Chapter8

0 0 0
                                    

Kabanata8

Her POV

Nagising ako kinaumagahan. Maayos naman na ang aking pakiramdam. Naligo nalang ako at nag ayos. Sinabi ko sa isang maid na pakidalhan nalang ako ng breakfast sa kwarto ko. Ilang saglit lang ay dumating na ang pagkain. Kumain nalang ako tsaka ipinunta sa lababo yung pinagkainan ko. Nakita ko pa si Lola at sinabi kong ayos na ako. Bumalik ako sa kwarto ko. Inilabas ko ang laptop ko at nagsimula ng maghanap ng mapapapasukan na trabaho. Naghanap ako sa internet at nag-email ako sa kanila ng mga requirements na kailangan sa pag-a-apply. Eight companies na pero pito sa kanila di pa ako nagrereply sa akin. Lagi nilang sinasabi na "Sorry but we have plenty of architects"

Nawawalan na ako ng pag-asa.  Maglulunch na naman pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Nagpunta nalang ako sa kitchen para magluto ng lunch. Sabi ng katulong wala daw si Kuya, umalis siya nung umaga pa. Si Lola naman ay nasa garden at pumipitas ng mga bulaklak habang nagseselfie. Natatawa ako habang tinitignan siyang tinataas ang phone niya at nagseselfie. When she saw me she smiled.

"Apo. Halika ka rito, dali!" At agad naman akong dumalo sa kanya sa dahil sa pagtawag niya. Paglapit ko may inipit siyang bulaklak sa kanang tenga ko tsaka sinikop ang buhok ko papuntang kaliwa. "Beautiful lady" she said ng tignan ako. Naglabas naman ako ng isang matamis na ngiti. Naglagay rin si lola ng bulaklak sa kanyang kanang tenga.

"Ayan! Parehas na tayong maganda" natutuwang sabi ni lola.

"Maganda naman tayo lola kahit wala ito" sabi ko nang nakangiti.

"Exactly" sabi ng baritonong boses sa likuran ko.

"Lena, buti nagpunta ka" sabi ni lola sa taong nasa likuran ko.

"Oo naman. Sinama ko pa itong si Vladi" sabi naman ni lola lena.

Humarap ako sa kanila at nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sa akin. Nahihiya ako kaya tumingin ako sa mga paa ko.

"Hi po Ma'am Benita" magalang at pormal na sabi nito kay lola.

"Hi Vladi. Wag mo na akong i-Ma'am, di naman ako guro. Call me Lola Benita or simply just Lola" sabi ni lola.

"Hi Lola" ulit na bati nito at saka humalik sa pisngi ni lola.

"This is my apo, Yena" pagpapakilala sa akin ni Lola.

"Hi Yena" sabi niya tsaka rin lumapit para humalik sa pisngi ko. Pagkalapit niya bumulong siya. "You're so hot especially with a flower on your ears" ang husky ng boses niya. Lumayo na siya sa akin pero ramdam ko pa rin ang init ng pisngi ko.

"Ang ganda niyo namang mag lola, matry nga iyan sa amin ni Shelsie. Good idea, right Vladi?" Sabi ni lola lena.

"Syempre naman loleng" agaran na sagot nito.

"Ituloy na natin ang pagkwekwentuhan sa hapag-kainan" anunsyo ni lola sabay nagtungo kami sa dining room.

Pagdating namin doon kumain agad kami. Patuloy pa rin sa pagkwekwentuhan nila lola.

"Bagay na bagay ang mga apo natin Benita" nabulunan ako sa sinabi ni lola lena. Inabutan agad ako ng tubig ni Vladi na agad ko namang inabot upang inumin.

"Aba syempre! Maganda ang apo ko gwapo ang apo mo maganda at gwapo ang mga magiging bunga" gatong pa ni lola sa sinabi ni lola lena. Umiling iling nalang ako tsaka tinignan si Vladi at nakita kong nakatitig siya sa akin. I glared at him tsaka ako tumingin kila lola.

"Lola balik na po ako sa taas, maghahanap pa kasi ako ng ma-a-apply'an" pagpapaalam ko sa lola ko. Pinayagan naman nila ako. Pagdating ko sa kwarto nakita kong nagreply sa email ko yung isang company kanina. Sabk nito na kailangan ko daw mag appear bukas sa company nila para mainterview ako ng big boss at agad naman ako pumayag.

Kinaumagahan nag ayos na agad ako upang pumunta sa kompanya na nakausap ko kahapon. Sabi nila 8am pero 7:45am palang nasa waiting area na ako. May dumaan pang isang lalaki at babae na mukhang interns dito sa kompanya. Dala ng babae ang mga mabibigat na libro na mukhang galit at naiinis sa lalaki kaya kahit nabibigatan siya sa mga dala niya binibilisan niya pa rin ang paglalakad. Nang matapilok ang babae agad dumalo sa kanya ang lalaki tsaka siya tinulungan. And because of that a memory flashed into my mind.

"Yena sabay tayo umuwi mamaya" anyaya ni Vladi sa akin.

"Lagi naman eh.." sabi ko sa kanya. Patapos na ang lunch kaya bumalik na kami sa rooms namin. Last subject namin ngayong hapon ang PE. Nagpunta kami ni Frenny sa locker room upang makapagbihis. Black shorts na may pink na line sa both sides at t-shirt na may pink na line rin sa both sides ang suot ng mga babae samantalang isang t-shirt at jersey shorts na black at may blue na lines sa both sides ang suot ng mga lalaki. Volleyball daw ang lalaruin namin sabi ng teacher namin na coach rin ng volleyball players. Unang game palang pinasok agad kami sa game ni Frenny. Sa kalagitnaan ng laro nakita namin ang grupo nila Carlo na nakatingin sa amin. May naglalarong ngiti sa kanyang labi habang tinitignan ako tsaka tumingin sa mapuputi kong binti.

"Bend more Yena!"

"Go sexy Yena!"

Cheer ng mga lalaki at may narinig pa akong mga nagcacatcall. Umirap lang ako sa kanila tsaka umayos ng tayo. Tumingin ako sa lugar kung saan wala sina Carlo at namataan kong nakatingin sa akin si Vladi. Nagulat ako na naroon siya at mas nagulat ako ng umiling siya tsaka umalis. May dalaw yata ang lalaking iyon! Pagkatapos naming maglaro may second batch pa pero nagpaalam na kami ni Frenny sa teacher namin na marami pa kaming ihahabol na requitements at pinayagan kami kaya agad kaming nagtungo sa locker room. Di na ako naligo dahil maliligo rin naman ako mamaya sa bahay. Umalis agad si Frenny dahil meron na daw ang kanyang sundo. Buhat ko halos lahat ng libro at portfolios ko sa locker para iuwi.

Namataan ko si Vladi na nakasandal sa pader malapit sa gate, nakaheadset pa at nakapikit, nakajacket pa! Hanep rin ang kagwapuhan ng lalaking ito. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata nakita niya ang nakatingin ako sa kanya, seryoso pa rin siya kaya lumakad nalang ako palapit sa kanya.

"Tara na" kaswal na sabi ko. Umayos siya ng tayo at tsaka sumabay sa aking paglalakad. Ramdam ko ang galit niya pero di ko alam kung bakit. Then suddenly naramdaman ko nalang na inagaw niya yung sling bag ko tsaka ako niyakap sa bewang, inilagay niya yung jacket para matakpan yung legs ko. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko.

"Next time, cover your body. I don't want anyone to see what's mine" husky ang boses niya habang nakayakap pa rin siya sa bewang ko mula sa likuran. We stayed there for a while. Umayos siya ng tayo. Kinuha niya ang mga libro ko. Suot niya ang sling bag ko at hawak niya pa ang mga libro ko sa kaliwang kamay. Mas pumula ang pisngi ko when he held my hand using his right hand. Holding hands while walking!

Nagising ako sa realidad ng mapansin kong mas lumakad na lalaking nakaformal attire at nakashades. May nakasunod sa kanyang babae na mukhang secretary niya. Lumapit naman sa akin iyon at sinabing sumunod ako. Nagpaalam muna ako saglit na secretary na iyon dahil kailangan kong magpunta sa restroom. Nasa 21st floor daw ang pupuntahan ko, yun na ang pinakamataas na floor sa building na ito. Pagkatapos kong mag ayos sa restroom nagtungo ako sa kailangan kong puntahan. Namataan ko ang secretary kanina at itinuro niya ang dalawang naglalakihang pintuan.

Huminga ako ng malalim. This is it!

I'll Never Forget YouWhere stories live. Discover now