Chapter 16

3 0 0
                                    


Kinikilig ako! Sobra pa sa sobra! Ihing-ihi na nga ko sa sobrang kilig ngayon!

I still can't believe that I had a ride in his car! Geez. Nakakaloka! And now, asa isang club na naman kami, unlike sa kanina, this one is what I usually see on movies or teleseryes. Yung nagwawalwal talaga ang mga kabataan.

Ang dami pang artista dito na hindi ko aakalaing ganto pala kung pumarty. Ibang-iba sa mga napapanood kong personality nila sa tv.

Damn. At ang pinakanakaka-kilig, we're still holding hands! Gosh! Pwede na kong mamatay!

Buti na lang madilim, at puro neon lights lang ang nagsisilbing liwanag sa buong lugar, kung hindi, kitang-kita ang pamumula ko dito, baka mapagkamalan pa kong lasing dahil sa pula ng mukha ko.

"So..." Hinarap niya ako, lumawak ang ngiti niya nang napansin ang pagkamangha ko. Ngayon, hindi na ko naiilang sa suot kong, shirt, shorts, at sandals. I can still blend in kahit mukha akong alalay.

"We'll have fun, alright? Wag mo na lang isipin na maaga ang schedule natin bukas." He shouted just for me to clearly hear his words.

"Sige." I smiled back.

"The whole band is here. Don't worry. Sama-sama tayong magkaka-hangover." He winked and then started walking. Sa dami ng tao, hindi niya na binitawan ang kamay ko para hindi ako mawala.

Hindi ako nadisappoint sa nalaman na hindi kami magso-solo. Malamang magiging awkward lang ako kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

"Ang tagal mo!" Tristan exclaimed at J, nakahilera sila sa c-shaped sofa, at sobrang dami ng alak sa harap. Iba't ibang klase. Si Neil lang ang may ka-akbayan na babae. The rest were just enjoying the drinks. May iba pang nakahalo sa kanilang mga babae at lalake.

Nagulat ako nang nakilala kong si Verna ay isa doon! Hindi niya kami nilingon dahil nakikipag-usap siya sa katabi. First time ko siyang makita na hindi hawak ang phone niya.

Umusog ang dalawang lalake sa left side na dulo. Doon kami pumwesto ni J. Nakipag-high five at kamayan siya sa mga nandoon. Tsaka lang lumingon si Verna sa akin, kakaway na sana ako kung hindi lang nagkunot ang noo niya at umakto siya na walang nakita, tsaka binalik ang atensyon sa katabi.

Ipinakilala ako ni J at Neil sa iba, mukha naman silang hindi interesado. Binigyan agad ako ni J ng tinawag niyang margarita.

Akala ko juice lang yun kaya nilagok ko lahat dahil nauuhaw na talaga ako. Maling akala pala. Huli na nang nalasahan ko ang pait sa lalamunan ko.

"Woah! Easy, Kim." Sita sa akin ni Ford, siya ang pinakamalapit sa tabi namin ni J na kakilala ko. Nagkayayaan na silang sumayaw. Binalingan ulit ako ni Verna, hindi ako sigurado kung nagbabanta ba ang tingin niya o ano, kaya humindi na lang ako sa alok nila.

Ibang-iba ang itsura niya sa dress at heels na suot ngayon. Mukha din siyang artista lalo na at nakamake-up siya.

Bago pa ko manlumo dahil sa suot ko, uminom na lang ulit ako ng inuming asa tapat ko.

Ako, si J, si Russel, at isang babae na katabi si Tony. Nagku-kwentuhan sila tungkol sa mga kotse. Boys.

Naka-ilang baso na din ako. Hindi ko nga alam kung ano tong mapait na mukhang gin na iniinom ko. Bawat lingon ko, dumo-doble na ang nakikita ko, kung hindi man ay parang umiikot.

Tatayo sana ako para mag-banyo, then everything went black.

Nasusuka ako.

Bago pa ko makasuka ay may umalalay sa aking bumangon. Pinatayo niya ako tsaka iginiya kung saan. Nang nakakita ako ng lababo ay tinakbo ko yun para maglabas ng sama ng loob.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon