Chapter5

1 0 0
                                    

Kabanata5

Her POV

Namataan ko si Frenny sa loob na umiinom na ng smoothie. I smiled at her. Dati payat lang siya at namumutla ang kulay ng kutis na puti ngayon she grown up! Wearing a red tube dress paired with black pumps nakikita ang hubog ng kanyang dibdib at balakang sa kanyang suot.

"Frenny!" I giggled habang sinasalubong siya ng matinding yakap.

"Di ka pa rin nagbabago. Nakalunok ka pa rin ng megaphone. Lakas ng boses mo" she chuckled. After a moment naghiwalay na kami sa yakap namin. We stared at each other and smiled. How I miss this girl, she's my only bestfriend way back. Lagi ko siyang kasama sa kabutihan man o kasamahan. I admit may ginagawa rin kaming kasamahan ni Frenny noon. Naalala ko pa, may isang babaeng napakataas ang heels ng kanyang black shoes na tinignan kami from head to toe then umirap siya sa amin and she walked away, hindi namin alam kung bakit ganun siya sa amin pero mabilis mainis sa ganung bagay si Frenny kaya we decided na tambangan ang babaeng iyon sa girls restroom, pinatid ko siya sa right at si Frenny naman si left and bullseye! Natapilok ng napakalakas ang babaeng iyon and she kissed the floor of the restroom. Tumawa lang kami ni Frenny na lumabas sa restroom. I missed those times. Sana napahaba pa ang ganung pangyayare na ginawa namin ni Frenny pero simula ng umalis si Vladi after a year umalis na rin kami nila mommy and daddy at nagtungo sa Spain dahil nandun pa noon si Lola.

"What do you want?" I asked her habang umuupo kami.

"Nothing. I'm fine. I just wanna see you. I miss you so much" she said habang sinserong nakatingin sa akin.

"I miss you too. Tara maghanap tayo ng mapapatid sa restroom" sabi ko habang inaalala ang mga nangyare noon. She just laughed at it.

"So, you have boyfriend? Fiancé? Husband?" She asked.

"Ako? Baka ikaw!" Sagot ko. Wow. Ako pa talaga tinanong niya! And again tumawa lang siya. May topak din ang babaeng  ito eh.

We stayed like that talking about the past. Kung ano ang mga kalokohan na ginawa namin noon. How I missed those times when I'm still at peace and naive in many things.

Habang nag-uusap kami tumunog yung wind chimes sa taas ng pintuan, naituon dito ang aking pansin. May pumasok na babae, maputi, maganda, mapupula ang labi dulot ng makapal na red lipstick, straight na straight ang kanyang buhok na mahaba, nakasuot ng dress na black na sexyback. Nakakaintimidate ang kanyang dibdib, nanliliit tuloy yung dibdib ko. Ngunit biglang naagaw ng aking pansin ang sumunod na pumasok, siya na naman! Talagang gusto niya akong inisin lalo. Iniiwasan ko na na eh. Well, di ko naman ginusto na nagkita kami kanina at di ko rin alam kung bakit siya andun sa building namin.

Nagtungo siya kasama yung babaeng coloring book ang mukha sa table na isang mesa lang ang layo sa table namin. At mukhang nang aasar pa siya kasi nakaharap saken yung inuupuan niya so basically magkaharap kami. Papansin rin ang isang 'to eh! Nakakainis ang kagwapuhan niya. Nagtitigan pa kami ng napakatagal. Those brown eyes of him are like daggers to my eyes na kahit anong oras ay tutusok sa akin.

Lumapit ang isang waitress namin sa kanila. Mukhang may gusto pa ang malandi naming waitress kay Vladi. Aba sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya kung ganyan ang aura niya. Hindi sa gusto ko siya ngayon pero ginusto ko lang siya noon. Past tense. Nasa past na at dapat na ring kalimutan. Ako ang unang nagputol ng pagtititigan namin. Kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipagtitigan sa kanya baka bumalik pa ang iniwan at kinalimutan ko ng naramdaman ko pa sa kanya noon.

Tumikhim si Frenny habang tinititignan ako. Sinusuri ang bawat kilos ng mga mata ko at hindi ko namalayang napatingin ako sa gawi nila Vladi. So Frenny look where my eyes looked. Nagulat si Frenny sa nakita niya. Bumalik ng unti-unti ang paningin niya saken.

I'll Never Forget YouWhere stories live. Discover now