Chapter 20

5 0 0
                                    

"Asan na tayo?" Halos magtakip ako ng bibig, baka mabaho pa yung hininga ko. Sht.

Panaginip lang pala.

Pagtingin ko sa labas ay puro palayan lang sa kanan, sa kaliwa naman ay ganun din pero bulubundukin ang hangganan ng natanaw ko.

"Almost there? I think..." Simpleng sagot niya. "Pasensya na nakatulog ako." It wasn't good for me though, to experience dreams like that, it only makes me feel worst. Alam ko kasi na hanggang panaginip lang yun, kaya kahit hindi dapat, nasasaktan pa rin ako.

"It's okay. My phone is dead. So I was focused on not losing their track, I'm occupied."

Hindi na ko nagsalita pagkasabi niya nun. Dalawang oras pa ang lumipas bago kami makarating sa Bolinao beach, di ko yun namalayan dahil sa ganda ng tanawin na pinapanood ko sa byahe. May parte na kita na ang dagat mula sa highway, meron ding pa-akyat parang daan sa Bagiuo. Unang beses kong magawi dito kaya tinandaan ko lahat ng nadadaanan namin.

Lumiliwanag na ang paligid kaya nagmadali kaming lahat magset-up. Inayusan ko si J, at gaya ng bilin ni Miss Zara, wag daw akong gagawa ng utos ng iba, pero nakakahiya pa din kaya kapag may nangangailangan ng tulong kaya ginagawa ko na lang, tutal ayoko namang tumunganga lang sa isang sulok habang ang lahat ay abala.

Habang nasa shoot sila ay sinulit ko ang oras sa panonood ng pagsikat ng araw. Kumuha ako ng picture neto, pati na rin ang mga kasamahan ko kinuhanan ko ng stolen shots.

Nang natapos sila ay nagkayayaan nang mag-almusal. Sinamantala ko naman ang minutong yun dahil si J ay pumwesto sa di kalayuan para panoorin din ang araw. Kinuhanan ko rin siya ng litrato.

"Hey! Kain na tayo." Napagawi ang tingin ko sa papalapit na si Tony. "Andito ka din pala." Malaki ang ngiting sinalubong niya sa akin, sinuklian ko ito. "Andun sila sa pangatlong cottage, tara dun." Aya niya.

"Tawagin ko lang saglit si J."

"Tinawag na namin yan, hayaan mo muna siya dun." He smirked then started to grab me gently on the way to their team.

"Mark! Usog ka dun." Pagdating namin ay binigyan kami agad ng pagkain. Nagpasalamat naman ako. "Si Kim nga pala." Pakilala sakin ni Tony kay Mark at sa iba pa. Mark is also a semi-finalist, just like Tony. Wala akong ideya na kasama sila dito.

It was actually fun with their team, asaran at showbiz intriga ang pinag-uusapan. Not long enough, dumating na din si J, he started eating looking pissed of something, hindi na lang namin yun pinansin.

"Napanood ko pala yung interview mo, inlove ka ata ah." Biro ko sa katabi. Tapos na kong kumain at nagkakape na lang. Tony chuckled and stared at me for a second.

"Well, yeah." Tony turned into me then sipped at his cup of coffee. He gazed upon the sun that's slowly heading up. The cold breeze from the sea started to feel warm. Warm as the welcoming of their team for me.

"The next time na makipagfast-talk ka, you can answer finally that you're not a virgin!" Mark whispered, at dahil napagitnaan nila ako ay narinig kong mabuti bawat salita niya. Tony only cursed at him for that.

After all the laughs and stories we shared, by nine a.m. they started to shoot again. This time the actors and hosts did some activities. Some tourists arrived, and it was a good thing na hindi sila nandumog. Before the news spread at dumami pa ang taong nakikiusyoso ay nagpa-wrap up na sila.

They said we're heading to a known spot in this province, Hundred Islands.

Masyado akong na-excite lalo na nang sabihing mag-oovernight kami sa isang isla.

Buti na lang may dala akong board shorts at swimsuit. Sana magyaya silang mag-swimming.

More than two hours ang byahe, papunta sa dalampasigan, sinabi ng manager na kasama namin na manananghalian muna bago dumiretso sa isla.

Sa isang seafood restaurant kami nagpunta, this time, hindi na ako lumayo sa tabi ni J, nakakunot-noo siya buong byahe, ngayon ay wala siyang ekspresyong pinapakita. Geez. Does he hate beaches?

Malaki ang napuntahan naming restaurant, sa dami namin ay sa dalawang long tables kami nagkasya. Gaya kanina ay masaya ang naging kwentuhan, exception ang katabi kong tahimik lang na nagbabalat ng sugpo ng sinigang.

Hinati ko naman ang alimago na ibinigay sa akin at inalok yun kay J, walang imik niya rin itong kinuha. Pinanood ko lang siyang matapos sa pagbabalat ng sugpo habang kumakain ako, nang natapos siya sa sugpo ay tinitigan niya lang yung kalahating alimango.

Ayaw niya ba nun?

Pinutol niya yung isang claw mula sa katawan ng alimango tsaka sinubukang kagatin.

Pinigilan ko ang tawa ko, nang hindi niya ito makagat ay tinignan niyang muli tsaka sinubukan ulit na kagatin. Ngising ngisi na ako sa inaakto niya.

Hindi ata siya marunong kumain nun.

Nagsimula na lang ako ng dahan-dahan sa pagbubukas ng alimango, nang nakuha ko ang atensyon niya ay nagpigil akong lingunin siya.

Hanggang sa matapos ako ay sinasabayan lang ako ni J, sinimulan kong isawsaw ang puting karne nito sa toyo na may calamansi at sili, inihalo ko naman sa kanin ang aligue nito, tsaka nilantakan.

Habang ngumunguya at nilalasap ang sarap ng alimango ay biglang inilapag ni J ang isa sa sugpo na binabalatan niya kanina sa plato ko. Hindi ko na napigilang lingunin siya at sa wakas ay nasilayan ko ulit siyang ngumiti.

Mula sa bangka, hanggang sa pagdaong namin, pati sa set, ay hindi ko pinatawad, naka-antabay lang ako sa kanya at nakatutok.

Sa hindi malaman na dahilan ay gumanda na ulit ang mood niya. Nakakausap ko na rin siya pa-minsan.

"Okay guys!" Yung manager na nakakwentuhan ko kagabi ang nagle-lead sa amin, siya din ata ang producer ng show na to, pumalakpak siya para kunin ang atensyon naming lahat. Sa ngayon ay nasa bangka kami sa gitna ng dagat, may floating gazebo kung asaan ang hosts, mga artista, staffs at cameraman.

"I would like to congratulate our guests for a doing job well done!" Nagpalakpakan kami habang pinupuri ng ilan ang kasamang mga artista. "All thanks to them, mabilis tayong natapos, syempre pati na rin sa inyong lahat. That's why, the remaining hours until eight p.m. ay wala tayong ibang gagawin kundi ang magliwaliw! Let's take a break people!"

Naghiyawan naman kaming lahat. Ang ilan ay agad na tumalon mula sa bangka tsaka lumusong sa dagat, lahat kami ay naka-life vest, ang sabi sa amin ng mga bangkero na nagsilbi na ring tour guide ay may malalaking clams sa ilalim ng kinaroroonan namin.

Ang gazebo ay may lubid na ratan, lumulutang ito at nakadugtong ang dulo ng lubid sa kalapit na isla. Iyon daw ay magsisilbing kapitan ng mga kagaya kong hindi marunong lumangoy.

May kanya-kanya kaming snorkle, inaya ako ng kasamahang lumusong na. Ang iba ay nagtungo muna sa gazebo, ganun din ang ginawa ko. Pagkadating doon ay panay ang selfie at pagkuha nila ng picture. Nakikisali naman ako. Bakas sa mga ngiti nilang lahat na natuwa talaga sila at may oras kami para rito.

"Kim! Selfie tayo." Wala na kong nagawa kundi ngumiti sa cellphone ni Tony, tumingala ako dahil hamak na matangkad siya. "Sama ako, bro." Pinagitnaan ulit ako nina Mark, "Ikaw maghawak." Tinawanan ako ni Tony dahil nahihirapan daw akong mag-selfie sa liit ko nga daw. Umabante ako para makuhanan silang maayos na asa likuran ko na.

Hanggang sa may makisali, nang may makisali, at naging group picture ulit iyon.

Pagkatapos nun ay nakita ko namang nakatitig lang sakin si J, buong buo ang ngiti kong nilapitan siya. "Kuhanan kita ng picture?" Alok ko. Tinanguan niya naman ako tsaka inabot niya ang phone niya. Ilang pose ang ginawa niya, hinanapan ko yun ng magagandang anggulo na kita ang nakatirik na araw at ang view ng asul na dagat.

"Dalawa naman tayo." Umupo siya sa dulo ng gazebo, inisip ko kung paano kami magse-selfie, ng ganun ang pwesto niya, no choice ako kundi umupo na din sa tabi niya. Medyo umaalog ang gazebo sa dami namin kaya nahirapan akong pumwesto.

Nang nakatabi na ay lumapit siya sa akin, kumuha ako ng ilang picture, at nang nagwa-wacky pose na siya ay gumaya na din ako. Natatawa kami habang kumukuha ng mga litrato.

May bigla siyang tinawag at pinakiusapang kuhanan kami, sumunod naman yung tinawag ni J.

Makapigil hininga na naman ang sumunod na nangyari, inakbayan niya ko tsaka inilapit ang mukha sa gilid niya.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon