Sandara (2ne1) as Avril Jane Chen.
Warning!
Please be aware of grammatical errors. Thank you and happy reading!____________________________________
Zabrina's POV
"Ouch!" napadaing naman ako dahil sa sakit ng ulo ko.
"Buti naman at gising ka na iha! Inomin mo ito ng mawala 'yang sakit ng ulo mo." Saad naman ni Nanay. Bahagiya ako'ng tumango at kinuha ang gamot na ibinigay niya saakin at ininom.
"Inimpake na'rin kita ng mga gagamitin mo para sa team building niyo. Buti nalang at may mabuting nag-uwi sayo dito at sinabihan ako patungkol sa team building niyo," mahinahon nitong saad. Napakunot naman ang aking noo sa narinig ko. May naghatid saakin? Ba't wala ako'ng maalala.
"Sino po'ba?" Tanong ko naman.
"Hindi ko natanong ang pangalan pero pogi siya, Zab. Bagay kayo, pinaalalahanan niya ako sa mga gagawin ko sayo. Napakabuting bata," mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nanay.
Never mind. Tumayo na ako at dali daling pumasok sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng Sweater at black pants partnered with my usual shoes.
"Ihahatid ka 'raw ni Austin," mahinahong saad ni Nanay.
"Ok," kinuha ko na ang maleta ko at bumaba na sa sala.
"Ikaw hah! Akala ko may aasikasuhin ka lang. Ba't ka umuwi ng lasing!"sermon naman ni Kuya. Napairap naman ako sakaniya.
"Malaki na ako Kuya. Halika na at malilate na ako. Para ka'ng babae." Nauna na ako sa kotse niya at agad na inilagay ang maleta sa passenger seat. Naupo na'rin ako sa katabi niya at naglagay ng earphones.Tahimik nalang na nag-drive si Kuya. Buti naman.
Nakarating na'rin kami sa airport. Andoon na lahat at ako nalang ang hinihintay. Napairap naman ako dahil nagtitinginan sila saakin.
"So kompleto na tayo. Nandiyan na ang eroplanong maghahatid saatin."sabi naman ni prof.
Sumunod nalang ako.
Bahagiya ako'ng natigilan ng may kumuha sa maleta ko.Si Asungot lang pala.
Inirapan ko naman siya at pilit na binabawi ang aking maleta.
"Ako na kasi! 'Wag ka'ng makulit."mariin niyang saad. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Fine! 'Edi siya na. Kaasar siya.
Hindi naman nagtagal ang byahe sa himpapawid at nakarating na kami sa Palawan.
Sinundan nalang din namin ang prof. namin. Nakarating na kami sa departure area at hinihintay nalang ang mga bagahe. Nakita ko naman kaagad ang maleta ko. Kukunin ko na sana iyon ng biglang may ibang kamay na kumuha nito.
May feeling ako na si asungot nanaman 'to.Tiningnan ko naman siya ulit at tinaasan ng kilay.
"Kaya ko namang buhatin at dalhin 'yan. Hindi naman ako baldadong tao." Mataray ko'ng saad. Hindi naman ito nakinig at kinuha niya pa'rin ang maleta ko.
"I dont care, 'Wag ka ng makulit. i'm your partner and you're my priority, ok!" Hindi ko nalang siya pinansin at nauna ng maglakad. Bahala siya sa buhay niya!
Nakita ko naman ang bus na susundo saamin kaya nauna na ako'ng pumasok."Bad mood ka 'ata sis?" pang- aasar naman saakin ni Samira.
"Tsssk." Kung hindi ko lang siya kaibigan ay kanina ko pa nabangasan 'yang pagmumukha niya. Kaasar!
Tumabi na saakin si Asungot at hindi ko nalang siya pinansin.
Isinalpak ko na ang earphones ko sa tenga ko at nakinig nalang. Pero inalis niya ang isa sa tenga ko at isinalpak niya sa tenga niya. Ang kapal niya!Ngumiti naman siya ng marinig ko'ng ano ang pinakikinggan ko.
"Directioner huh?" He asked. Hindi ko siya pinansin at nakinig nalang sa kanta.
Nagpiplay ang kanta'ng 18 ng One direction. My favorite. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Justine's POV
Napasulyap naman ako kay Zab na ngayon ay hindi komportableng nakasandig ang ulo sa bintana. Dahan dahan ko'ng inilagay ang ulo niya sa balikat ko. Pinagmasdan ko naman ang maganda niya'ng mukha. I love you!
Avril's POV
I hate you, Zabrina!
Dapat kasi ako ang kapartner ni Justine at hindi ikaw! You pulled some strings!
Humanda ka saakin.
Faith's POV
Yieee ang sweet nila'ng dalawa. Sigurado'ng matutuwa si Mommy.
I stole a shot of Kuya and Zab.Tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan ang larawan ng dalawa.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" nakakunot noong tanong ni Tristan.
Liningon ko naman siya at kaagad na ipinakita ang larawan ng dalawa.Napangiti naman siya sa nakita.
"Bagay na bagay talaga sila. Inggit ka? You can also lean your head on my shoulder. It's always free when it comes to you." And he winked at me. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Tse! Umayos ka'nga. Ayoko, hindi kita gusto para isandal ko ang napaka ganda ko'ng ulo sa balikat mo. Saktan kita diyan eh!" Galit ko'ng saad. Tumawa nalang ito at umiling-iling.
Ang cute naman nilang dalawa. Pero alam ko'ng magbabago ang tingin ni Kuya kay Zab kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ni Zabrina.
'Yon ang kinakatakutan ko ang lumayo siya kay Zabrina. Nahahalata ko'na 'rin na nahuhulog na ang loob ni Zab sakaniya. Huwag naman sana'ng malaman ni Kuya.__________________________________
TY