Chapter 11

4 0 0
                                    


"Pwede ka nang tumuloy sa dorm kahit wala pang pasukan. Bukas ang unang araw mo sa trabaho, may curfew ang eskwelahan pero napakiusapan namin sila tungkol sa sitwasyon mo." Ngumiti si Verna sakin pagkatapos iyon ipaalala, naitext niya na sakin yan kagabi, inabala niya ulit ang sarili sa pagtitipa sa cellphone habang naglalakad kami.

Binabati niya karamihan sa nakakasalubong namin, yumuyuko din ako bilang pag galang.

Tinatanaw ko ang mga busy na empleyado sa kani-kanilang trabaho. Ganto pala dito, o baka sa floor lang na to. Ang sabi sakin ni Verna ay karamihan sa floors ng building ng network ay studio.

"Patapos na ang meeting ng banda, ipapakilala ka namin sa kanila ngayong araw. Pagkatapos nito, pwede ka nang umuwi." Tila kabisado niya na ang daan dahil hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin sa cellphone habang diretso lang sa paglalakad. Agad naman siyang nakakaiwas at babati pag may nakakasalubong.

Makakabisa ko rin kaya ang ganun?

Napasinghap siya nang nakitang sa kalagitnaan ng pagtitipa ay may tumawag. Bumulong siya ng ilang mura.

"Kailangan nating tumakbo." Without a cue, she started half running, sumasabay ako kahit maiksi ang biyas ko.

I wasn't sure on what attire I was going to wear, but I chose to be on a semi-casual. And I find it convenient, siguro ganto na lang lagi ang isusuot ko. Wala namang dress code ang network, wala ding uniform, base sa mga nakakasalumuha kong mga tao.

"Okay, breath in. Ayusin mo ang buhok mo." Bahagya niyang hinaplos ang buhok ko. "Smile." Verna said and then openned a smoked-screen glass door.

"Good morning!" She cheered and went near to Miss Zara. "Hi Madam..." with all smiles, she reported overviews of what documents she's holding. Merely schedules of idols they handle, I think.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang limang lalakeng nakaupo sa gilid ni Miss Zara. Nakahilera sila at tila may kani-kanyang mundo.

Ford, Tristan, Russel, Neil, at si Baby J!

Si Russel at Ford ay nag-uusap habang prenteng nakaupo si Neil na may katawagan, si Tristan naman ay busy sa paglalaro sa cellphone niya, at si J ay nakadekwatro habang nakahilig ang ulo sa inuupuang swivel chair, nakapikit siya at mukhang puyat kaya ngayon namamahinga.

"Kim! Halika dito." Natigil ako sa paninitig kay J. Kung dati ay gusto kong magtititili tuwing nakikita ko siya sa stage, ngayon ay gusto ko na lang na makita niya ko bilang... nevermind, alam ko namang hindi na aabot sa point yun.

Mananatili ang distansya namin kahit gaano pa ako mapalapit sa kanya.

Sinenyasan pa ko ni Verna na lumapit.

"G-Good morning po Ma'am." Bati ko kay Miss Zara nang nakalapit. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa tsaka siya naglahad ng maliit na ngiti sa akin.

"Boys." Tumikhim pa siya para makuha ang atensyon ng lima. "This is Kim. She'll be part of our team. Treat her nice, okay?"

Halos walang naapektuhan sa sinabi ni Miss. Lalo na nang napansin kong ni hindi man lang ako tinignan ni J. Ang ngiti na ibinigay ng ilan bilang pagwe-welcome ay balewala para sakin dahil hindi ako napansin ng gusto ko.

Nakita ko ang paninitig sa akin ni Neil. Tinitigan ko din siya dahil may pamilyar akong napansin sa mukha niya.

"You may now go." Tinignan ni Miss ang katabi. "Verna." Saad niya tsaka sumenyas. Tumango lamang siya tsaka ako iginiya palabas.

Yun na yun?

"Kabilin-bilinan ni Madam na wag kang magpapahalata sa pagbabantay." Nagsalita kagad si Verna pagkasarado niya ng pinto. "Bukas asahan mo na hindi madali ang magtrabaho bilang staff, kaya sana wag kang papadala kung sakaling mapagalitan o mapagsabihan ka sa set, ha?"

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon