Warning!
Please be aware of grammatical errors. Thank you and happy reading!__________________________________
Zabrina's POV
Nakarating na'rin ako sa Manila. Pinasundo ako ng private hellicopter ni Kuya sa resort.
Nang makarating ako sa hospital ay agad ko'ng tinanong ang front desk.
"Where's the patient named Samantha Lee?" i asked. Tiningnan naman nito sa computer.
"She's currently in the emergency room. Diretsuhin niyo lang po at makikita niyo nalang ang emergency room," mahinahong saad ng nurse. Tumango ako at nag pasalamat.
Nakita ko naman sila Kuya na nakayuko sa labas at si Mommy naman ay umiiyak at patuloy na pinapatahan ni Daddy. Lumapit ako."M-Mom," nanghihina ko'ng saad. Lumingon naman si Mommy at niyakap ako.
"Z-Zab ang kapatid mo," humahagulgol na saad ni Mom.
Hindi ako umiyak. Alam ko'ng kakayanin ng kapatid ko.Biglang lumabas ang doctor.
"Bago namin umpisahan ang operasyon. Gusto'ng humiling ng pasyente na kung pwede ay makausap niya ang nagngangalang Ate Zabrina," the doctor said. Agad naman akong binitawan ni Mom.
Isinuot ko ang isang cover sa katawan at cover sa ulo. Nag-mask narin ako.
Pumasok na ako at bahagiyang nanghina sa nakikita ko. Kitang kita sa mukha niya ang panghihina at ang sakit na nararamdaman."A-Ate?" nanghihina niyang saad. Hindi ko'na napigilang umiyak.
"Nandito na si Ate," i smiled at her kahit gusto ko ng humagulgol sa sakit ng nakikita ko ngayon.
"A-Ate, sobrang sakit." Nanghihina niyang saad.
"You can do it Princess. Please fight for us! Malakas ka diba!" pagchi cheer ko naman sakanya.
"Yes ate. Lalaban ako," nanghihina niyang saad. Tumango naman ako at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Ma'am sasamahan ko na po kayo palabas," the nurse said. Sinulyapan ko muna si Sam at ngumiti.
"I love you, you can do it princess!" Nakangiti ko'ng saad at lumabas na ng tuluyan.
Hindi ko pinansin sila Mom at Dad naglakad nalang ako patungo sa chapel ng Hospital. Alam ko'ng makapal ang mukha ko na pumunta pa rito kahit sobrang makasalanan ko.
Lumuhod ako sa isang tabi.
"I know i've been a bad person, but please save my sister. She deserves to live more than i do. She deserves to enjoy her life."
Mahinahon ko'ng pagdadasal habang umiiyak. Hindi na ako nagtagal at bumalik na muli sa emergency room at naupo sa isang tabi.Niyakap ako ni kuya at wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
3 hours na kaming naghihintay at hanggang ngayon ay patuloy pa'rin sila sa pagooperate.
Napalingon naman kami ng lumabas na ang doctor. Tumayo ako at lumapit.
"Naging maayos naman ang operasyon pero hindi namin alam ko'ng hanggang kailan magigising ang anak niyo. Maybe, it will take months or worse ay baka years. I'm so sorry," mahinahong saad ng doctor. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin. I'll wait for her.
Naglakad ako palabas ng hospital at napasinghap. Galit ko'ng tiningnan ang paligid. Humanda kayo!
Hahanapin ko ang gumawa nito sayo! Ipaparanas ko 'rin sakanila ang naranasan mo'ng sakit ngayon.
____________________________________
TY