Chapter 25

8 0 0
                                    


"Dito ka din nag-aaral?" Hindi ko na sana siya papansinin, napahinto lang ako nung tinanong niya ako.

"Yup! Una na ko, ayokong ma-late." Nagmadali akong nagtungo sa kwarto ko.

Karaniwan ang naging araw ko, pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa trabaho. Pagkauwi ay nagsimula na akong mag-impake para sa pagbabakasyon sa probinsya.

Na-miss ko din ang sariwang hangin.

Day before I go home, nag-suggest si Verna na mag-night out since wala kaming Christmas Party, may bunutan ding naganap pero nagsabi ako na hindi ako sasali dahil hindi ko afford magregalo kung sakali mang artista ang nabunot ko, pero sinabi nilang minimum of five hundred kaya napilit din nila ako.

"Kuripot ata talaga ang mga Ilocano." Biro ni Neil. "Hindi naman lahat." Sagot ko.

"Sus! Sa tagal mong sumasahod alam kong budget meal lang parati mong kinakain noh." Dagdag pa ni Verna. Bahagya ko siyang minataan dahil nakakahiya.

Hindi ko naman kasi kailangan kumain ng mamahalin, okay na ko sa streetfood pag meryenda, swerte nga at madalas ay may libreng pagkain sa studio o sa mga set.

At may pinag-iipunan pa ako.

"Girl! Hindi naman masamang i-treat ang sarili or bumili ka ng kahit anong luho minsan. 'Di mo naman aaraw-arawin." Bulong ni Verna tsaka ako kinindatan. "Sabay ka na sakin bumili ng regalo mamaya."

Nahiya na akong tumanggi tutal sa susunod na gabi na ang magiging night out namin.

Nagpunta na lang kami ni Verna sa pinakamalapit na mall pagkatapos ng trabaho. Nang nakahanap na kami nang unisex na regalo ay inaya niya akong kumain sa Samgyupsalamat, nagsabi ako na hindi ko hilig iyon kahit ang totoo ay namamahalan lang talaga ako sa pagkain doon. Nang sinabi niya na libre niya, tutal pasko naman daw, ay hindi na ako nag-inarte. Unlimited pala ang pagbigay ng karne dito kaya medyo mahal. Ganito yung mga napapanood ko sa KDrama.

Nag-enjoy akong magpaturo kay Verna kung paano yung tamang pagluto ng iba't ibang klase ng karne. Malinamnam pa kapag nilagyan ng melted cheese.

Kung anu-ano lang ang napapag-usapan namin. Hindi ko akalaing kalog pala talaga tong si Verna, eto yung unang beses na lumabas kaming dalawa lang.

"Maraming salamat! Kita-kits na lang." Pagpapaalam ko, bigla namang nag-ring yung phone ko, agad ko itong sinilip, si J.

Nawala sa isip ko na katabi ko pa rin si Verna sa paglalakad. Akala ko umalis na siya. "Love..." Basa niya sa contact name. Sht. Naramdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko. Lalo niya akong inasar nang napansin niyang nahihiya kong binalik ang phone ko sa bag.

"May jowa ka pala! Sagutin mo na dali!"

"Hindi na, mamaya na lang--"

"Nahiya pa 'to! Gusto ko lang marinig yung boses!"

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para tigilan ako ni Verna sa panunukso, namatay ang unang tawag ngunit nasundan ulit ito.

"Ayan oh! Nangungulit din. Hihi. Sige na kasi--"

Biglang nag-end yung pagriring ng phone ko at kay Verna naman ang tumunog. Agad niya itong sinagot nang hindi tinitignan ang pangalan ng tumawag.

"Oh?" She mouthed "saglit lang, si J" at tinaas ang palad.

"Asa Ayala, bakit? Hindi pwedeng ako ang bumili ng regalo mo ha-- ahh, akala ko naman magpapasuyo ka... Oo, kasama ko si Kim. Oh, sige. Nilalandi mo ba siya?" Nagulat ako sa tinanong niya. Napakagat ako ng labi para pigilang magsalita.

"Aba dapat lang! May boyfriend na 'to." Tsaka siya tumingin sa akin at kumindat. Sinenyasan niya akong mas lumapit, tsaka niya nilagay sa loudspeaker ang tawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon