Kabanata 14
Her POV
Almost 2days rin kaming nanalagi sa hospital upang bantayan siya. Dumalaw na rin sila Kuya, Mommy, Daddy, and Lola Benita. His Mom and Dad are still doing something about their company in abroad. Nakalabas na rin siya sa hospital after almost 2 days. Nagdala na rin ako ng mga damit ko upang sa bahay muna nila ako tumira para may makasama siya at magbabantay. Sinabi ko na rin kay Kuya Franz na dalawa na kami, sabi niya okay lang daw siya pero kapag sinaktan daw ako ni Vladi bugbog sarado daw ang aabutin niya kay Kuya.
Pag uwi namin sa kanilang bahay, ganoon pa rin. Doon ako natutulog sa kaniyang kwarto, nagigising ako ng 12midnight and 4am para painumin siya ng gamot. Sabay rin kaming nagpupunta sa site pero dumadaan muna kami sa flower shop at binibigyan niya ako ng flowers. Lahat ng flowers na binibigay niya nilalagay ko sa sasakyan ko tutal nasa bahay rin naman nila yung sasakyan ko. Sabay rin kaming nagbrebreakfast sa bahay nila, naglulunch sa isang Filipino restaurant na pinakamalapit sa site. Sinabi niya na rin na tanggap na daw ako maging arkitekto sa kompanya nila pero dapat siya daw ang engineer kapag may na-approve na design ko. Sabay rin kami magdinner pero kadalasan sa bahay nila kami nagdidinner para may kasabay daw kumain sila Lola Lena at Shelsie. One day, hindi kami nagkasabay kumain ng lunch. Sabi niya may imemeet daw siyang investor. Kapag daw wala pa siya before 5pm, may susundo sa akin na driver nila.
Dumidilim na and it's almost 6pm nang dumating ang sundo na sinasabi niya.
"Ma'am sorry po natagalan. Naflat kasi yung gulong kanina, pero maayos na po" hingi ng paumanhid ng driver.
"Okay lang po manong. Tara na po" sabi ko sabay pasok sa sasakyan. Inopen ko ang phone ko at tinignan kung nagtext ba si Vladi pero ni isa wala. So I decided na ako nalang ang magtext.
Me:
Pauwi na ako :)
Nagtext ako pero wala pa rin siyang reply kaya nagkibit balikat na lamang ako. Pagbaba ko sa sasakyan, bigla nalang tumakbo yung driver. Nakita kong wala man lang katao-tao sa loob. At nakita kong sa gilid lang ng pool ang may ilaw. Nagpunta ako doon, unang tapak ko palang nakita kong umilaw na ang mga dinaraanan ko. May petals pa, tinignan ko kung saan papunta ang mga metals at bigla lumiwanag ang paligid. Standing in front of me is Vladi. Nasa likod niya si Lola Lena at Shelsie na nakangiti. Ngumiti ako pabalik sa kanila at tinignan ulit si Vladi na puno ng kyuryosidad. Lumapit siya sa akin tsaka hinawakan ang kanang kamay.
"First of all, I want to say sorry. Sorry sa lahat ng mga maling ginawa ko sayo, sorry kasi lagi lang napupuyat para painumin ako ng gamot, sorry dahil halos ako lagi ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Second, thank you. Thank you sa lahat ng mga ginawa mong sakripisyo sa akin. Now, I'm here to say something important" sabi niya sabay luhod at naglabas ng isang mliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Nagulat ako dahil alam ko sa sarili ko kung anong ginagawa niya. Pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilang makawala, nasundan pa ito. He wiped away my tears.
"Yena, hindi man ako perpekto pero pangako gagawin ko ang lahat para sayo. Hindi man ako tatagal sa mundong ito pero ito ang lagi mong tatandaan na habang nabubuhay pa ako at kung nasa kabilang buhay na ako, mananatili ka pa rin dito.. sa puso ko" sabi niya sabay turo sa kanyang kaliwang dibdib. "I want to give you the world that you deserve. Please, hayaan mong ibigay ko ang nararaapat na mundo para sayo. Be my wife, Yena" sabi niya sabay bukas ng kahon na hinahawakan niya at nakita ko doon ang isang singsing na may isang diamond sa gitna at may tatlo pang maliliit na diamond sa gilid.
"Yes.. I will be your wife" sabi ko na nagpatayo sa kanya habang lumulundag lundag sa tuwa na parang bata. Tumatawa ako na umiiyak.
"Kuya, put on the ring" sabi ni Shelsie at tumawa rin si Lola Lena dahil doon. Isinuot ni Vladi ang singsing sa aking ring finger sa kanang kamay.
"Looks beautiful on your finger, apo" sabi ni Lola Lena habang tinitignan niya ang singsing sa aking kamay. "Kaya para ang aga niyang umuwi kanina at hindi ka niya kasama kasi may sorpresa siya. Tara na, kain na tayo" sabi ni Lola at sabay-sabay naman kaming kumain sa pagkain na nakahanda sa mahabang lamesa dito sa labas. Pero bago pa makaupo si Vladi, natumba na siya at nawalan ng malay.
Kumukulay asul siya at mukha siyang patay, tinapat ko ang aking daliri sa kanyang ilong at wala akong naramdaman na hangin. Isinugod namin siya sa hospital, pagdating doon tinapat ko ulit ang aking daliri sa kanyang ilong at may naramdaman na akong mainit na hangin mula doon. Ipinasok siya sa isang operating room. Nakita kong umiiyak si Lola Lena habang nakaupo dito sa waiting area. Nilapitan ko siya at hinagod ko ang kanyang likod. Si Shelsie naman ay tahimik lang sa sulok.
"Yena, may ipagtatapat ako sayo" sabi ni Lola Lena na may halong lungkot sa kanyang boses. Kaba ang bumalot sa nararamdaman ko. "Vladi suffers from a brain tumor called Craniopharyngiomas" sabi niya at nagpaiyak na lamang ako. Lumabas na rin ang doctor at nag usap sila ni Lola Lena sa opisina ng doctor. Kasama ko rin si Shelsie na pumasok sa kwarto kung saan inilipat si Vladi. After an hour na nakaupo kami sa tabi ng kama niya, nagising na siya. Saktong pagsising niya ay ang paagloob naman ni Lola Lena at ng doctor.
"Loleng, uwi na tayo. Hospital sucks" sabi ni Vladi. Nanahimik lang ako at walang kibo.
"Hi Mr. Vintanier. I'm Doctor Pedago. By the way, kamusta ang nararamdaman mo?" tanong ng Doctor.
"I'm fine doc. Can I go home now?" tanong niya. Umiling lang ang doctor.
"Mr. Vintanier, I know you have history about yo—" bago pa matapos ang sasabihin ng doctor pinutol na siya ni Vladi.
"Doc, just talk to my Lola" sabi niya.
"Alam ko na ang lahat Vladi" sabi ko sa kanya. "Now, I'm his wife, please proceed to what your saying a while ago doc" sabi ko.
"So as I was saying, may sakit ka na noon at sinabi rin nga lola mo na nagpagamot ka na raw noong high school ka pa sa States, pero yung gamot na yun ay matagal ng nag expire sa katawan mo at hindi nito naagapan ang sakit mo. Your case is rare. Craniopharyngioma is not a joke. It is rare, noncancerous tumors start near the brain's pituitary gland, which secretes hormones that control many body functions. As the craniopharyngioma slowly grows, it can affect the pituitary gland and other structures near the brain." Mahabang paliwanag ng doctor, mas naging maliwanag na ngayon ang aking naiisip. Kaya siya umalis noon para magpagamot.
"Please excuse me" sabi ng doctor tsaka umalis.
"It's all clear. Umalis noon si Vladi dahil gusto niyang mawala agad ang kanyang sakit dahil sabi niya gusting gusto ka niya at dapat pagbalik niya raw dito sa Pinas ay mapapakasalanan ka niya na wala na siyang sakit, pero mukhang lumala ang kanyang sakit" sabi sa akin ni Lola Lena. Nawalan na ako ng luha sa aking mga mata kaya natulala nalang ako.
"That's why I like to be a doctor someday, ate ganda. So I can cure Kuya's sickness" sabi ni Shelsie at tsaka tumulo ang kanyang mga luha. Tahimik pa rin ako habang tulala.
"I-I don't know what to say." Sabi ko na may basag na boses. Umalis ako sa hospital at nakita kong lumalakad palapit si Kuya Franz sa akin. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap niya ako. Doon na bumuhos ang mga luha ko.
"Kuya.. Kuya iiwan niya rin pala ako" sabi ko habang umiiyak
"What do you mean?" he asked
"May sakit siya, may brain tumor siya. Sooner or later it's over, iiwan niya ako" sabi ko
"Asawa ko na siya, ikakasal na kami. Nagpropose na siya kanina lang" anunsyo ko sa kanya sabay pakita ng singsing sa aking daliri.
"Matutuloy ang kasal" matigas na sabi ni Kuya Franz.
YOU ARE READING
I'll Never Forget You
Teen FictionI hate him. I loved him. Now I hate him again. Will history repeats itself?