Chapter 9

3 0 0
                                    


I am glad that this celebration is happening. Though, odd thoughts about despididas crept through my mind.

Its like throwing a party because someone is leaving and its a relief.

Still, I am overwhelmed.

Dim lights from our lamp posts reflected our backyard. Iilan na lang ang mga bisita, pero parang mas umingay pa rin ang paligid dahil sa kwentuhan ng mga umiinom.

Sa isang mahabang lamesa kami naka-pwesto, lahat ng mga barkada ko, at ang ilan ay hindi ko naman talaga kaclose, nabalitaan lang siguro na may inumang magaganap. Kaliwa't kanan ang pagpapakilala sa akin kanina ng ibang tropa ko. I even saw some of my elementary and secondary classmates.

Ang mga matatanda naman ay nakikipagsabayan din, sa kabilang lamesa ang iba pang Lolo at Tito ko, ang iba ay katabi ang mga asawa.

Beers and brandy ang iniinom ng karamihan. May balak din atang maglasing yung mga babaeng kasama ko dahil nakiki-inom din sila nun kahit na may lady's drink naman.

This was the first time na hinayaan nila kaming uminom ng kapatid ko. Kaya sinulit namin.

At sulit na sulit ng baboy dahil excited siya noon pa man na maranasan yung mga nababasa niyang iniinom ng fictional characters mula sa kinaa-adikan niyang novel.

"Sabi ng pinsan ko, madami daw gwapo sa Manila. Uwian mo naman ako!" Halos pasigaw na sabi na ni Reina. Sa lahat ng andito, etong katabi ko lang ang talagang matatawag kong tropa ko.

Siniko ako ni Lyka,"Naghahanap na naman yan ng malalandi." Bulong niya sakin tsaka bumalik sa pakikipagkwentuhan sa iba.

Hindi ako masyadong kumportable sa pag-inom dahil binabantayan ko yung baboy. Baka kung saan magsusu-suot e.

Yun sana ang plano ko buong gabi, ang bantayan ang kapatid ko pero dahil nagce-celebrate nga dahil sa akin, ako yung lagi nilang pinapansin para mag-shot.

Nakaka-ilang bote na din ako ng beer at alam ko sa sistema ng katawan kong tamado na ko kaya tinatanggihan ko na ang mga alok nila. Maingay pa rin naman dahil sa kwentuhan at tawanan.

Parang nagkainstant reunion dahil dito. Hinanap ko sa bulsa ko ang phone ko para tignan ang oras. Halos hindi ko na mabasa ang numero dahil medyo nahihilo na ko kaya damay ang paningin ko.

Pasado alas dose na pala pero mukhang energetic pa rin ang mga kasama ko. Ibabalik ko sana ang paningin ko sa kapatid ko pero hindi ko siya namataan. Pinilit kong hanapin siya sa mga kasamahan namin, sa laki ng baboy na yun, madali lang siyang hanapin pag gantong may iba kaming kasama dahil nangingibabaw ang katawan nun.

Sinubukan kong tumayo, muntik akong natumba, mabilis naman akong inalalayan ng isa pang katabi kong kaklase ko. Busy pa rin sa pakikipagtsismisan si Lyka sa iba, pinag-uusapan nila ang mga nangyari sa kanila ngayong bakasyon, kaya hindi ko na siya inabala pang tanungin kung napansin niya ba kung saan nagtungo si Kath.

Dumiretso ako sa kusina namin pero wala siya, pati sa banyo, o kwarto niya, walang Kath na naroon. Sinilip ko na din ang kwarto ko pero wala siya dun, nagsimula na kong mataranta habang patungo sa kwarto nina Lola, dahan-dahan kong binuksan ang pinto nun at nakitang namamahinga na sila, si Lolo ay nakita ko kaninang masayang nakikipag-inuman sa kasamang kumpadre niya.

Wala na akong ibang choice kundi pumunta sa likod ng bahay, doon ko nakita si Kath, itatanong ko sana kung bakit siya andun pero nasilayan kong hindi pala siya mag-isa.

Pilit kong inaninag kung sino yung kasama niya pero hindi ko talaga makita, lalo na at naka-cap ito, tanging suot niya lang ang natatamaan ng ilaw mula sa bahay namin.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon