang ako. "Uy Vladi!" Nagulat ako nung biglang tinawag ni Troy si Vladi. Natatawa ako kay Troy kapag nag aasaran sila ni Frenny pero nanggigigil ako sa kanya kapag tinatawag niya yung bestfriend niya. Naku Troy! Babalatan kita ng buhay!

Lumapit naman si Vladi dito sa amin. Sinusuri kung kumain ba ako. "Thanks for the lunch, Vladi" sabi ko sa kanya sa maliit na boses, sapat lang upang marinig naming apat. Nakakahiya naman kasi kung di ko man lang siya mapasalamatan sa binigay niya.

Nang mag 3pm ay pumunta kami ni Frenny sa mall upang mag grocery ng mga ingredients na gagamitin ko sa paggawa ng cakes and cupcakes. Around 5pm na nang matapos kami sa pamimili. Pinahatid ko nalang sa driver namin ang pinamili at nauna na akong umalis dahil babalik pa daw sa school si Frenny.

Pagkauwi ko naligo lang ako at nagbihis tsaka nagpunta sa kitchen upang gawin ang dapat kong gawin. Ang tagal magbake kaya halos abutin na ako ng 7pm doon sa kitchen. 7:30 na nung matapos ako sa pagbebake. Nagtira ako para kila kuya, mommy and daddy. Kinain namin yun nang magdinner kami and they said na masarap. Kinaumagahan hinatid ako ng driver at sabi kong ako nalang ang magpapasok ng mga nakakarton na pagkain sa loob ng school namin. Patong patong ang mga karton ng cakes and cupcakes na dala ko. Suddenly may naramdaman akong nakatabig sa kamay kong tumatakbong lalaki mula sa likuran ko. Muntikan ng mahulog ang mga dala ko pero may sumalo dito na nasa harapan ko.

I'll Never Forget YouWhere stories live. Discover now