Chapter12

0 0 0
                                    

Kabanata12

Her POV

Kumain na kami ng dinner. Lola Lena cooked our dinner. Filipino food style. Ang sarap niya magluto. Pagkatapos kumain, I insisted na ako na ang maghugas ng mga pinagkainan pero sabi ni Lola Lena na, maids nalang daw ang maghuhugas.

"Yena, if you want dito ka na matulog. It's getting late" sabi ni Lola Lena.

"Ah. Sige po" sagot ko.

"Para na rin may mag asikaso kay Vladi. You know him. Ayaw niya ng maids ang mag asikaso sa kanya. Matanda na rin ako para gumising sa kalagitnaan ng gabi para painumin siya ng gamot" mahabang sabi niya sa akin.

"Ahmm. Lola, I don't have any shirts here.." nahihiyang sabi ko kay Lola Lena sa pinalamaliit ma tinig. She just laughed at me.

"Merong mga damit si Vladi. Don't worry" she said in an assuring tone.

"W-wala po akong undergarments..." lumapit na ako kay Lola Lena upang siya lang ang makarinig.

"May nakastock sa kwarto ng mommy niya na pang adults. Sure ako kasya yun sayo. Tara kunin natin" bulong rin ni Lola. Pumunta na nga kami ni Lola sa kwarto ng Mommy ni Vladi habang sila Vladi at Shelsie ay nagtungo naman sa pool side na walang kaalam alam sa gagawin namin ni Lola Lena.

Naglakad kami patungo sa kwarto at nakakuha agad kami ng kailangan namin ni Lola Lena. Inilagay niya ito sa isang paperbag. Nagtungo naman si Lola sa poolside habang ako naman ay nagpunta sa kwarto ni Vladi at doon inilagay ang paperbag. Nagtungo na rin ako sa poolside.

"Lola, dapat sinama mo ako kanina!" matinis na tinig ang narinig ko. Nakita kong nagpapapadyak si Shelsie doon. At mukhang nalaman niyang ipinunta sa hospital kanina ang kuya niya.

"I'm okay Shelsie. Bakit ba gusto mong sumama kanina? Anong gagawin mo doon?" Patanong na sabi ni Vladi sa kanyang kapatid habang ako naman ay umuupo.

"Kuya naman! You know that I want to be a doctor someday. So that I can cure yo--" at bago pa matapos si Shelsie sa kanyang sinasabi tinakpan na ni Vladi at kanyang bibig at pinanlakihan ng mata. Tumango-tango naman ang bata kaya dahan-dahang tinaggal ni Vladi ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ng bata.

"Ano yun?" puno ng kyuryosidad na tanong ko dahil di ko naman alam kung ano talaga yun.

"Nothing. Hayaan mo na yang dalawang 'yan Yena" agaw ng pansin na sabi ni Lola Lena. "Okay, let's have some rest everybody. Yena, matulog ka na sa kwarto ni Vladi para mabantayan mo siya" dagdag pa na sabi nito. Tumango na lamang ako sa kanya sabay lumakad patungo ng kwarto.

I'm so tired and all I want to do is to rest. Sumabay sa aking paglalakad si Shelsie at Vladi.

Inihatid muna ni Vladi si Shelsie sa kanyang kwarto. Nag goodnight na lamang ako sa bata. Nagtungo ako sa kwarto upang makaligo na. Saktong paglabas ko sa washroom nakita kong nakahiga na sa kama si Vladi na nakabihis na ng t-shirt at shorts. Buti nalang at nakakuha ako ng t-shirt niya pero nagmukha naman itong dress kaya natatakpan nito ang short shorts ko. Nakita kong nakabusangot si Vladi habang tinitignan niya ako sa aking suot.

"Kahit na naseseduce ako, may respeto pa rin ako sayo" he said tsaka tumalikod na sa akin. Pinatay ko na ang ilaw. Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi niya tsaka tumabi sa kanya sa kama. I don't deserve to sleep on couch.

"It's already 8pm at ang gamot mo ay every 4hours. So I'll wake you up on 12midnight. Goodnight" sabi ko tsaka humiga na at nagtalukbong ng comforter hanggang bewang. Lamp nalang ang nagsisilbing ilaw dito sa kwarto.

So as expected, nagising ako ng 11:50pm. Tamad akong bumangon tsaka inihanda ang gamot niya. Nagsalin lang ako ng tubig sa baso. Gigisingin ko na sana siya kaso nakita kong nasa balkonahe siya. Doon na lamang ako nagtungo dala ang nakatray na iinumin niyang gamot.

"Inumin mo na yung gamot mo" sabi ko habang inilalapag ang tray sa coffee table. Ininom niya naman ito kaagad ito. Lumapit ako sa kinaroroonan niya kanina. I can feel the cold air on my skin. Niyakap ko ang aking sarili when suddenly someone hugged me from the back. Hinawakan niya ang mga kamay ko tsaka pinunta sa aking tiyan. Ipinatong niya pa ang kanyang baba sa aking kanang balikat. We stayed there for a while.

"Let's go back to the bed" sabi ko habang kumakalas sa kanyang yakap pero mas lumapit pa siya sa akin at mas niyakap ako ng mahigpit.

"Konti pa. Gusto ko lang makasama ka ng ganito kalapit.." malungkot na sabi niya.

"Napakalaki ng kasalanan ko sayo, sa pag iwan ko sayo ng walang dahilan. Napakalaki kong gago dahil iniwan kita. Pagdating namin sa Korea, ikaw lang iniisip ko. Kung ayos ka lang ba, kung kumakain ka pa rin ba sa tamang oras, kung may iba ka na ba. Dahil di ko alam ang gagawin ko kung di ka ayos, kung di ka kumakain at lalong lalo na kung may iba ka na, baka ikamatay ko.." sabi niya sapat lang para marinig ko. Naramdaman kong may tubig na pumatak sa damit ko. Alam kong umiiyak siya. Tumulo na rin ang kanina ko pang pinipigilan na luha. Humikbi ako kaya pinaharap niya ako sa kanya.

"I'm sorry. I'm really sorry darling.." sabi niya at siniil ako sa halik. Napapikit na lamang ako. Kumalas siya at idinikit ang kanyang noo sa aking noo.

"Let's start all over again. Pwede namang ligawan ka araw-araw habang tayo. Please be my girl, and I will be your man and bestfriend.." sabi niya.

"Yes, I will" sabi ko tsaka pumikit at hinalikan siya ng mabilis. Napangiti na lang kami sa isa't isa.

"Yes! Wooh! I love you Yena!" Maligayang hiyaw niya. Niyakap niya ako tsaka binuhat. Napayakap ako sa kanyang batok.

"Hey! Put me down and tone down your voice. Andaming natutulog" sabi ko tsaka natatawa at nalamyang hinahampas siya. Ibinaba niya naman ako. Nagpunta na kami sa kama at natulog.

He hugged me at agad naman akong nakatulog. I slept with the man I'm inlove with.

I'll Never Forget YouWhere stories live. Discover now