Chapter 23

5 0 0
                                    


Sabi nina Lola, kaya hindi nila ako pinagbabawalan ay dahil ang mga bata daw na maraming bawal gawin ay lumalaking rebelde.

Ngayon pinagbawalan ako ni J na lumapit sa kanya.

Stay away from me.

Gago ba siya? Siya mismo nagsabi na layuan ko siya. Sa bibig niya mismo nanggaling yun. Pero bakit ganto? Tuwing may pagkakataon siya. Basta basta niya akong hihilain kung saan para halikan. Pagkatapos ay tititigan at iiwan.

Ako naman si tanga, nagpapahila lang basta.

Estupida talaga ako.

Kahit anong event, basta may tyempo, kinukuha niya para utuin ako. Damn it.

Minsan kapag mabilisan lang ay umaalis agad siya. Pero kapag nakakahanap ng oras ay lumalayo kami. Roadtrip, foodtrip, tumatambay kung saan niya trip. At ang pinagtataka ko, sumasama ako sa kanya.

Di ba galit ako sa kanya? Bakit siya nakayakap sa akin ngayon sa likod ng garden nila habang sinasayaw ako?

"Bakit mo to ginagawa?"

Just like the usual, hindi niya yun sinagot tsaka niya lang ako hinalikan sa noo. By the end of the night, hinatid niya na naman ako sa dorm.

And then kinabukasan, parang walang nangyari, parang hindi niya ako kilala.

He's snob in school or at work, but there are times, just like now, na kada vacant namin ay pinapapunta niya ako sa kung saan and then he'll pick me up.

"Where to?" He asked while holding my hand, the other on the steering wheel.

"Secret place?" I'm unsure about my answer, but he drove off. Pagkadating ay namili kami ng movie sa netflix, we cuddled, after the movie, we played at his xbox.

Ganto parati. Hanggang matapos ang first semester ay ganun kami.

It was fun, and I admit that I fell for him even more. Akala ko sagad na yung paka-inlove ko sa kanya noon, may ilalala pa pala. And it's frustrating kasi hindi ko alam kung anong meron kami.

Minsan sa sobrang 'no pansin' niya nagtatagal yun ng ilang araw, akala ko hindi na talaga niya ko kakausapin.

For the last sem before we graduate, on-the-job training namin, I was lucky to have my training approved in our company, with the same job, but this time, nagagamit ng company ang right nila para pagtrabahuin ako sa ibang department. It was quiet tiring because you have to deal with different people.

I experienced more. More stress, more hurtful words, more biased decisions, more work.

"No, no, no. Honey, you should sing with feelings. Kung ano yung nararamdaman ng kanta, ganun din dapat." Right now, I am assigned to know how do they really record songs. Ewan ko ba, hindi naman related sa music ang course ko, dapat asa HR ako or sa Admin section e.

"Repeat in three, two, one." Sa panglabing limang beses, nag-umpisa ulit ang instrumental ng kanta. Cover lang naman ito, revival. Maayos ang pagkanta ni Yuri sa first verse, nang dumating ang chorus ay medyo nagfa-flat siya sa ibang notes, pinatapos muna ng mentor ang buong chorus tsaka siya pinahinto.

"Hindi ata tayo matatapos dito." Bulong sa sarili ng mentor. Napalingon siya sa iba pang artista sa likuran namin. "Anyone of you knows this song?" He desperately asked.

May nagtaas ng kamay, tsaka pinakanta, pero hindi ata nagustuhan ng mentor kaya pinasubok niya pa ang iba. He felt helpless kaya wala silang ibang choice kundi magre-sched. Ako ang nag-aayos ng schedule ng mga gagamit sa studio, sinabi kong next week pa ang available, yun din ata ang deadline ng dapat na recorded song, kaya mas nanlumo sila.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon