Kabanata11
Her POV
Pagdating ko sa hospital nilagay siya sa stretcher at itinakbo sa loob. Ewan ko kung saan pero nakasunod ako at tumutulong sa pagtakbo sa kanya.
"Vladi. Please wake up!" Humahagulgol na ako. Di ako sanay na nakahiga siya diyan at walang malay. Gusto ko na rin tuloy mawalan ng malay dito.
Di na ako mapakali. Tinawagan ko nalang si Kuya at sinabing isinugod ko si Vladi dito sa hospital. Dumating agad si kuya.
"Kuya.. hindi ko alam kung bakit. Hinahawakan niya ang kanyang ulo kanina na parang ang sakit nito tapos nawalan na siya ng malay. Kuya I can't lose him" umiiyak sa sumbong ko sa kuya ko. He just hug me tight at mas lalong lumakas ang buhos ng mga luha ko. Ganitong ganito ako nang umalis siya noon.
"Kuya di ko na kaya..."sumbong ko sa kuya ko habang umiiyak ako.
"Kayanin mo. Dahil hindi lahat ng nagmamahal masaya. Kaakibat ng salitang mahal ang sakit kaya kapag nasasaktan ka dahil sa isang tao ibig sabihin mahal mo siya.." sabi sa akin ni kuya. Niyakap lang niya ako habang pinapatahan ako sa pag iyak.
Lumabas ang doctor. Lumapit agad ako sa kanya.
"Doc, kamusta po siya?" Inosenteng tanong ko.
"May I talk to his parents?" Sabi naman sa akin ng doctor.
"Sorry Miss. Kasi parents muna dapat ang makausap ko bago ang asawa" sabi ng Doctor.
"Di niya naman ako asawa. At yung parents niya po papunta palang" at saktong pakasabi ko nun ay siyang pagdating ni Lola Lena. She hugged me first bago harapin ang doctor.
"I'm the grandmother of the patient. His parents are currently in abroad. You can talk to me instead" may accent ang english ni Lola Lena. Nagpunta naman sila Lola Lena at ang Doctor sa medyo malayong sa amin upang makapag usap. Nailipat na rin naman sa ibang kwarto si Vladi.
Pumasok ako sa kwarto niya. Nakahiga sa puting kama habang may nakakabit sa kanyang dextrose at may mask pa siya. Lumakas ang hagulgol ko pero tinakpan ko nalang ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ano mang ingay. Lumapit ako sa kama niya. Pinasadahan ko ng palad ang kanyang buhok.
"Please wake up.." sabi ko sabay patong ng ulo ko kama niya at inilagay ang kanyang kamay sa aking pisngi. Ang lamig ng kamay niya sa aking pisngi. Nakatulog na rin akong umiiyak.
Nagising ako na may humahaplos sa aking pisngi. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita kong gising na siya at bihis na bihis na rin. Napatayo ako ng di oras. Gulat sa kanyang sinusuot. Ang pagkakaalam ko dapat nakadamit siya na pang pasyente, pero sa nakikita ko ngayon parang model ng kagwapuhan.
"Bakit bihis na bihis ka? Are you okay? May masakit ba? Ano? Magsalita ka naman" nag aalalang sabi ko pero nag ngising aso lang siya tsaka lumapit sa akin. Sa bawat hakbang niya palapit ay humahakbang rin ako patalikod pero lahat may hangganan at napasandal na lamang ako sa malamig na pader sa likuran ko.
"Oo may masakit. Sa akin, dito oh" sabay turo niya sa kaliwang dibdib niya kung saan naroon ang kanyang puso.
"Dami mong alam" sabi ko sabay tulak sa kanya pero di man lang siya natinag sa pagtulak ko. Ang lakas rin ng lalaking ito.
"May masakit talaga.." sabi niya tsaka nakita ko ulit siyang yumuko at namimilipit sa sakit na nararamdaman niya.
"Saan? Vladi! Saan ang masakit?" Hinawakan ko kagaad ang kanyang magkabilang braso upang suruin kung ano ba ang masakit sa kanya pero bigla siyang tumingi sa akin at may naglalaro ulit na ngiti sa kanyang labi.
YOU ARE READING
I'll Never Forget You
Teen FictionI hate him. I loved him. Now I hate him again. Will history repeats itself?