Warning!
Please be aware of grammatical errors. Thank you! Happy Reading.......................................................
Patakbo ako'ng pumasok sa First subject ko. Dahan dahan ko'ng binuksan ang pintuan. As i expected, the prof. is finally here.
Nagsitinginan naman sila saakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay."Ms. Lee, why are you late?" tanong naman nung prof. namin.
"Traffic." walang emosyon kong saad. Tumango naman ito at bahagiyang ngumiti.
"Ok, you may now take your sit," mahinahong saad naman nito. Tumango nalang ako at naglakad patungo sa aking upuan.
Wala naman ng sumubok na umupo sa tabi ko dahil sa hindi naman talaga sila welcome umupo sa katabi ko. Sumandal nalang ako sa bintana at natulog. Takot silang lahat na umepal saakin lalo na 'pag natutulog ako.
Justine's POV
Bored kung tiningnan ang unang klaseng papasukan ko. Tsk!
Ba't ba kasi ako pinauwi dito. Binuksan ko na lang ang pintuan at pumasok.
"OMG! It's real, dito na nga talaga siya mag-aaral. Ang swerte natin kaklase pa natin siya sa subject na 'to!" Malakas na saad ng isa sakanila. Gusto ko sanang sungitan ito pero never mind. Bahagiya nalang akong ngumiti.
"And who are you?" Tanong naman ng prof siguro?
"I'm the exchange student from Korea," i simply said. Tumango naman ang siya.
"Ok then, come here and kindly introduce yourself." She said. Naglakad naman ako papunta sa unahan.
"Good morning! Justine Clark Kim." I casually said. Nagsigawan naman ang mga kababaihan. Ang iingay, tsk. Uupo na sana ako sa katabi ng isang babae. Pero agad akong lumayo.
Napatingin naman ako sa isang babae na nasa likuran at natutulog. How rude of her. I think i know her? Wait! Is she the one who shouted at me a while ago? What a coincidence huh! Siya yung babaeng muntik ko ng mabangga ang sasakiyan dahil sa pagmamadali ko.
Bigla naman itong nagising.
"Ba't ang ingay?! Nasa sabungan ba kayo hah! College students ba kayo o ano? Para kayo'ng mga elementary kung makasigaw." Inis nitong saad. Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi niya. Kinatatakutan ba siya dito?
Ang sungit niya. Pero maganda parin naman siya. Oo na! Na love at first sight ako sakanya. Hindi ko namalayan na nasa harapan kona pala siya. Nagtitigan lang kami.
Ang ganda niya talaga kapag seryoso.
"Are you stupid or what?! Don't you see that your blocking the way." masungit nitong saad. Agad naman siyang napabalik sa katotohanan.
Nginisihan ko naman siya.
Pero binangga niya naman ako at wrong move siya dahil muntikan na itong matumba, kaya agad ko'ng hinagkan ang kaniyang bewang upang hindi siya matumba ng tuluyan. Baka mas lalo sakaniyang magalit ang isang 'to.Ang ganda niya naman. Mukha siyang inosente pero mahahalata mo sa mga mata niya ang galit at lungkot. Tinulak niya naman ako at masamang tinitigan.
"Hindi ka ba magpa pasalamat?" I asked. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"No, sino ka para pasalamatan ko." masungit niyang saad. And she walked away from him.Napangiti naman ako habang nakatingin sakaniya. Hindi kita titigilan.
----------------------------
TY:)