Chapter 10

6 0 0
                                    


"No."

"Anong no?!" She sounds hopeless. Gosh, bakit ba kasi kay James pa nagkagusto ang kapatid ko. All I wanted for this night is to end. Gusto ko na lang magpahinga. Pero seeing my sister at this state, parang pinipiga ang puso ko.

"Nagsinungaling si James? Ganun ba Ate?" Linapitan niya ko. Medyo napa-atras ako nang nakita ko ang galit sa mukha niya. Diretso ang tingin niya habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya. Oh God, please. Wag ganto. I tried harder not to pity my sister, because that's the least thing she deserved.

"Yes. Kath, makinig kang mabuti sakin--"

"Ayoko! Hindi magsisinungaling si James sakin!"

"Kath, ano ba?--" Pinipigilan ko rin ang sarili kong tumaas yung boses ko. I hated fighting with my sister, ayoko nga na nagtatampo siya sakin e, tapos ganto pa ang mangyayari.

"Ate, hindi pa kami matagal na magkakilala ni James pero alam kong hindi siya magsisinungaling sa akin." Bawat salita ay may diin niyang binanggit. Hinihingal na siya. I was worried about her whenever she's like that, lalo na at asthmatic siya.

"Matagal na kaming wala Kath. Hindi ko nasabi agad dahil gusto ko na lang kalimutan yung nangayari at hindi ko naman in-expect na mauulit pa ang pagkikita namin, besides, wala na rin namang pake si James sa akin." Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit alam kong anumang segundo ay mapipigtas na ang pasensyang iningatan ko.

"Pwede tigilan mo na yung pag-gawa ng kwento?!"

"What?! Hindi ako gumagawa ng kwento! --"

"Stop lying!"

"I'm not lying! James' a jerk! He's an asshole!"

"Wow! Tapos ngayon sasabihan mo pa yung tao ng ganyan." Her face was full of sarcasm. Jesus! Ayokong kaaway tong kapatid ko.

"Because he is! Hindi ko lang nakwento sayo kasi masyado kang infatuated sa kanya! Hinayaan kong maging ka-close mo siya dahil alam kong crush mo lang siya--"

"And you thought na hanggang dun na lang yun? Hanggang crush lang ang pwede kong maramdaman kaya mo tinago ang tungkol sa inyo? Bakit Ate? Wala ba kong karapatan magmahal?--"

"Dahil bata ka pa!--"

"Bullshit! You we're at my age nung lumandi ka at nagkaboyfriend! Now, you are confessing na si James nga yung Ex mo, pero bakit kailangan mo pa siyang siraan sa akin? Mahal mo pa siya noh? Kunwari sa akin mo siya inilalapit pero ang totoo gusto mo siyang bumalik sa'yo! Dahil sa pagiging makasarili mo, dinamay mo pa ko kahit alam mong may gusto ako sa kanya!" After she said those words, those hurtful accusations, she began to walk out.

Pero hinabol ko siya.

"Hindi Kath! Hindi ganun--"

"Shut up!"

Walang ibang tao sa loob ng bahay, nadidinig pa rin namin ang ingay at kasiyahan nila sa labas. I wish we were just as happy as them tonight.

Malapit na kami sa kwarto niya kaya mas nagmadali ako. "Kath-- kausapin mo ko." I said with authority, but with no avail, she just shut out the door. I tried calling her, pinalis ko ang mga luha sa pisngi ko tsaka kumatok, trying hard not to crack my voice, nor to disturb our grandparents on the other room.

Halos mapaos na ko kakatawag sa kapatid ko, inisip ko na lang na baka nakatulog na din siya dahil magmamadaling-araw na din.

Kanina ko pa narinig ang pagpapaalam isa isa ng mga bisita at ayaan ng pag uwi sa labas. Lumabas na lang ako para magligpit, inabala ko ang sarili ko sa pagbabalik ng mga bote sa case. Nagbabaka sakali na hindi na ako mabagabag dahil sa nangyari.

But who am I kidding? Eto na ata ang pinakamalalang magiging pagtatalo namin ng kapatid ko, masyadong masakit at napakabigat sa pakiramdam tuwing bumabalik sa isip ko ang itsura ni Kath habang umiiyak. Para siyang nagmamakaawa kanina na huwag malaman ang katotohanan kahit alam niya sa sarili niya na may mga pagpapahiwatig tungkol sa nakaraan namin ni James siyang natuklasan.

I've seen her cry because of guys, fictional bad boys to be exact. I've heard her whine about what the character should've done for a certain situation so that there will be a happy ever after so soon, how would it have end if she was the female protagonist. I've known the stories she had wished for her own love if ever she'll experience it.

And this was the worst scenario we could have. Fight over an asshole.

Hindi naman sa pinaglalaban ko rin si James, gusto ko lang malaman ni Kath how he's not worth it for the heartache he had caused me.

The cold wind blewed my short hair. It sent my back shivers. The familiar coldness of the wind was like of the stares I received from my sister.

Akala ko aantukin ako dahil sa pagod sa pagliligpit at sa nainom kong alak ngayong gabi. Nakatulala lang ako sa bintana habang pinapanood ang pagsikat ng araw. Mulat na mulat pa rin ang mata ko kahit gusto ko nang magpahinga.

Sana wala nang sama ng loob si Kath. Mamayang hapon na ang alis ko kaya sinubukan ko pa rin siyang kausapin. Hinintay ko siya sa hapag para sa agahan. Pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. Ilang beses na rin siyang kinatok nina Lola.

Nang mananghalian kami ay hindi ko pinahalata na wala akong gana dahil ayoko nang pag-alalahanin pa ang matatanda.

Nagbuga ako ng buntong hininga nang sumapit ang alas tres ng hapon. Sagad na oras na para sa pag-byahe ko pa-Bulacan. Doon muna ako mamayang gabi at bukas ako makikipagkita kay Verna.

Nagpapaalam na sakin sina Lolo, ilang pangaral at bilin pa ang sinabi ni Lola bago ako hayaang tumulak.

"Hayaan mo na ang kapatid mo at baka napuyat lang ng husto kagabi." Nginitian ako ni Lola na mistulang sigurado siya na yun ang dahilan kaya hindi lumabas ang kapatid ko.

Tumulak na ako, hindi ko dinala ang motor ko dahil sa laki ng bagahe ko, tutal magdo-dorm naman ako kaya mukhang hindi ko rin iyon kakailanganin.

Sinilip ko ulit ang bahay namin na paliit na nang paliit sa paningin ko, pero wala talagang Kath na nagpakita.

Nagchat ako sa kanya para sabihin na nakasakay na ko sa bus, baka sakali lang naman na mag-reply siya ng "ingat", o kahit ma-seen man lang niya ang mensahe ko. Nakita kong online siya nang asa byahe na ako pero hindi niya pinansin ang message ko.

Sinulit ko na lang ang pagtingin sa mga tanawin, ang mga puno, kapatagan, bukiran, ilog, dalampasigan, at kahit mga talahib na nadadaanan. Dahil panigurado akong, wala nun sa Manila.

Wala sina Lola na naka-abang lagi sa pag-uwi ko.

Wala ding Kath na mapag-titripan at mauutusan.

Tumigil ang bus sa terminal ng Pangasinan. Ang kaninang bakanteng upuan sa tabi ko ay inukupa ng isang nakaface-mask at shades na lalake. Kung may suot mang sumbrero to ay mapagkakamalan ko talaga siyang snatcher.

Gwapong snatcher.

Ibinaling ko ang paningin sa mga tao sa labas. Mga nagbebenta ng iba't ibang uri ng mani, chichirya, softdrinks at tubig.

Tumikhim ang katabi ko kaya napabaling ulit ako sa kanya. Inayos ko ang upo ko. Hamak na matangkad ang lalake, may takip man ang mukha ay kita pa rin ang katangusan ng ilong niya. At dahil nakatingin siya sa unahan ng bus, nakashades man ay nakikinita ko ang nakapikit niyang mga matang may makurba at mahabang pilikmata, makapal din ang kilay niyang bagay sa kanya.

Ilocano din siguro to.

Naalala ko mula sa kilay niya si J. Ang rason kung bakit ako magma-Manila. Naalala ko kung gaano kahalata ang pag-ahit dun upang maging perpekto.

Dahil na rin siguro sa puyat kaya nakatulog ako sa byahe. Mabuti na lang at asa Pampanga palang nang maalimpungatan ako.

Nag-inat ako, pagkatapos ay inayos muli ang upo ko. Nagulat na lang ako dahil balak ko na sanang tignan ang katabi ko pero nasilip ko na kagad na titig na titig siya sa akin. Hindi niya na suot ang shades niya. Sinandal ko ang ulo ko tsaka hinanap ang headset ko, sinuot ko yun pagkatapos alisin sa pagkakabuhol.

Isinawalang bahala ko ang pagtitig sakin ng weirdong lalake. Tinignan ko kung may mensahe ba mula sa kapatid ko.

Nakakaasar isipin na dahil lang sa isang lalake kaya kami nagkaganto.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon