Chapter 3

3 0 0
                                    


J and his sweetest fan 💗

Inaasar ako ng mga tropa ko sa groupchat dahil sa screenshot ng post na yun.

Bakasyon kasi namin ngayon kaya sa GC lang kami nagkakausap-usap.

"May bago ba silang tour?" Tanong ko sa nagtotoothbrush kong kapatid. Umiling siya habang sumasagot,"Ewhankho." Hindi ko masyadong maintindihan yun, I guess wala pa dahil nga umiling siya.

Naghahanda na kami para sa pag-uwi. Kulang pa ko sa tulog dahil iniisip ko lahat ng nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko nananaginip lang ako.

"Ate, bukas na ata tayo bumyahe. Tinatamad ako e." Nagpupunas siya ng bibig nang sinabi niya yun.

"Nakabihis na tayo, ngayon ka pa tatamarin?"

"Ayokong umuwi, uutusan lang ako sa bahay." Ngumuso siya tsaka pumunta sa sala. Sinundan ko lang siya. Nahiga siya sa sofa tsaka swinitch yung tv. "Utusan naman kita e. Ganun lang din yun." Sermon ko sa kanya. Hindi naman kami nagmamadali, baka lang nag-aalala yung mga Lolo at Lola namin.

"Sige na. Bakit kasi dalawang araw lang ang ipinaalam mo? Pwede naman tayong dumito muna kahit isang buwan! May ipon tayo."

"OA mo. Di mo ba nami-miss sina Trisha?" Tukoy ko dun sa mga barkada niya.

"Hindi. Mas gusto kong mahiga at manood ng anime o cartoons." Nilipat niya yung channel sa nickelodeon. Bumuntong hininga ako at nakinood na lang din ng Spongebob.

Kaya ba namin? Pumunta ako sa kwarto kung asan ang gamit namin. Sa totoo lang higit pa sa damit na pang-isang linggo ang dala ko dahil minsan hindi ako nakukuntento sa suot ko, kumbaga para may iba pa kong pagpipilian. Nagpalit ako ng pambahay.

"Bahala kang mabored diyan. Ikaw magpaalam kina Lola!" Iniripan niya ko kahit di siya tumitingin sakin. Inabot niya ang phone niya tsaka nag-type. Tss. Spoiled.

Ngayon, ano na?

Lumabas ako at pumuntang terrace, magbabasa lang sana ako ng isang novel book, Sophie Kinsella, nang napansin ko ang isang kotse na nakapark sa tapat mismo ng bahay ni Lola.

Isinawalang bahala ko na lang yun tsaka naupo sa rocking chair, at nagsimulang magbasa.

"ATE! NAGUGUTOM AKO!"

Tss. Eto na nga bang sinasabi ko e. "Bahala kang mamatay sa gutom diyan!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Normal lang samin ang magsigawan dahil nasanay na ata kami na puro bingi ang kasama sa bahay, kaya pasigaw halos lahat ng sinasabi namin.

Magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa pagkatapos umirap sa kawalan nang nakarinig ako ng mahinang tawa.

Fck.

May multo ata dito sa bahay ni Lola!

The chuckle remained. Parang hindi mapigilan. It came from a boy's voice. Oh my God.

Lord, hindi pa naman po patay ang Lolo namin, bakit may nagmumulto na? I wish for my grandfather's long life. Please--

"Hihihi."

Luhhhh! Shet. Fuck.

Nagsign of the cross ako. "Our father who arth in heaven--"

Hindi ko matuloy tuloy yung prayer ko dahil mas lalong lumakas ang tawa. Pinikit ko ng mariin ang mata ko at mas hinigpitan ang pagsiklop sa mga kamay ko. Mas lalo bang natritrigger ang bad spirit kapag magdadasal ka?

Scenes from horror movies flashed through my mind. Si Valak, yung bida sa The Grudge, Rings at iba pa! Swear! Di na ko manonood ng horror! Naloloka ako ngayon.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon