Chapter 5

5 0 0
                                    


"Huy! Aalis na daw siya." Bahagya akong napabalikwas sa kalabit ng kapatid ko. Nasa labas na pala si James. Hinayaan ko siyang magpaalam kay Kath. Yung baboy naman, pasimpleng kinikilig. Maharot.

Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko siya muli. Ganun pa rin naman yung ngiti niya, sumasabay yung singkit na mata niya. Liningon din niya ko, tsaka umismid, bago tuluyang lumabas ng gate.

Tss.

"Natagpuan ko na ata ang forever ko Ate!" Kinikilig pa rin ang baboy. "Binigay niya pa sakin yung number niya! In case daw na maligaw pa siya, tatawagan niya ko! Humaygad!" Hinahampas-hampas pa niya ko habang patuloy na nag-iimagine, sinasabi niya sakin yung mga iniisip niyang possible "dates" nila.

Nahihibang na ata tong kapatid ko.

Hanggang sa mag-gabi, hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ulit siya. "Bakit daw ba siya naparito sa Bulacan? Taga-La Union din yun e." Wala sa sarili kong tanong sa kapatid ko habang naghahapunan kami.

"Alam mo pala na taga satin din siya, akala ko di ka nakikinig kanina. Lutang ka e." Lumunok muna siya dahil puno pa yung bibig nya nang sabihin iyon, baboy talaga. "Hinahanap niya daw yung address ng girlfriend niya." Tsaka siya nagpatuloy kumain.

"May syota na pala, pinagpapantasyahan mo pa."

"Jowa palang naman Ate, magbe-break din yun! Nase-sense ko na ka-forever ko talaga si James."

"Mas matanda ng limang taon sayo yun!"

"So?! Age doesn't matter! Akala ko talaga hindi ka nakikinig kanina, bakit alam mo yun?" Taka niya kong tinignan, nagkibit-balikat lang ako tsaka kumain.

Nang natapos magligpit ay dumiretso ako sa kwarto habang hinayaan kong manood sa sala si Kath. Humilata ako sa kama tsaka tumitig sa kisame.

Pinapakiramdaman ko yung sarili ko. Hindi naman ako naiiyak. Hindi din ako nalulungkot. Hindi na ko nasasaktan. Nakamove-on naman na siguro ako.

Ang tagal-tagal na nun.

Pinuno ko ng kung anu-anong palaisipan ang utak ko hanggang sa tuluyan akong makatulog.

Pagkagising ko ay agad kong kinapa sa tabi ko ang cellphone ko. Napabangon ako nang hindi ko iyon makapa. "Asan na yun?"

Tinignan ko sa ilalim ng unan at kumot ko, halos maaligaga ako sa paghahanap. Nang natagpuan yun ay napahinga ako ng maluwang.

Hoo. That mini-heart attack.

Nagulat ako ng biglang pumasok ang kapatid kong nagsisipilyo habang nagsasalita. Akala ata niya nage-gets ko siya. Mukha siyang bruha sa messy bed hair niya.

"Ashte! Mhay mgha tshao sha labash! Shinashanap kha!" May tumalsik pang bula mula sa bibig niya. Bakas ang pagmamadali din sa paghilamos niya dahil may tirang sabon pa sa bandang gilid ng baba niya.

Hindi ko siya pinansin at bumalik sa pagkakahiga, iidlip pa ko saglit. Five minutes.

Rinig ko ang pag-uusap ng iilang mga tao mula sa labas ng kwarto, kasama na dun ang kapatid ko.

"Oo! Andyan siya sa loob. Dahan-dahan lang kayong pumasok, mabilis magising ang isang yan." Pabulong pero malakas na sabi ni Kath. Kakaiba talaga bumulong yun.

Inisip ko na baka kamag-anak lang namin yun na taga-Bulacan din, hindi naman magpapapasok si Kath basta basta ng kahit sino. Siguro.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng footsteps palapit sa akin. Hindi lang dalawang tao yun, marami! Dumilat agad ako at bumangon, pero agad may tumakip sa bibig ko!

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon