Chapter 8

3 0 0
                                    

"Sino ba yang katext mo? Sabihin mo dyan kumakain ka, makakapaghintay naman yan." Bakas ang pagkainis sa mukha ni Lola kay Kath habang kumukuha siya ng kanin. Ganto lagi ang eksena sa hapag, napapagsabihan ang kapatid ko dahil lagi niyang hawak ang phone niya, sinabihan pa nga siya na ikadena na lang daw sa kamay niya yun e.

"May boypren na ba yang kapatid mo, Kim?" Tanong sakin ni Lolo kahit asa harap lang naman nila si Kath. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng baboy na papansin, "Wala PA po." Tsaka siya humagikgik.

Ang cute cute talaga niyang kiligin, sarap buhusan ng sabaw ng bulalo. Ang lalim kasi ng boses tapos hahagikgik. Gosh.

"Eh kung ipakasal na kaya kita kay Buknoy at wag ka nang mag-aral, noh?" Pabalang na biro ni Lola. Napanguso na lang yung baboy tsaka tinuloy ang pag kain. Kababata namin si Buknoy, mukha nga lang monggoloid at napaka-epal kaya kilala siya dito.

Ako naman ang binalingan ni Lola. "Siguraduhin mong mag-aaral ka sa Maynila ha. Pag ikaw umuwi ng may pakwan sa tyan, nakooo, ibelleng ko amin ata gamgamit mo. (Itatapon ko lahat ng gamit mo.)"

"Wen, ag adal ak nga nalaeng. (Opo, mag-aaral akong mabuti.)" Sagot ko naman.

Nasabi ko na sa kanila ang pagtatransfer ko, itinago ko na ang kapalit nun ay ang pagtatrabaho para sa isang banda dahil ayaw na ayaw nilang may distraction kami sa pag-aaral. Hindi naman kami naghihirap, pero hindi din kami ganun kayaman. Kaya wala daw rason para bumagsak kami.

Ang sinabi ko na lang ay may nakuha akong scholarship dahil sa isang raffle. Naniwala naman sila.

Natapos kaming kumain na puno na naman ng kwento ng matatanda at mga birong hindi ko alam kung biro pa ba, lagi kasing nauuwi sa pangangaral.

Inisa-isa kong tignan ang mga bagahe ko sa kwarto, isang travelling bag at luggage, iniisip kong mabuti kung nakaayos na ba ang lahat ng kakailanganin ko, pati mga dokumento at ilang librong kailangan sa kurso ko.

"Hoy." Bumukas ang pinto ng kwarto ko at nasilayan ko ang kapatid kong bihis na bihis. "Samahan mo ko dali."

"Hindi pa ko naliligo." Sagot ko habang sinasarado ang zipper ng luggage.

"So, sino maga-adjust?" Inirapan niya ko tsaka umalis. Napa-ismid ako sa katarayan niya. Naligo na lang ako kesa makipagtalo pa sa magaling na kapatid ko. Kung makapag-utos parang siya ang mas matanda.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero pinili ko na lang na mag-long sleeves, maong shorts at converse. Nagsuot ako ng contact lens dahil naiinitan ako sa frame ng salamin ko, laging namamawis ang gilid ng mata ko dahil dun.

Kinuha ko ang helmet ko tsaka pinuntahan si Kath, "San ba tayo?" Nagtetext na naman siya habang nakahilata sa sofa nang naabutan ko. Hindi niya ko pinansin kaya binatukan ko siya.

"San tayo kako." Pag-uulit ko. Himala at nakatirintas ang buhaghag na buhok niya ngayon. "Punta tayong Bagiuo."

"Baliw ka ba? Hindi ko kayang mag-drive pa-akyat dun! Tsaka ang layo masyado!" Singhal ko pero inismiran niya lang ulit ako.

"Roadtrip lang naman, babalik din tayo kagad, sa Marcos highway tayo dadaan."

"Gusto mo na bang mamatay?!"

"Weak ka pala e."

"Weak na kung weak! Mahal ko buhay ko. Hindi yan kaya ng motor natin."

"Duhh. Raider yan! Anong hindi kaya? Takot ka lang e."

Nagtatalo pa rin kami pero hinila niya na ko papuntang garahe. Kahit asa byahe na ay nagsisigawan pa rin kami. Makulimlim at mukhang nakikiayon ang panahon kaya hindi na ko naka-angal ng husto.

"Waaahh! AYAN NA ATE! HALLA KA!"

Asa La Union pa rin kami pero may mga parte na na paakyat tapos inaasar na ko ng baboy na kasama ko. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang medyo pag-lamig ng hangin. Halos atakihin ako sa kaba dahil sa bilis ng takbo ng puso ko, para akong nakikipag-karera. Matagal naming iniwasang magawi papuntang Bagiuo dahil alam namin kung gaano kahirap bumyahe ng nakamotor dun.

Pero heto ako ngayon. Kasama ang kapatid kong tawa ng tawa habang tinatahak ang daan paakyat. Halos mabaliw ako ng bigla niyang binilisan ang takbo niya dahil sa pag-overtake sa isang dump truck!

"DAIG MO PA SINA LOLA KUNG MATAKOT!" Biro niya tsaka tumawa ulit.

Ilang ganung eksena pa ang nangyari, nabibigla ako tuwing umo-overtake siya. Sinasabayan ko ang bilis niya bilang alalay.

Before I knew it, naka-akyat na kami, hindi siya dumiretso sa lungsod, sinenyasan niya ko na itatabi niya ang motor bago pa kami umabot sa bukana.

Pagkababang pagkababa ng motor pagkatapos kong i-tayo ang stand ay tinakbo ko ang distansya namin ng kapatid kong tawa ng tawa. Babatukan ko sana siya pero agad siyang lumayo.

"Nyeta ka!" Hinahabol ko siya pero dahil hamak na mas matangkad siya kesa sakin e nalalayuan niya ko agad.

Hinihingal siya mula sa pagtawa at pagtakbo, tinaas niya ang isang kamay niya bilang pagsuko tsaka yumuko at hinawakan ang tuhod bilang suporta dahil sa pagkahingal.

"Hoo! Wait lang." Ika niya, tsaka bumaling sa tanawin na asa gilid namin mismo. Ikinamangha ko ang mapunong bulubundukin sa harap namin. Naisawalang bahala ko ang takot ko sa matataas na lugar dahil sa ganda ng view.

"Picture dali!" Ganun nga ang ginawa namin, nakailang selfie kami, naghanap kami ng magandang anggulo at kinuhanan ang isa't isa, para maiupload sa Instagram at Facebook.

Bago umuwi ay inaya ko muna siyang mananghalian sa nadaanan naming karenderya kanina. Hindi na namin namalayan ang oras dahil panay na naman ang kwento niya, bumabalik paminsan-minsan ang tingin niya sa phone niya tsaka agad na nagrereply kapag may nagtetext.

"Si James ba yang katext mo?" Hindi ko na napigilan ang pag-uusisa, tapos na kaming kumain at nagtatanggal na lang si Kath ng tinga. Wala namang kaso sakin yung pagkaka-crush niya sa Ex ko, pero sana hanggang dun na lang yun.

"H-hindi ah!" Tsaka siya namula. Hmm.

"Weh? Bakit ka nagba-blush?"

Nakakuha ako ng isang suntok sa braso dahil sa tanong kong yun. Inasar asar ko pa siya kahit na sa kaloob-looban ko ay nanalangin akong sana, wag magkatotoo.

Biglang nag-ring yung phone niya. "Si Lola." Sabi niya sakin tsaka iyon sinagot.

"Wen, wen. Agawid kamin. (Opo, opo. Uuwi na kami.)" Pinatay niya yung tawag tsaka ako sinabihan na kailangan na naming umalis.

Pinigilan ko ang antok ko habang nagmamaneho. Mabuti na lang at panay ang panti-trip ng kapatid ko kaya nalabanan ko naman yun.

Nang malapit na kami sa bahay ay laking pagtataka ko dahil ang daming naka-park na sasakyan sa gilid ng bakuran namin, kahit sa tapat. Nakita ko rin ang iba pang motor na alam kong pagmamay-ari ng ilang barkada ko. Mula sa malayuan ay andoon rin ang mga kamag-anak namin.

Lito kong tinignan si Kath habang pumapasok kami sa gate. Ang daming tao! Pinatay na namin ang makina tsaka nagtanggal ng helmet. Tinutulak na lang namin ang motor papunta sa garahe. "Anong meron? Wala akong maalala na may birthday ngayong araw."

Nagkibit-balikat lang ang kapatid ko sa tanong ko. Tsaka siya ngumisi ng napakalawak. Kaya mas lalo akong nagtaka.

"Andyan na pala ang mga apo ko!" Sigaw ni Lola mula sa balconaje tsaka turo sa amin. Napatingin sa amin ang karamihan sa bisita, ang ilan kasi ay busy sa pakikipag-kwentuhan. Maingay sa bakuran.

Tinapos ko ang pag-park tsaka lumapit kina Lola dahil panay ang tawag niya sa amin.

"Naghanda kami. Pa-despidida namin sa'yo." Si Lolo na ang nagsabi sakin dahil mangiyak-ngiyak si Lola na halos hindi na makapagsalita, or siguro hindi alam ang sasabihin. "Mangan ka nga mangan itatta. Ag-enjoy ka. Adittoy amin nga barkadam. (Kumain ka ng kumain ngayon. Mag-enjoy ka. Andito lahat ng barkada mo.)

Hindi ko na napigilan yung tuwa ko, nagpasalamat ako sa kanila. Binatukan naman ako ng kapatid ko tsaka binulungan ng, "Ang drama mo."

Ngumiti lang ako dahil minsan lang naman mangyari yung ganto. Pinagmasdan ko ang mga bisita, pati ang handaan na iprenepara nina Lola, at ang pamilya ko mismo.

Mami-miss ko talaga ang probinsya namin.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon